GGY38: Airport

130 6 0
                                    

<Alden's POV>

Pagkaalis ng mama nila Maine pati nung ugok na lalaking feel na feel tawagin ang sarili nya as Maine's fiance, Nagpaalam na rin sila kuya Nico at umalis na.

Nasabi din nila na tutulong sila sa paghahanap kay Maine.

"Uy, uy, san ka pupunta?" tanong ni Johan nang makita ako papalabas ng pinto.

"Gabi na, ah, don't tell me magpapahangin ka lang" dagdag pa ni Xhia.

"Ito na.....Uy, Alden, kain ka rin?" tanong ni Louise na kalalabas lang sa kusina na may hawak na tray na may apat na platitong may lamang isang slices ng cake.

"Uy, bro, akala namin tulog ka na sa taas?" tanong naman ng kalalabas lang ng guest room na si Kris.

Hindi pa pala mga nag-sisiuwian tong mga to?

"Bakit nandito pa kayo?" walang gana kong tanong.

"Ops, nauna akong magtanong, answer me first" sabi nitong si Johan habang tinuturo pa ang sarili at nakangiti.

"Maghahanap ako" sabi ko then turn my back to them.

"SAMA KAMI!!!" they said in unison.

"Sigaw pa! natutulog na sila daddy uy!" saway ko sa kanila in a low tone of voice habang nakaturo sa taas yung left hand ko.

"Sasamahan ka namin, hahanapin natin sya!" pabulong na sabi ni Kristoffer.

"Oh, ano pa inaantay nyo? tara na uy" sabi ko saka na kami lumabas.

Pagpasok ko sa kotse ko, mga nagsisakayan din sila doon.

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Sasamahan ka maghanap" sagot ni Xhia.

"Pano natin mahahanap yun kung magkakasama tayo?"

"Pano naman natin sya hahanapin kung lahat tayo mapapagod magdrive?" tanong din ni Kristoffer.

"Hay naku! sige na nga!" sabi ko na lang at nagsimula nang magdrive.

Tinatawagan nila lahat nang pwedeng puntahan ni Maine habang ako, drive lang ng drive papunta sa mga lugar na pwede nyang puntahan. Pero hindi pa rin namin sya makita.

Four hours of driving!!

Halos masuyod namin lahat ng bahay ng taong tinawagan na namin, kahit na gabi na, pinupuntahan pa rin namin sila. Pero wala talagang makapagturo kung san namin sya pwedeng makita.

"Stop over guys, I'm starving" suggestion ni Louise.

"Ako din, I want rice" sabi naman ni Xhia.

Kaya nagpunta muna kami sa kainan na 24 hours open.

"Order lang kami, ah!" paalam ni Louise saka hinatak si Xhia.

Gentleman kasi kaming tatlo, kaya dapat sila ang omorder para samin.

"Bro wag na nga nakakunot yang nuo mo, mahahanap din natin sya" sabi ni Kristoffer sakin.

"Oo nga, saka mahal ka nun, kaya babalikan at babalikan ka nya" dagdag pa ni Johan.

Sana nga!

"Hindi ko lang talaga maisip kung bakit kailangan nyang akuhin lahat ng problema, partners kami diba? bakit hindi nya sinabi sakin? bakit kailangan sya lang yung magsa-suffer?" tanong ko sa kanila.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanyang inutusan ka ni tita na paibigan sya dati?" biglang tanong ni Johan na kinataasan ng kilay namin ni Kristoffer.

"Anong kinalaman nun?" tanong ni Kristoffer.

"Oo nga naman" dagdag ko rin.

"Sagutin mo na lang kasi!" sagot nya lang.

"Kasi, ayoko syang masaktan" mahina kong sagot.

"Ganun din yung rason nya, para rin sayo kaya nya to ginagawa" sabi nya na nagpatahimik sakin.

"Heart to heart talk tayo, ah, tara kain na" sabi bigla nung dalawang babae na kadarating lang.

