Letter # 4

5 1 0
                                    

Hoy. Tatlong taon na nakalipas.


Pero paisa lang ah.


Putcha. Ikaw pa din eh.


Nauna tayo kila Alden at Maine eh.

         Pero, bakit ganun? Mas may forever. 


Natuto na kong lumayo. Naging editor na ko. Gumanda na daw  ako eh.

        Kaso asan ka?


Pumanget ka daw. Napagiwanan ka sa height. Tumangkad ako.

       Pero yung nararamdaman ba natin sa isa't isa may mababago pa ba? May i-uunlad pa ba tong inaasa ko ng matagal na panahon?


May pinopormahan ka na daw eh.

       Ano ba pang pake ko?


Babae ako. Pero bakit ganun? Parang ako ata ang na busted.

       Nawalan ng ilaw. Parang diode.


Diode? Yung ilaw sa breadboard. Breadboard? Yung ginagamit mo sa Electronics. Ginagamit ko din eh.

     Pareho tayo ng subject.

    Kaso, hindi yung nararamdaman.


Buti pa si Arrow nang... "The Thing You Called Tadhana" ba yun?

     Nahanap si Heart. Ako, nahanap ko si Heart. Nasubsob kay Arrow. Pero walang pake si  Arrow. Tuloy lang sa paglipad palayo. Di niya alam na mas nahuhulog ako.


Hirap pala kapag yung umaasa ka na nga, i-aasa mo pa sa hangin. Sa tadhana.

     Tadhanang di natin alam kung totoo. Tadhanang di mo pinaniniwalaan.


Narinig ko yung boses mo. Kaso parang pinagtatawanan mo ata ako eh.


     Sobrang mukhang tanga siguro ako, para sa'yo. Pero 'shotput-putshot', sa'yo ako nagpapakatanga eh. Di ba sapat na excuse yun?


Makakanta na lang ng 'Let Him Go'. Etchos version ko to. Para sa panget na katulad mo, Ram.


to tanga and beyond (kung may ganun),

Louisse

A Letter to RamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon