Matalim ang tingin ni Miss sa akin kaya't wala akong nagawa kung hindi lumapit sa kinauupuan ni Chad. Busy ang mga kaibigan niya sa pag-uusap tungkol sa proyekto ngunit siya ay nakatitig sa kawalan. Ni hindi man lang siya tumingin sa gawi ko. Huminga ako ng malalim dahil iba ang nararamdaman ko. I have this gut feeling na may mangyayaring hindi ko magugustuhan.
I slowly walked towards him at hindi man lang niya ako binalingan. Tinignan ko ang kanyang mukha, god this guy is the epitome of Greek God-like beauty. Nanginig ang aking tuhod nang magsalita siya at binalingan ako, "You avoided me like a plague a while ago. It was like I have a fucking infectious disease kung iwasan mo ako. And now..." He smiled, not a genuine one. Hindi ako madaling matakot but that smile gave me a feeling of fear. "Ikaw na mismo ang lumalapit sa akin." He chuckled to himself.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Oo, nabara ako. The bitch queen just lost her words because of this devil human being. Tumayo siya at walang paalam na umalis.
"Chad, where are you going? Work with Paula!" Narinig kong utas ng aming teacher. Pero sa tingin ko ay wala siyang nagawa. He's the king here.
Napakurap ako nang sumapi ulit ang aking kaluluwa sa pisikal kong katawan. Napatingin ako sa paligid at nakitang nakatitig sa akin si Rafael. Nagsasalita si Daniel sa kanyang tabi pero alam kong hindi siya nakikinig rito. Pumula ang aking pisngi, he probably witnessed what happened to me. Kinagat ko ang aking labi at yumuko habang naglalakad papunta sa aking upuan.
Dapat ay hindi na ko lumapit sa kanya. Dapat ay nanatili na lang ako dito sa aking upuan. Dapat ay hindi ako nagpadala sa titig ni Miss eh di dapat hindi ko narinig ang mga salitang iyon galing sa kanyang labi na noon ay nahalikan ko na. Damn it Paula! Stop fantasizing about his lips when that was the reason why you've got embarrassed a while ago!
Nababaliw na ako and he's making me like this.
"Paula." May presensyang umupo sa aking tabi. Bumaling ako roon at nakita ang nakangiting mukha ni Rafael.
"Want some help tungkol sa partner mo?" He offered.
Kailangan kong makapagpasa ng project na ito. And I know na kailangan ko ng tulong ni Raf dahil matalik silang magkaibigan. He probably knows most of the information I need para makagawa ng bibliography ni Chad. "If you don't mind." Nahihiyang sagot ko.
Mas lalong umusbong ang kanyang ngisi at nagsimula niyang sambitin ang kanyang plano, "You can interview me about Chad but if you want more ay pwede kang gumamit ng google." Nagkibit balikat siya, "You would be surprise of how much information the internet has."
Tumango ako sa sinabi niya, siya kaya? Pano siya makakuha ng impormasyon sa akin kung maging sa internet ay wala ako doon dahil hindi naman talaga totoong tao ang isang Paula Nebres. She's just a product of a girl dreaming to be normal.
Napadpad kami ni Rafael sa library katulad ng plinano niya. Nagsearch muna ako sa internet tungkol sa basic information niya.
"You sure hindi kita naabala? Paano yung inyo ni Daniel?" Tanong ko nang makalap ko na ang impormasyon na hinahanap ko.
"We've known each other since we were babies, Paula. So don't fret. Alam na niya kung anong isusulat tungkol sa akin at ganun din siya." Sagot niya. Sumulyap siya sa mga sinulat ko tungkol kay Chad. "Ready for the interview?"
Tumango ako sakanya, "You said magkaibigan kayo ni Daniel ever since, ganun din ba si Chad?"
"No, naging kaibigan lang namin si Chad noong high school kami. Kaming apat talaga ang magkakaibigan, you know kase mas mataas ang status ni Chad compare sa amin. Noong high school lang siya pumasok sa totoong school. He was homeschooled since preparatory until grade school." Rafael explained habang sinusulat ko ang mga impormasyon.
Iniangat ko ang tingin ko kay Rafael galing sa aking notebook nang tumagos ang aking mga mata sa pintuan ng library. Naroon, nakatayo si Chad at nakatingin sa akin, sa amin ni Rafael. Kumunot ang aking noo sa nakitang iritasyon sa mukha niya.
"Uhm.." I stammered nang nakitang lumalapit na siya sa amin.
