Nineteen

112 21 5
                                    

Author's Note: Hi guys. Kamusta yung last chapter? Haha. Anyway, um-epal ako para sabihin na back to present na tayo. And no, hindi pa matatapos ang DMD. I'm so excited to write this phase! So yeah! Tama na ang satsat haha. And yeah, abangan ang mga chapters, kasi may malaki akong SURPRISE HAHAHA. (Denise on the media)

--

Denise's POV

"What is love?"

Love? Nakakain ba 'yun? Kasi sa totoo lang, sa sobrang dami ng nakasakit sa akin, parang nakalimutan ko na ang tunay na kahulugan niya.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas nang magka-sagutan kami ni Kylie. At dalawang linggo na rin ang nakakaraan simula nang magising ako sa katotohanan. Sa katotohanan na nagpapakatanga na nga talaga ako.

At.. ayoko ng ganito.

Tinapos ko lang ang ilang dokumento na matagal ng pinapaayos sa akin tapos ay nag-book ako ng flight papunta sa Japan. Doon muna ako mags-stay ng 2 linggo para mag-bakasyon at makapag-isip-isip. Hindi ako makakapag-isip rito ng maayos lalo na't may galit sa'kin si Kylie. Masyadong occupied ang isip ko rito pati na sa London. Kailangan ko namang magkaroon ng panibagong sanctuary.

Nag-file ako ng leave na tinanggap naman ng kompanya. Alam na rin ni Kylie ang tungkol rito pero hindi niya pa rin ako kinakausap. Patuloy lang siya sa pag-dedma sa akin.

Pinutol ko na rin muna ang koneksyon ko kina Harry. Pinalitan ko ang number ko at nag-deactivate ng accounts ko sa social media. Ayaw ko munang maka-balita sa kahit na kanino.

Kanina lang ay inihanda ko na ang mga gamit ko papuntang Japan. Pati ang cellphone na may sim card na nasa range ng Japan ay mayroon na ako. Nagbabaka-sakali lang na baka magamit ko iyon.

Noong pa-gabi na ay pumunta ako sa isang fast food restaurant at nag-order para sa hapunan ko. Naalala ko tuloy noong first date namin..

Napa-buntong hininga ako. Hay, ayan na naman.

Madalas mangyari 'to sa akin. 'Yung tipong mapapaisip na lang ako tungkol sa nakaraan namin ni Louis. Hay, ayaw ko man aminin ay may mga oras talaga na nami-miss ko siya.

Habang kumakain ay minsan akong napapahinto at natutulala sa labas. Iniisip ko pa rin kasi 'yung mga nangyari at 'yung mga pwede pang mangyari sa buhay ko. Kahit papaano ay medyo na-excite rin akong mag-adventure sa Japan mag-isa. First time ko rin kasi pumunta sa Japan. Ano kayang pwede kong puntahan?

Nagpa-reserve na rin ako ng tutuluyan kong hotel sa Tokyo. Sabi nila ay mas buhay raw ang Japan tuwing gabi kaya naman sisikapin kong lumabas 'pag gabi. Sigurado akong magiging exciting ang stay ko doon.

Sana kahit saglit lang ay makalimot ako sa Japan. Sana ay kahit papano man lang ay wala akong maalalang mapapait na karanasan ko sa England at dito sa San Francisco. Kahit na dalawang linggo lang. Sana ay makalimot ako.

Pagkatapos kong kumain ay nag-lakad-lakad muna ako para na rin matunawan. Habang nagla-lakad ay nakakakita ako ng mga magka-pareha na nag-P-PDA sa gitna ng kalsada. Parang may kung ano sa'kin ang nairita. Gusto kong sumigaw ng 'Walang forever! Magb-break rin kayo sa 23!' kahit na alam kong wala namang makaka-intindi sa akin.

Bitter? Bitter nga siguro ako. Sa dami ba naman ng ka-walanghiyang nangyayari sa buhay ko, talaga namang magiging bitter ako. Siguro ay sobrang sama ko sa past life ko kaya naman naging ganito ang buhay ko.

Baka nga noong nagpa-ulan ng kamalasan sa mundo ay nag-dala ako ng swimming pool. Nakakairita. Gusto ko lang naman maging masaya. Gusto ko lang naman makaramdam ng kahit na kaunting pagmamahal. Pero bakit lagi nalang ganito? Bakit lagi nalang ako nasasaktan?

