PROLOGO
"OMG! Ayan na siya girls!" sigawan ng mga babaeng nakaantabay sa gate ng eskwelahan na kanyang pinapasukan na nag-abala pang pumasok ng maaga para lang masilayan siya.
Tall..
"Tumingin siya dito!" bulong ng isang estudyante sa kasama nito ng di sinasadyang mapatingin siya sa mga 'to.
Fair skin..
"Ahmm.. C-cloud. T-this is for you."
Isang babae ang humarang sa dinadaanan niya upang ibigay lamang ang dala nitong maliit na box na hindi niya alam kung ano ang laman.
Tinitigan niya lamang ito na halos ikayuko ng ulo niya dahil maliit lamang ang babae. Nakatingin din naman ito sa kanya habang nakatingala at nakangiti dahil matangkad siyang talaga.
Have piercing on the lower lip..
"Thanks," simpleng sabi niya at saka kinuha ang box na hawak nito. Pinamulahan naman ng mukha ang babae at saka kumaripas ng takbo pagkakuha niya ng regalo. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang nagtatalon ito habang masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan, matapos ay nagtilian ang mga ito.
Napailing naman siya sa nakita at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Well built body..
He's not the snobbish-cold type of guy. Hindi niya ugaling hindi pansinin ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya sa araw-araw na pagpasok niya sa school but then, hindi rin siya 'yung tipong Mr. Nice guy kung tawagin. Yes, pinapansin niya ang mga babaeng umaaligid sa kanya but in a friendly way. Bakit? Simple lang. Katulad ng iba. Someone stole his heart. But this someone, doesn't care at all. And that's the saddest part.
Long hair..
Siya si Daimler Mc Cloud Alejo o mas kilala sa pangalang Cloud. Sikat sa mga babae, maging sa mga lalaki. Mga lalaki na.. sabihin na lang natin na nakakaramdam ng insecurities sa katawan.
Para sa kanya, hindi siya talagang gwapo. May appeal lang kumbaga. He is 6 feet tall na talaga namang nakakatawag pansin lalo na kung naglalakad lang siya sa hallway. Well built ang katawan niya na bumagay sa maamo niyang mukha pero hindi 'yung tipong sobra ang muscles. Katamtaman lamang. Kaya naman mas lalong nahuhumaling sa kanya ang mga babae lalo na kapag may laro sila ng basketball. Kabilang din kasi siya sa varsity ng school na pinapasukan niya.
May piercing din siya sa lower lip na hindi naka-pangit bagkus ay nakadagdag pa ng angas sa kanya. Kaya naman, madalas din na napapaaway siya.
At ang isang mas kapansin-pansin sa kanya ay ang kanyang mahabang buhok na hanggang balikat. He has a long wavy hair na mas nakadagdag karisma-sa iba. Hindi niya naman kasi maipagkakaila na some of the girls are not into him. May iba na naastigan sa kanya, they even say he's cool, but some are not.
Katulad na lang ng taong gusto niya.
Lahat ng pansin nila, nakukuha niya. But not her attention. At 'yun ang ikanasasakit ng damdamin niya.
BINABASA MO ANG
CHOICE
Romance"Choice" "Chance" "Change" You must make a "choice" To have a "chance" or Your life will never "change" - unknown