Six

47.9K 1.2K 432
                                    

NAKA-ILANG beses akong nagpabalik-balik sa kotse para mag-iwan doon ng mga pinamili ni Meredith. Close na nga kami ni manang lady guard d'un sa entrance ng basement parking dahil kanina pa ako daan nang daan sa kanya.

Paano halos limasin ni Meredith ang mga estante sa Home department ng SM Megamall kung saan kami nakabili ng mas maganda at mas murang basong di mukhang arinola, mga pinggang di ko susubukang hugasan sa takot na mabasag sila at maabo ang halos P4,000, mga kutsara't tinidor, kutsilyo, sandok, siyanse at iba-iba pang gamit sa pagluluto. Baka kung may palayok at bilao pa d'un, malamang binili na rin niya.

At pagkatapos ng department store, parang pinasok yata namin ang lahat ng tindahan ng mga damit, sapatos, makeup at lahat ng bookstores ng mall.

"Lunch na muna tayo?" tanong ni Mere mayamaya nang makalabas kaming dalawa sa mala-blackhole na tindahan ng gamit na naman sa bahay. Sinabi raw ni Daddy noon na tisoy ako. Puwes, tisoy na talaga ako ngayon dahil namumutla na ako sa gutom. Alas dos naman na kasi at matagal nang na-digest 'yung kinain kong sosyal na siopao ng Tim Ho Wan.

Bumungisngis siya nang bigyan ko siya ng nagmamaka-awang puppy dog look at pinisil niya ang kamay ko bago ako hinila papunta sa Mann Hann na malapit lang d'un sa pinanggalingan namin. Di na ako namili, at di na ako nagreklamong Chinese restaurant na naman siya. Kung nangangalumata ka na sa gutom, kakainin mo kahit ano.

Magkatabi kaming naka-upo ni Mere sa isang booth nang mag-ring ang phone niya. Nilingon ko siya, nginunguya ang kakasubo ko lang na hakaw na sa gutom ko ay balak kong ipagdamot kay Mere kung sakaling manghingi siya.

"Hi, Mom!" sabi niya at tahimik akong nagpatuloy sa pagnguya habang pinapanood siya.

Glowing siya, halatang masaya. Parang hindi pa pagod kahit pa apat na oras na siyang naglilibot sa mall. Sa susunod talaga, magdadala na ako ng energy drink kapag mag-aya siyang mag-shopping ulit. O kaya mag-e-endurance training muna ako ulit para handa ang katawan ko. Napagod talaga ako ngayon.

Tumaas ang mga kilay ko sa kuryosidad nang excited siyang umirit at inabot ang kamay kong may hawak ng tinidor. "Na-deliver na raw 'yung kama natin!" sabi niya sa 'kin bago binalikan si Mommy sa telepono. "Opo, thank you, Mom, I love you! Opo nga pala! Ibinili ako ni Ash ng cast iron skillet!"

Doon, natawa na rin ako. Sige na, aaminin ko nang good idea 'yung lintek na kaldero na 'yun kahit mahal ang hinayupak.

"Opo. Ang ganda niya! Katulad niya 'yung nand'yan pero mas malaki. Opo... Opo... Mamaya na kayo umuwi, Mom. Lunch lang po kami then grocery. Hintayin n'yo na kami. D'yan na kayo mag-dinner ni Daddy."

Teka, akala ko ba na-deliver na 'yung kama natin? Paano natin ite-testing 'yun kung nasa bahay ang mga magulang mo? Pagod pa naman ako ngayon. Dapat sana pagdating natin kaagad sa bahay kasi baka di ko kaya ang usual minimum number of rounds natin... baka mabitin ka, baka maka-tatlo lang ako mamaya.

"All right, Mom! See you later po. Love you! Thank you ulit." Ibinalik niya sa bag ang phone at binalingan ako. Masaya siyang pumalakpak bago pinanggigilan ang braso ko. "May kama na tayo!"

Ngumisi ako at kumindat-kindat. Tumawa si Mere bago binalikan ang pagkain sa pinggan niya. "Behave! Nand'un si Dad mamaya. Baka lagariin niya 'yung kama at paghiwalayin para di tayo tabi. O kaya double-deck nga ang i-deliver nila sa 'tin!"

"Sus, kahit Monobloc na upuan lang ang meron sa bahay, magagawan natin ng paraan 'yun."

Tumawa siya, namula at sinundot ako sa tagiliran bago muling kumain.

Ikinukwento niya 'yung mga gusto niyang gawing dekorasyon sa kwarto namin. Tumango lang ako kapag may sinasabi siya, nagpapanggap na alam ang kaibahan ng kulay ng byzantium at plum, at sumasang-ayon na maganda para sa banyo naming gusto pala niyang papalitan ng tiles ang blue-green. Lalaki ako, kung hindi primary o secondary ang kulay, di ko na alam 'yun.

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon