Bakit Ngayon

3.6K 198 22
                                    

"Anakkkkkk ! Gising na tanghali na!"

Gumising sa akin ang pagkalakas-lakas na boses ng aking ina.

"Nay, walang pasok ngayon at gusto ko pa pong mamahinga!"

"Anak, aalis kasi ang nanay. Bibisitahin ko lang ang aking kaibigan. Kaya naman ikaw na bahala dito sa bahay at pumunta ka nga palang palenke bumili ka ng ating uulamin iadobo mo na lang yung mabibili mo ok? Kaya mo naman na ang sarili mo bye anak!"

"Sige po nay!"

Pagkabihis ko ay pumunta na agad ako sa palengke. Headset, plug in!

After 1 hour nakapamili na rin ako, all set go home!

Pakiplay po ang BAKIT NGAYON BY JULIE ANNE SAN JOSE, pakinggan niyo maganda hehe.

1 message received

From: bff Mary :)

Bff, mamasyal tayo sa park mamaya!

To: bff Mary :)

Ok :)

Sending ....

Nagulat ako ng may biglang humablot ng cellphone ko. Aba, ako pa kinalaban niya ah humanda siya sa akin. Hinabol ko siya.

"Huli ka! Sabay sipa at tadyak ang kanyang natamo mula sa akin. Ayun nabawi ko yung cellphone ko. Wait, ano ito? "PLUG IN" bakit nandito pa rin siya eh hindi naman nakasaksak si headset! Aggghhh! Nasira siya!"

"Tumigil ka nga dyan ang ingay mo!" Sabi ng magnanakaw

"Aba, ang lakas naman ng loob mo para sabihin sa akin iyan. Isusumbong kita sa pulis nasira tuloy yung phone ko dahil sayo kailangan ko pa tuloy ipagawa!"

"Sorry nga pala, need ko kasi ng pera para makabili ng makakain kaya ko nagawa iyon." Sabi niya.

Plug In (Short Story)Where stories live. Discover now