Habang kumakain, walang pansinan, liban dun sa mag-asawa na sinusubuan pa ang isa't-isa.

Pagkatapos ko kumain, lumabas muna ko para magpahangin.

Ala-una na ng madaling araw.

Ang daming stars, lalo ko tuloy naalala si Maine, dalawang beses ko kasi syang nakitang nag-star gazing sa may veranda.

Grabe ka Maine, bakit naman iniwan mo ko nang ganun kadali?

Sa mismong kasal pa talaga natin?

Ikaw talaga ang daming pumapasok sa utak mo eh...

Nagsstar gazing ako mag-isa ng biglang magvibrate yung phone ko at halos mapatalon ako sa tuwa nang makita kung sino yung nagtext.

"Maine!!!" masaya kong sabi at agad bunuksan yung text nya.

"Hi Chard. Alam mo, nandito na ako sa lugar na dati ikaw ang hinabol ko, kaya naalala kita, nagtext lang ako kasi I'm hoping that you'll do the same thing that I did months ago. Pero, naisip ko na mas masakit pala pag ginawa mo yun, so I'm now hoping na you won't do the same thing that I did" basa ko sa text nya.

'Nandito na ako sa lugar na dati ikaw ang hinabol ko?' nagtataka ko kung saan ba ang lugar na yun?

Agad akong bumalik sa loob para tanungin dun sa apat kung saan ang lugar na yun.

"Guys, alam nyo ba ang lugar kung saan ako hinabol ni Maine dati?" tanong ko pagka-upong pagka-upo ko sa harap nila.

Nagtatakang nagtinginan naman yung apat at muling tumingin sakin.

"Ewan namin sayo bro, san ba kayo naghahabulan?" tanong ni Kristoffer.

"Saka bakit mo naman kami natanong about dyan?" tanong ni Louise.

"Nagtext kasi sya, and sabi nya nandun daw sya ngayon sa lugar na pinaghabulan nya sakin dati" paliwanag ko naman.

Yung apat parang mga naging malaking question mark yung mga mukha.

"Sa airport" biglang sabi ni Johan.

Nagtinginan naman kaming lahat at saka tinignan ulit si Johan na parang tinatanong kung anong sinasabi nya.

"Nung nagpunta ka sa London remember?" paalala nya sakin.

Naalala ko naman, oo nga! nung umalis ako!!

Agad akong tumayo at lumabas.

"San ka pupunta Alden uy!?" tanong ni Kristoffer ng maabutan nila ako.

"Hahabulin ko sya, I need to talk to her!" sabi ko at sumakay na ng kotse.

Hindi ako makalarga dahil nagsisakayan din sila.

"Kailangan nyo talaga sumama?" nagtataka kong tanong sa kanilang lahat.

"Malamang, wala kaming mga dalang sasakyan noh!" sagot naman ni Louise.

Oo nga pala! bakit ba kasi hindi sila nagdala, eh! Nagdrive na ko agad dahil sa hinahabol ko nga sya.

"Bro malamang sa alamang, hindi natin yun maaabutan kung sa hospital ang diretso natin sa sobrang bilis mo magpatakbo!" reklamo ni Kristoffer na nandito sa tabi ko at nakahawak pa ng mahigpit sa upuan.

"OA mo uy, 120 pa lang, wala pa nga sa 180, eh!"

"Mukha mo120, 140 na nga yan uy" sabi nya sabay turo sa metro ng kotse ko.

"Chill bro, malapit naman na tayo, eh, konting tiis na lang" sabi ko habang hindi sya tinitignan at busy sa pagmamaneho.

Sa terminal 2 na kami agad dumirertso. Buti na lang tito na naman ni Johan yung nagbabantay kaya nakapasok kami agad.

"MAINE!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa airport.

"Teka lang Alden, alam mo ba kung san sya pupunta?" tanong ni Johan sakin. Napailing na lang ako.

Hindi ko nga pala alam kung saang lugar sya pupunta.

San ka ba pupunta Maine?

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon