"What will you if somebody stole your heart and it was given to you back shattered?" tanong sakin ng humanities teacher namin.
Napaamang nalang ako sa tanong niya. Nakatingin na sakin lahat ng mga kaklase ko habang naka tayo ako para sa naturang recitation.
"Ah e..." sinusubukan kong sagutin ang tanong niya.
'What will do if somebody stole my heart, and it was given to me back shattered?'
Is he asking if I fell in love into someone and I experience break up, what will I do to move on? Ganun ba yun?
'What will I do to fix my heart back?'
Argh! Mas lalo naman ako ngayong naguluhan. I never really imagine na may magtatanong sakin ng ganito.
"Uhm..I will--" I was about to continue when someone from the corridor shouted, as if there were two people chasing. The one who's running away and the one who was chasing while shouting 'ibalik mo yan!'
Lahat kami nakatingin lang sa labas ng makita namin ang dalawang naghahabulan. I just rolled my eyes nang makita ko kung sino nanaman ang taong yun.
James Audley Sandoval. The most irritating student in the campus. Para sakin.
Paano ba naman kasi, siya ang pinaka maingay, pinaka isip bata, matakaw, palaaway, nakakatakot at pinaka...
Ugh.
Gwapo.
Yun ang sinasabi nila.
Kaya lahat ng katarantaduhan ng lalakeng yan e napagbibigyan dahil lahat ng tao dito sa campus nag-gwapuhan sakanya.
Para bang natatakpan ng mukha niya ang tunay niyang pag uugali.
Siya yung lalakeng humahabol kanina.
Lumabas yung teacher namin para sitahin ang dalawang nang istorbo ng mga klase. Minor offense din kasi sa school na to ang ginawa nila.
Bumuntong hininga lang ako bago ulit naupo sa upuan ko.
Wala na yung nagtatanong sakin, kaya uupo nalang ako.
-oOo-
Lunch break...
"Girl bakit ang tagal mo?" nakataas nang kilay na tanong sakin ni Lucy habang papalapit ako sa table nila dito sa canteen. "Kanina ka pa namin hinihintay ni Levi" pag rereklamo niya.
"Sorry na late kasi ng pag dismiss si sir dahil ang tagal niyang nakabalik" pag e-explain ko sabay upo na. Inilagay ko muna yung bag ko sa gilid ng table atsaka ko kinuha yung lunch box ko.
"Bakit ano bang nangyari?" tanong naman ni Levi sakin na nasa kanan ko.
"Ah si James Sandoval nanaman kasi, ayun nanggugulo nanaman sa corridor kaya sinita sila ni sir"
Sabay nalang silang napailing sa sinabi ko. Sanay na rin kasi ang lahat sa taong yun, kaya normal nalang na malaman naming naggugulo nanaman siya sa kahit anong oras dito sa campus.
"Pero alam niyo" tumingin si Lucy saming dalawa "sayang talaga yung si James e, gwapo na at mabait, kulang lang talaga sa disiplina" seryoso akong tumingin sakanya.
"Oo nga girl, malay mo magbago pa yun" pagsang ayon naman sakanya ni Levi. "You know people change" ngumiti pa ito.
Hayy naku talaga. Ito na nga yung sinasabi ko e, kahit gaano karami na ang nagawang kabaliwan nung si James dito in the end iniisip pa rin ng mga tao na may chance pa siyang magbago.
BINABASA MO ANG
Crystallized Heart
HumorAre you willing to bargain your most precious possession? ~Your Heart.