Epilogue: Na- Macario Sakay Emilio ako!

200K 5.6K 580
                                    




"B."

Tumingin siya sa akin. Huminto ang tibok ng puso ko. Mahal na mahal ko si Beanca. Hindi ko alam kung paano ako humatong sa sobrang pagmamahal sa kanya. Sabi nila, kung anong sobra ay masama pero hindi naman masama ang pagmamahal ko kay Beanca. Mahal ko siya at sa tatlong linggo na halos  hindi ko siya halos nakakausap at nakakasama ay para bang taon na ang lumipas at halos ikabaliw ko na.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. Pinahid niya ang mga luha niya. Hindi ko alam kung anong nanging problema ko at nang sabihin sa akin ni Ningning na buntis siya ay naniwala agad ako. May ipinakita kasi siya sa aking pregnancy test kit tapos ay may paiyak-iyak pa siya. Sinabi niya sa akin ang detalye ng naganap sa amin noong gabing iyon, she sounded believable, ang masama pa mayroon siyang witness - iyong isang waitress ko sa Vegan Bar, sinabi sa akin na ako pa ang namilit kay Ningning na makipag-sex sa akin. Hiyang-hiya naman ako sa nalaman kong iyon. Malibog ako, pero hindi naman ako namimilit ng babae at of all people, si Ningning pa!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong muli ni Beanca sa akin. Sumampa ako sa kama at pinatungan siya. "Macario!" Sigaw niya pa. Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya at saka umiyak. Naiiyak ako - hindi ko alam kung dahil ba sa masaya ako o dahil nalulungkot ako at ako ang naging dahilan ng sakit na nararamdaman niya. Umiyak si Beanca dahil sa akin. Ayokong umiiyak siya dahil higit akong nasasaktan. I wanna make things easy for her.

"Mac..." She called me. Niyakap niya ako. "Is this your goodbye?" She even asked me. Umiling ako. Tumingin ako sa kanya.

"Nobody is saying goodbye, Beanca. I'm all yours. I love you."

"Paano si Ningning?" Mahinang wika niya. I sat up. I held her hand and looked at her.

"Walang Ningning, B, walang bata. She fooled everyone. Sinabi niya lang na buntis siya dahil gusto niyang makuha ako. Medyo kasi, sana maintindihan mo kung gaano ako kagwapo at maraming nagkakandarapa sa akin."

Sinapak ako ni Beanca. Hinuli ko naman ang kamay niya at hinatak siya papunta sa akin. I kissed her mouth.

"Wag ganyan...' Wika niya sa pagitan ng mga halik. "Mag-usap muna tayo." Bahagya niya akong itinulak. "Pinaiyak mo ako." Naninisi siya. I smiled. I wiped her tears away.

"Kahit ilang beses kang umiyak, Beanca Bella, paulit-ulit kong papahirin ang mga luha mo." Muli ay hinagkan ko siya. Napalalim ang halik na iyon - sumasagot na rin naman siya. Bumaba ang mga labi ko sa leeg niya. I bit that sensitive part of her skin.

"Macario... ohhh... wait..." Sabi niya. "Usap diba, usap hindi papakan Susuntukin ko bur mo!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Lumabi pa siya.

"Anong usap pa ba? Walang Ningning, wala kang Lala o ibang babae kasi babae ka na. Lalaki na ang pagseselosan ko pero wala din sila kasi bago pa sla makalapit sa'yo, sasapakin ko na sila."

Beanca smiled. That smile can make my world stop and revolve again.

"Kailan mo naisip na love mo ako?" Biglang pag-iiba niya ng usapan. Napatawa ako.

"Noong intrams noong Grade 7 tayo. Kasama mo si Irma noon tapos naghahabulan kayong dalawa sa may manggahan. Binato mo ako ng maliliit na bato tapos pagtingin ko sa'yo, nag-slow motion ang lahat. Iyong parang ikaw na lang ang nakikita ko at wala nang iba. Iyong para ikaw na iyong naging sentro ng mundo ko - iyong lahat ay ikaw na. Doon ko nalaman na mahal kita. Sabi nga ni Yckos noon, ang aga ko daw lumandi kasi trese anyos ako pero mahal na agad kita, samantalang siya sandamakmak na babae pa ang bumasted sa kanya bago niya nahanap si Goring."

Beanca was smiling all the while.

"Noong araw na nalaman mong mahal mo ako, iyon din iyong araw na narealize ko na tomboy ako. I am really attracted to Irma that time pero hindi ko ni-push kasi nga kaibigan ko siya. Tapos iyon, naghanap ako ng iba. Tapos noong gabing nasa Boracay na tayo, naisip ko na baka all along hindi naman ako tomboy, baka natakot lang ako na pag-aralan maigi ang damdamin ko. I realized that I was never really attracted to other men because it has always been you. I might had been in love with you back then but I was just too tomboyish to admit that. But when you made your move that night, I realized so many things and I want to thank you. Ang simple lang naman ng problema pero hindi ko natindihan iyon agad. Siguro talaga matagal na kitang mahal. Siguro hindi ko lang napansin kasi panay kang nandyan pero noong sinabi mong aalis ka, natakot akong mawala ka sa akin. Iba kasi kapag nandyan ka, para bang patag ang mundo ko... parang walang makakasakit sa akin." Sabi ko pa sa kanya. Napangiti ako.

Beanca BellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon