5

189 4 0
                                    

Chapter 5

ACHI

Sabi, it takes 15 days for a woman to fall inlove. 'Pag lalaki, 8 seconds lang.

Paano naman ako?

Isinuot ko ang t-shirt na pinakaiingat-ingatan ko pang plinatsa kagabi for five hours. Inayos ko rin ang buhok ko at nagpakasasa ako sa pag-spray ng pabango ko.

At dahil mahilig akong kumanta. Kakanta ulit ako.

"Lately, I've been, I've been losing sleep
Dreaming about the things that we could be.."

"MANAHIMIK KA NGA AGUSTO DE LEON THE SEVENTH KUNDI PUPUKPUKIN NA KITA NG BATO!" Sigaw sa akin ni Mikaela. Kasama ko sya ngayon sa kwarto ko. Ewan ko ba, may kwarto naman sya pero palagi syang nandito.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin bes? Wala naman akong ginagawa sayo ah." Seryoso kong sabi sa kanya. Ang sama-sama kasi nitong bestfriend ko. Ilang araw nya na akong sinusungitan! Hindi na nga nya ako kinakausap ng matino at hindi na nya ako nilalambing. Hindi tulad nung dati? Wala na ba ang pag-ibig nya sa akin? Iyon ay labis na nakalulungkot.

"Anong walang ginagawa! Tingin mo hindi nakakainis yung araw-araw na pakikinig sa mga pinagsasabi mo tungkol kay Aria!?" Kinalabog nya ang pintuan ko. Nagwalk-out na naman sya. Walk-out queen na ata ang bestfriend kong maganda. Nako, baka magmana sa kanya ang kanyang anak. Bakit ba lagi kong nababanggit yang anak nya?

"Nagseselos ka ba...?" Bulong ko.

May lakad ako. Magkikita kami ngayon ni Aria. Ang totoo nyan e ako ang nag-aya. Sabi ko gusto kong mamili ng kung anu-ano. Pero ang totoo, gusto ko lang naman syang makita. Hindi naman ganun kadaling sabihin yun sa isang tao diba!

'HOY I WANT YOU LET'S GO OUT.' Ganyan. Ganyan ba dapat!? Syempre didiskarte ka! Naaalala ko tuloy yung mga palusot ni Mikaela sakin para lang puntahan ko sya dati. Tinotolerate ko naman! Syempre, mapagbigay ang mga dyosa.

Nadaanan ko si Mikaela at Joyce nung papalabas ako. Hindi ako pinansin ni Mikaela habang si Joyce naman, nagpumilit na harangan ako.

"Kuya Achi. Hindi ka nga pwedeng lumabas."

Bumusangot ako sa kapatid ko. "Si Mama nga pinayagan ako tapos ikaw pipigilan mo ko?" Tinaasan ko lang sya ng kilay at nilampasan.

"Pabayaan mo nalang kasi yang kapatid mo." Tinignan ko si Mikaela na busyng-busy sa pagbabasa ng magazine na baliktad. Eto talagang taong 'to. Mang-isnob na lang, fail pa.

"San ka ba kasi pupunta, kuya?"

"May imemeet ako. Maggagala kami." Nginitian ko sya at kinindatan na sya namang ikinagulat ng kapatid ko. That was so unnatural of me nga naman.

Tumayo si Mika habang dinadabog sa lamesa yung magazine. "Pabayaan mo nalang kasi sya Joy. Ilang linggo nang ganyan ang kuya mo, hindi ka pa nasanay."

I sneered at her and gave my little sister a smile. "Alis na ko."

Maka-ilang linggo naman kasi si Mikaela. Para isa't kalahati palang. Feel na feel naman nyang galit sya sa akin at naiinis dahil daw bakit yung babaeng kakakilala ko palang ay dinedate ko pero sya hindi. Echuserang bakla yun. Para namang kinalimutan ko sya eh chinichika ko nga sa kanya si Aria, ayaw naman makinig! Hmp. Parang hindi kami magbestfriend. Ang sama.

Hindi ko naman sinasadyang maisip si Aria mula paggising ko sa umaga, pagtulog sa gabi, pagligo sa hapon, pagkain ng altanghap at sa marami pang bagay. Nakakatuwa kasi sya! Nakaglue na ata sya sa utak ko e.

Eh Kasi, Bakla! 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon