Pumunta na kami sa ospital..
Halos walang imikan. Ang tahimik naming tatlo. Halos di naman bumibitaw sa pagkakayakap sa akin si Jessicah at di rin s'ya nagsasalita sa daddy n'ya. Malapit na kami sa kwarto ni ma'am Gabriella ng..
"Anak, maiiwan muna si daddy dito sa labas...", sabi ni sir Richard habang binitiwan si Carla..
"Pero daddy.. Kailangan ka din ni mommy...", sabi ni Carla kay sir Richard sabay hawak ulit sa kamay nito..
Lumuhod naman sa harap ni Carla si Richard...
"Anak, gustuhin ko man na pumasok sa kwarto ni mommy pero hindi pwede.. Isipin mo na lang na ginagawa ito ni daddy para maging ok si mommy, ok ba yun...???", sabi ni sir Richard kay Carla sabay tingin sa akin...
"A.. Carla tara na.. Naghihintay na sa atin ang mommy mo..", aya ko kay Carla habang nakatingin kay Carla...
Sumunod naman agad si Carla. Kumatok muna kami bago ko buksan ang pinto. Agad bumungad sa amin si Karyll...
"O.. Paano n'yo nalaman na nandito kami???", tanong agad ni Karyll sa amin. Halatang nagulat s'ya ng makita kami...
Bago pa ako makasagot sa tanong n'ya agad na s'yang niyakap ni Jessicah...
"Ate totoo po bang wala na yung kapatid natin???", iyak ni Jessicah sa kanya...
"A...", hindi alam ni Karyll kung anong isasagot kay Jessicah kaya napa-tingin ito sa akin...
Halatang nagtataka s'ya kung bakit alam na ni Jessicah ang tungkol sa pagkawala ng kapatid nila..
"Shush... Baby tama na... Uhm... kasi.. di na kinaya ni baby kaya...", bago pa maituloy ni Karyll ang sasabihin n'ya..
"Gawa ni daddy!! Kaya nawala si baby!!!", sigaw ni Jessicah habang nag-iiiyak..
"Di yun gawa ni daddy.. Nagkamali lang si daddy pero di n'ya gusto yun..", sagot naman ni Carla sabay lapit kay Jessicah..
Naku mag-aaway pa ata itong magkapatid na ito...
"Hindi.. Gawa naman talaga yun ni daddy..", pagmamatigas na sagot ni Jessicah...
Sasagot pa sana si Carla pero agad na s'yang inawat ni Karyll. Sumenyas naman sa akin si KAryll na ilayo muna pansamantala si Jessicah kaya niyaya ko muna si Jessicah sa balkonahe..
Karyll's POV
Umupo muna kami ni Carla sa sofa malapit kay ma'am GAbriella. Buti na lang at tulog ngayon si ma'am Gabriella kung hindi dagdag stress pa sa kanya ang nangyayari..
"Ate, bakit ganun sinisisi ni Jessicah si daddy sa pagkawala ng kapatid natin???", tanong gagd sa akin ni Carla habang unti unting tumutulo ang luha n'ya..
"Carla, pabayaan mo muna si Jessicah.. Shock pa s'ya sa mga nangyayari kaya s'ya ganun.. Pero bilang nakakatandang kapatid, ikaw muna ang umunawa sa kanya... Dahil ikaw ang higit na nakaka-unawa sa mga nangyayari ngayon. Kung makikipag sabayan ka sa kanya lalo lang gugulo , hindi rin yun makakatulong kay mommy..", sabi ko sa kanya.
Alam ko namang maiintindihan ako ni Carla..
Napatahimik lang si Carla. Alam ko na naiisip din n'ya ang mga bagay na sinasabi ko..
Niyakap na lang n'ya ako ng mahigpit at umiyak. Di man n'ya sabihin alam kong nasasaktan s'ya na sinisisi ni Jessicah si sir Richard sa mga nangyayari.. Alam ko namang may pagka-daddy's girl si Carla..
"Carla, wag kang mag-alala. Kakausapin ko din si Jessicah... Magpapaliwanag din ako sa kanya..", sabi ko sa kanya habang niyakap ko din s'ya...
Iniwan ko muna saglit si Carla.. Umupo s'ya malapit sa kama ni ma'am Gabriella at pinagmasdan n'ya ito habang natutulog. Habang pinuntahan ko naman sina Ralp at Jessicah sa balkonahe...
Sa balkonahe...
Naabutan ko na kinaka-usap ni Ralp si Jessicah. napatigil lang ito ng makita ako..
"A.. KAryll, nandyan ka na pala.. Kina-usap ko lang si Jessicah.. Sige maiwan ko muna kayo...", sabi ni Ralp..
"Salamat Ralp..', sabi ko kay Ralp habang pumapasok s'ya sa loob ng kwarto..
"Jessicah, pwede ka bang kausapin ni ate...", sabi ko kay Jessicah habang na-upo ako sa tabi n'ya. Habang si Jessicah naman ay napatingin sa akin mula sa pagtingin n'ya sa highway...
"Bakit po ate??", tanong n'ya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko iapapaliwanag ang mga bagay bagay sa kanya pero gagawin ko ang lahat para maintindihan n'ya ito ng mas maayos...
"Jessicah.. Alam kong masama ang loob mo kay dad ngayon...", sabi ko kay Jessicah. Dahan dahan kong sinimulan, baka kasi isipin n'ya kumkampi ako kay Carla..
"Kung hindi nagkaroon ng ibang love sa ibang babae si daddy hindi mawawala ang kapatid ko..", iyak ni Jessicah sa akin..
"Baby, kahit anong mangyari daddy mo parin si dad... Di naman ginusto ni daddy na mawala si baby.... Pagminsan nagkakamali tayo di ba...", sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya ng deretso...
Tumango sa akin si Jessicah...
"Ganun din si daddy nagkakamali din s'ya... Masakit din kay daddy ang nangyari. Alam mo ba para s'yang sinaksak ng kutsilyo sa dibdib ng malaman n'ya na nawala ang kapatid natin... Nakita mo na bang umiyak si daddy????", tanong ko sa kanya...
"Hindi po..", sagot n'ya sa akin habang pinupunasan ko ng panyo ko ang luha n'ya..
"Alam mo ba baby, nakita kong umiyak si daddy...", sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya ng deretso..
"Si daddy umiyak????", nagtatakang tanong ni Jessicah.. Parang di s'ya makapaniwalang umiyak ang daddy n'ya..
"Oo baby umiyak si daddy kanina.... Nung sinabi ko sa kanyang wala na si baby... Halos manghina s'ya. Hindi lang ikaw ang nasaktan nung mawala yung baby pati si daddy rin nasaktan din s'ya ng sobra..", sabi ko sa kanya......
NApatahimik naman si Jessicah sa mga sinabi ko...
Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya.. I'm hoping na nakatulong ang mga sinabi ko sa kanya......
Bigla s'yang tumakbo... Sinundan ko naman s'ya... Lumabas s'ya ng balkonahe ,pumasok s'ya sa kwarto, napatingin sa kanya si Carla. Lumabas ng pinto ng kwarto.. Agad ko naman s'yang sinundan sa labas... Paglabas ko nakita ko na yakap yakap ni Jessicah si sir Richard...
"Sorry po daddy... I don't hate you, I will always love you daddy...",iyak n'ya habang yakap yakap ang daddy n'ya ng mahigpit.... Napangiti naman ako ng makita yung nangyayari na yun... Pumasok na ulit ako sa loob ng kwarto....
Nakita ko naman na mag-isang, umiiyak si Carla sa tabi ni ma'am Gabriella...
"O.. Carla bakit ka umiiyak??? May problema ba???", tanong ko agad sa kanya sabay upo sa tabi n'ya..
"Ate... Paano pag naghiwalay sina mommy at daddy??? Paano na kami ni Jessicah???", sabi n'ya sa akin..
"Carla wag kang magsalita ng ganyan.. HIndi maghihiwalay sina mommy at daddy.... Di nila hahayaan na lumaki kayo sa broken family... Natural lang sa isang pamilya na nagkakaproblema.. Pero di ibig sabihin hiwalay na agad... ", sabi ko kay Cathy habang pinapatahan s'ya...
"Hindi mangyayari yun, anak...", biglang nagsalita si ma'am Gabriella. Nagulat naman kami ni Carla...
"Tama ang ate Karyll mo.. Hindi ako papayag na lumaki kayo mula sa broken family.. Di ko kakayanin yun..", sabi ni ma'am Gabriella habang nakatingin sa amin. Pinunasan n'ya ang luha ni Carla...