"What do you think you're doing?" Malakas ang kanyang boses kahit na nasa loob kami ng library. Hindi ko nagustuhan ang tono ng kanyang boses. Para bang nag-aakusa siya na may ginagawa kaming masama ni Rafael.
"I'm doing my project." Sagot ko.
Tumaas ang kanyang kilay at sinulyapan ang tahimik na Rafael sa aking tapat. Bumaling ulit siya sa akin. "With him?"
Tumango ako. "Tinutulungan niya ako. I don't know you very well and he offer me some help."
Nagtiim bagang siya, may mali ba sa sinabi ko? Inalala ko ang nangyari simula noong iniwan niya ako sa classroom, iyon naman ang nangyari. "I'm your partner Paula."
"And you should be helping me, but instead you left. I have no choice but to do it alone." Nagkibit balikat ako.
Mas lalong dumilim at tumalim ang titig niya sa akin. "So you call this alone?! What dictionary are you using, huh?"
"That was the original plan! And I told you, he offered!" Tumaas na din ang aking boses. Hindi ako sanay na sinisigawan. Nakita ko sa aking peripheral vision ang librarian na galit na pero wala siyang magawa dahil makapangyarihan ang naglalaban ngayon.
"Mas gusto mo ba ang second hand information? Hindi ba mas credible ang first hand? Yung galing sa mismong tao? I am that person Paula! Fuck it!" Narinig sa buong library ang malutong nyang mura.
Kinuha niya ang aking kamay at pinagsaklob ito, hinila niya ako papalabas ng library. Kinagat ko ang aking labi, I should be mad at him. Pero hindi koi to magawa lalo na at nakita ko an gaming kamay na magkahawak. Damn it, naramdaman ko ang kuryenter doon. Malakas ang pintig ng puso ko at pinagpawisan ako bigla.
Fuck, I know what happening! Nabasa ko na 'to sa mga ilang nobela at ilang pelikulang napanood ko. Pinapangarap ko noon na kahit minsan ay maramdaman ko ito, I want to experience it so bad. At ngayon...
Holy shit.
Dinala niya ako sa kanyang kwarto, binuksan niya ito at pumasok kami roon. Binitawan niya ang aking kamay at umupo siya sa kanyang sofa sa may sala. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Kitang-kita sa kanyang braso ang mga ugat, fuck! Iniwas ko ang aking tingin, don't tempt yourself Paula!
Maya-maya pa ay pinanood ko siyang tumayo at pumasok sa kanyang kusina. Kinagat ko ang labi, he's freaking mad. I know. Yumuko ako, but he looks so damn...
"What do you need para makagawa ka ng bibliography?" Narinig ko ang boses niya sa hindi kalayuan. Iniangat ko ang tingin ko at nakitang may hawak siya isang basong tubig. He probably wants to calm himself pero halata parin ang mabilis niyang paghinga.
I want him to calm down pero hindi ko alam kung paano gawin iyon. Yes, bagay sa kanya ang ganitong mood pero para bang tatalon ang puso kung ganito ang makikita kong Chad. Hindi gumana ang utak ko sa sunod na ginawa ko. Labag ito sa aking utak pero gustong gusto ito ng puso ko. Ramdam ko ang malakas na pintig niya na halatang excited.
Lumapit ako sa nakatayong Chad, nakuha ko ang buong atensyon niya. Nang isang pulgada na lang ang namamagitan sa amin ay linapit ko ang mukha sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niya hininga. Fuck, imbes na siya ang ikalma ko ay dapat unahin ko ata ang aking sarili. Idinampi ko ang aking labi sa kanyang pisngi. Nanatili doon ng tatlong segundo bago ko ilapit muli ang aking labi sa kanyang tenga at sambitin kung ano ang gusto kong mangyari, "First, calm down."
Lumayo ako ng bahagya sa kanya at nakita ang nakapikit niyang mga mata, nang lumipas ang ilang segundo ay nakita ko ang mga mata ng dating Chad, the guy I like. Yes, I admit it. Finally.
Freaking finally.
Ang natitirang tubig sa kanyang baso ay linagok niya.
Sa tingin ko ay hindi tama ang ginawa ko. Hindi ko ata napakalma si Chad lalo na nung marinig ko ang mahinang mura niya.
"Holy fucking shit."
BINABASA MO ANG
Rich Girl in Disguise
Teen FictionLiving the life of someone I am not is both a curse and a blessing. Written by: Catharsis19 {Completed: December 2015} *not proofread