DKG #49 Black and Blue

10 4 0
                                    

Oct. 21, 2015

Dear KG,

Nagpapanggap na lang ako na hindi kita nakikita na nakaupo katabi si Kuya Allen habang ikaw ay nakasuot nang black na polo. Katulad mo, nakikipagkwentuhan na lang ako sa iba habang nandiyan ka kaysa mag-aksaya ng lungkot. Sa kuwentuhan ko na lang dinadaan ang lahat. Kung si Tres sa pagkain ako naman sa kuwentuhan.

Cassy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oct. 22, 2015

Dear KG,

Hindi ko maintindihan ang aking
sarili sapagkat ano ba naman kung tanungin lang kita ng pitong salita: "Ano daw po yung assigned number ninyo?" Para sa akin wala lamang ang pagkakataon na iyon, ni hindi nga ako kinabahan sapagkat ang nasa isip ko ng sandaling iyon ay para kay Jane naman 'to, hindi para sa sarili ko. Pansin ko sa aking sarili, nang tingnan kita [hindi nga pala kita tiningnan], para lamang akong nakatulala sa isang bagay habang tinatanong ko ang pitong salitang 'yon. Hindi ko na nga rin yatang nagawang magpasalamat dahil umalis na agad ako sa harapan mo. Subalit ang isa sa ikinagugulo ng aking utak ay ang pagkabigla mo nang pum'westo ako sa harapan mo habang ikaw ay nakaupo sa bangko sa gilid ng aming guardhouse. Para kasing- [parang lang, huh?] nakabukaka ka at nang dumating ako doon napaayos ka ng upo? Bakit kahit ayaw kong mag conclude na may ibang meaning 'yon, gumugulo pa rin sa utak ko ang pagkagulat mo? Sabihin mo nga [kung binabasa mo man ito] sobrang tanga ko siguro na hinahabol kita nang hindi mo nalalaman ( o alam mo na kaya hindi mo ako pinapansin)? Sana hindi na lang ako nagsalita, hindi sana nag-iisip ng kung anu-ano si Jane sa akin, (bwisit kasi na feeling close na bibig 'to eh) " Mas malakas pa pala loob ko kaysa sa'yo, eh." Ang hard na ba niyan? Sana napigilan ko yung sarili ko. Buti na lang may isa pang paraan ngunit ayaw ko na...

Cassy.

Dear KGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon