Chapter I - The Painting

38 6 2
                                    

No Prologue

-----------------

Nakatayo ako ngayon sa labas ng classroom. Kung saan maraming babaeng ngumingiti at bumabati sa akin.

Ako si Joaquin Cuenco, 18 years old. Third year college sa paaralang Villaracca University. Matangkad, maputi at artista. (Artista?) Joke lang! Artistahin lamang. Member ako ng Star Club, club na para lamang sa mga tulad na'ming sikat sa school na ito.
Aking ipinagmamalaki na girlfriend ko ang babaeng pinaka sikat sa paaralang ito na si Zenny Villaracca. Ang nag iisang anak ng may ari ng Villaracca University. Ngunit kasalukuyang hinde nya ako pinapansin sa di ko malamang dahilan. Pero kahit ganun mamahalin ko pa rin sya.

Naalala ko bigla ang napanood ko kanina na "My Girlfriend is Gumiho". Isang taong nagkagusto sa isang hayop. Paano kung mangyari ito sa akin. Hinde naman siguro dahil di naman totoo ang fantasy. Katha lamang nila ito.

Tumingin ako sa suot kong relo. "Shit!"

"Nasaan na kaya ang hayop na 'yun?" Si James ang tinutukoy ko. Kalahating oras na kasi akong naghihintay dito.
"Dali Joaquin! Samahan mo na ako!!!" Sigaw ni James. Habang nagmamadaling makalabas ng paaralang ito. Sa wakas dumating din sya.

Sya si James Aceveda, 18 years old. Isa sa mga kaibigan at kaklase ko. Maliit pero ma appeal.

"Dumating kapa! San ka ba Galing?" Sambit ko na may kunting galit.
"Huwag ka nang magtanong. Tara na!" At nagmadali na kaming lumabas ng paaralan.
"Ano ba problema mo? Si ZK ba? Tanong ko.
"Sino pa nga ba. Sya nga." Si Zyrah Kaye ang babaeng habol nang habol kay James. Hinde nya raw ito tatantanan hanggang hinde nya nagiging bf si James.

Nakalabas na kami ng paaralan.

"Paki tignan naman kung nasunod pa sa akin si Z.K." At tumingin ako sa likod na'min.
"Ala! Oo! Kasunod natin."
"Takbo!!!" Kumaripas ito ng takbo.
"Joke lang!" Tumigil ito ng takbo at lumapit sa akin.
"Ka ogag mo naman!"
"Di kana mabiro eh. Sa haba ba ng tinakbo natin, ewan ko lang kung makakasunod pa sya."
"Bakit ba ayaw mo sa kanya?" Tanong ko.
"Joaquin naman! Alam mo namang ayoko sa playgirl."
"Alam mo James, sa palagay ko di ka naman nya iiwan."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Eh pati sa banyo, sinusundan ka."
"Gago ka!"
"Paano kung magbago sya."
"Ayoko parin!"
"Paano kung magpakamatay sya."
"E di mas maganda, para wala nang mangulit sa akin. Kahit ano pa sabihin mo, ayokong ayoko parin sa kanya."
"Okay fine!"

"Kamusta pala kayo ni Zenny?"
"Ganun parin!"
"May sasabihin ako sa'yo Joaquin."
"Ano?"
"Nakita ko sya kanina sa cafeteria at kasama si. . . .Zeus."
"Huh! Sabi ng kaklase nya sa akin, maaga raw umuwe si Zenny. Birthday raw ng mama nya. Sure ka ba dyan?"
"Hinde ako sure. Lalapitan ko sana sila nang biglang dumating si ZK kaya kumaripas ako ng takbo. Kaya hinde ko masyado nakita kung si Zenny talaga 'yun."
"Di naman siguro. Pasaan ba tayo?"
"Sa Painting's Museum."
"Painting's Museum? Di bat bawal dun ang mga estudyante tulad natin."
"Anong oras na ba?"
"5:11!"
"Sa tuwing alas singko ng hapun, wala taong napunta dun kahit mismong may ari."
"Kaya siguro nawawala ka tuwing hapun, lagi kang nandun."
"Oo! May magandang babae kasi dun."
"Kaya pala! Sa pagkakaalam ko may guard na nagbabantay dun."
"Yeahhh right! Pero ako bahala dun."
"Okay! Wag lang tayong mahuhuli eh."
"Oo naman!"
Sa haba ng tinakbo na'min. Sa wakas nakarating din kami.

"Kuya Nil! Kamusta?" Sambit ni James kay guard. Nandito kami sa labas ng Museum kausapin si Manong Guard.
"Araw - araw ka na lang nandito ah. At nagsama ka pa." Sambit ni Manong Guard.
"Si Joaquin nga po pala! Classmate ko."
"Hi po!" Sabi ko. Ngumite lang si Manong Guard sa akin
.
"Dating gawi!" Sabi ni James kay guard.
"Dagdagan mo naman. Para di ako magsawang magpapasok sa'yo dito."
"Sige!" Dumukot ito sa bulsa at may inabot kay Manong Guard.
"Pasok na kami." Sabi James.
"Huwag nga pala kayo magtatagal sa loob, maya - maya darating na si Ms. Elena."
"Okay!"

"Sino yun?" Bulong ko kay James.
"Ang may - ari ng Museum na ito."
"Ahh!" Pumasok na kami sa loob. Sa tagal ko sa bayang ito, ngayon lamang ako nakapasok dito.

"Ang gaganda diba ng mga painting?" Sambit ni James.
"Oo nga eh! Sana maalam rin akong magpinta."
"Sa takdang panahon, kung ipagkakaloob sa'yo."
"Ay awan!" Patuloy lang na'min pinagmamasdan ang mga painting na nakadisplay dito.
"Joaquin! May ipapakita ako sa'yo."
"Ano?"
"Dito sa loob." Pumasok kami sa maliit na silid dito sa Museum.
"Ito ang dahilan kung bakit ako napunta dito. Sya si Monie." Isang napakagandang babaeng painting ang ipinakita sa akin ni James.
"At ito ang babaeng tinutukoy ko sa'yo kung bakit ako araw- araw nandito." Sambit ni James.
"Akala ko naman tao, yun pala painting. May sira ka ata sa ulo."
"Wala ah! Ang ganda naman kasi."
"Bakit di mo ligawan?"
"Tanga ka ba! Painting lamang 'yan."
"Yun na nga eh, painting lamang 'yan."
"Pero Joaquin! Alam mo ba nung unang panahon nabuhay na raw itong babaeng nasa painting." Sabi nya.
"Gago! Naniwala ka naman?"
"Hmmm. . .Hinde!"
"Buti naman!"

Lumapit ako sa painting at pinagmasdan ng mabuti. Hinde nagkakamali si James, ang ganda nga nyang babae. Pero ang totoo isa lamang itong painting. Pagkatapos kung pagmasdan ang painting, isang napaka gandang bato naman ang aking nakita sa may sulok na malapit sa kinatatayuan ni James.

"James! Pakikuha naman ng batong nasa tabi mo."At kinuha nya ito.
"Ano ba ang gagawin mo dito?"
"Basta! Hagis mo."
Napalakas ang hagis ni James, ang batong hinagis nya ay napatama sa bubog na nakasangga sa painting. Dahilan kung bakit nabasag ito.
"Ang lakas naman ng hagis mo."
"Eh ano ba ang gagawin mo dyan sa bato?"
"Ibabato ko sa'yo, ang tanga mo kasi." Pero ang totoo ay ibibigay ko ito kay Zenny, baka sakaling mapatawad nya ako. Dahil isa sa mga collection nya ay iba't ibang klaseng bato.
"Grabi ka! Tanggalin mo na lang 'yang mga bubog na natitira sa painting."
"Aray!!!" Nahawakan ko kasi ang mismong basag na bubog.
"Bakit?"
"Nasugatan ako." Lumapit sya sa akin at tinignan ang daliring nasugatan sa akin.
"Ang liit naman pala eh."
"Pero masakit."
"Ang laki mong tao, ang hina - hina mo."
"Masakit eh." Sa liit ng sugat ng aking natamo, napaka sakit naman ang aking naramdaman.

"Joaquin tignan mo ang painting." Nagulat ako ng tignan ko ang painting, ang babaeng nasa painting ay nawawala.
"Nasan na ang babae sa painting?" Tanong ko.
"Aba ewan ko! Parehas lang tayong nandito." Sabay kaming nagtakbuhan palabas ng Museum.

My Girlfriend is from a Painting (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon