Isinawsaw ko sa kulay pinturang itim ang brush. Dahan dahan ay ipimahid ko ito sa malambot na canvas. Tulad ng mga nakaraang araw, mag-isa lamang ako sa aking kwarto habang tinatapos ang isang portrait.
"Jelo kumain ka na" sabi ni Mama
Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Mama. Pumasok pala siya nang hindi ko namamalayan.
"Tatapusin ko lamang po itong ginagawa ko, Ma. Mauna na po kayo"
Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto. Akala ko ay lumabas na si Mama pero hindi. Naramdaman ko ang kamay nya sa balikat ko. Napahinto ako sa ginagawa ko.
"Ituloy mo lang anak. Titignan lang kita"
Hindi ko ginawa ang sinabi nya. Ibinaba ko ang paintbrush at humarap sa kanya."Ma, alam niyo naman po na hindi ako sanay na gumawa kapag may nakamasid sakin eh"
Hindi sya sumagot. Tinitigan nya lang yung painting ko."Ayos ba yung drawing ko, Ma? Ang galing ko talaga, ano po? Ha! Ipanglalaban ko po yan sa competition next week. Tingin nyo po ba makukuha ko ang first prize?" Pabirong sabi ko
Hindi parin sya sumagot. Ngumiti sya ngunit hindi pa rin naaalis ang mata sa aking painting.
"Hindi mo pa rin sya nakakalimutan" may bahid ng kalungkutan ang bawat salita ni Mama.
Nanahimik saglit ang paligid. Hindi ko na rin napigilan na mawala ang ngiti sa aking labi.
"Of course, Ma! Ang talas kaya ng memory ko" sabi ko pa sabay tawa
Hindi man sabihin sakin ni Mama, alam ko na kinakaawaan nya ako.
"Ikaw ang bahala, anak. Basta bumaba ka nalang pag tapos ka na ha? Kakain na kami."
Isang huling tingin sa drawing at sa akin saka tuluyang lumabas si Mama. Tinignan ko rin ang portrait ko. Ang ngiting suot ko habang kausap si Mama ay biglang nawala. Bumalik ang dati at normal na ako.
Isang mukha ng babae. Ito ang ginagawa ko. At oo, matagal na panahon na nang makita ko ang magandang mukhang ito. Hinding hindi ko makakalimutan ito. Lalo ng puso ko, hinding hindi.