"Why are you crying?"

Napatingin ako sa baba at nakita ko ang isang batang babae na hawak ang stuffed toy niya. Nakatingin siya sa akin at para bang nagtataka siya kung anong nangyayari sa akin.

Umiiyak na pala ako. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong umiyak dahil parang ginawa ko na ring routine ito. Walang araw na hindi ako umiiyak. Walang araw na hindi ko siya iniyakan.

Lumuhod ako para magkasing-lebel nalang kami. Ngumiti ako at pinunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo, "It's nothing, baby. I'm just sad."

Nagulat ako nang bitawan niya ang teddy bear niya para yakapin ako, "It's gonna be okay. My mom said everything happens for a reason. Don't be sad."

"Thank you. Your mom taught you good things. Why are you alone in here? Where's your mom?" tanong ko naman sa kanya at saka kumalas sa yakap niya.

She sadly smiled, "She's gone. I'm here with my sister. How about you? Where's your mom? Why are you alone?"

"I-I don't know where my mom is. She.. She doesn't care about me anymore." sagot ko naman.

"That's not true. I'm sure your mom loves you," sabi niyang muli. Biglang may sumigaw at napatingin kaming dalawa doon, "That's my sister. I'm better off now. Be strong." dagdag niya pa at saka niyakap ako ng mabilisan bago siya tumakbo papunta sa ate niya.

Bago pa man siya tuluyang umalis ay kumaway pa siya sa'kin na sinuklian ko naman ng isang ngiti.

Nakakalungkot lang na mas maganda pa ang pananaw sa akin ng isang bata tungkol sa buhay. Sana lang ay hindi siya matulad sa kapalaran ko.

Pero mali siya. Hindi ako mahal ng nanay ko. Kasi kung mahal niya ako, hindi niya ako iiwan.

Siya ang kauna-unahang tao na nagparamdam sa'kin kung paano masaktan at maiwan. Siya ang kauna-unahang tao na nagparanas sa akin ng pag-iyak sa bawat gabing nagdadaan. Siya ang kauna-unahang tao na nag-sampal sa'kin sa katotohanan na kahit kailan ay 'di ako magagawang mahalin ng iba.

Kaya kung tatanungin niyo ko kung ano ang kahulugan ng pagmamahal?

Bullshit.

Sino bang nag-imbento ng konsepto niyan? Ibigay niyo nga sa'kin at ng mapatay ko ng tuluyan. Naiinis ako. Kung 'di dahil dyan sa pesteng pagmamahal na 'yan, eh 'di sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

Hindi ako naniniwala na kapag nagma-mahal, kailangan mo ring matutunan kung paano masaktan. Nasa atin naman 'yun kung aasa tayo o magpapaasa. Saka nag-mahal ka lang naman, hindi ka naman sumali sa isang malaking boxing fight.

Kahit gaano ko man piliting maging okay, mukhang imposible ng mangyari 'yun. Masyado ng masakit. Masyado na akong nasasaktan. Masyado na kong nahihirapan.

Tama nga 'yung sabi nila. Kapag magma-mahal ka, dapat ay mag-tira ka rin para sa sarili mo. Kasi kapag hindi, ikaw lang rin ang lugi. Parang 'yung nangyari sa'kin. Binibigay ko lahat ng pagmamahal ko sa taong mahal at pinapahalagahan ko. Hindi ko namamalayan na nauubos na rin pala 'yung pagmamahal sa sarili ko.

Nagpapakatanga ako. Nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan. Pero lahat ng 'yon ay ginagawa ko dahil sa lecheng pagmamahal na naka-ugat na sa puso ko.

Kung may select all and delete lang sana ang feelings ko, matagal ko ng binura ang mga nararamdaman ko. Mas gusto ko nalang maging manhid. Mas gusto ko nalang 'yung walang pakialam.

Ayaw ko na ng ganito. Ayaw ko na palagi nalang ako 'yung nasasaktan.

May karapatan pa naman ako sumaya, hindi ba?

--

A/N: I'm planning a Harry Styles fanfic after doing this and 5SOS Series. Will you support it?

Drag Me Down / l.t [au]Where stories live. Discover now