Chapter 11

1 2 0
                                    

Chapter 11

Not now



"I respectfully nominate Cherry Basit for Muse" sabi ng kaklase naming hindi ko kilala kung sino, siguro ay isa sa mga kaibigan ni Che


Nag irap lang ako dahil nagpapasikat na naman ang impaktang yon. Nilibang ko na lang ang sarili ko para hindi na mapansin ang nomination para sa muse na yan. Nakapagsitting arangements na kami, si Ma. Niña Solis ang nasa kanan ko samantalang si Danilo Ramos Jr. naman ang sa kaliwa ko. Ang bestfriend kong si Leigh Anne Cruz ay nasa gitna ng kaibigan kong si Angela Dolor at ang impaktang si Cherry Basit na katabi din ang kaibigan kong si Christine Asinas. Samantalang si Roxan Mae Ferrer ang katabi ni John Michael Fernandez. Malayo na saamin si Anne at kahit na kalapit ko sya siguro ay hindi rin kami makakapag usap sa takot na mahuli at mapagalitan ni Ma'am Carmen.


"I respectfully nominate Ma. Niña Solis for Muse" sabi ng lalaking kaklase namin at bahagyang ngumiti pa sa katabi kong si Niña. Siniko ko sya at inasar pero hindi nya ako pinansin at nagtaas lang siya ng kamay


"I object! Sorry" sabi nya "Pede magnominate?" Tanong nya sa namamahala ng nomination na ginagawa namin. Tumango ang kaklase naming nasa unahan bilang pagpayag "I respectfully nominate Mikaela Marfori Reyes for Muse. No ojection please" tumingin pa sya saakin at kumindat. Okay, that was... bullshit! Umiling na lang ako at hinayaan sila doon


"The nomination for Escort is now open, any nomination?" Sabi ng kaklase naming si Arrabelle, sya ang namamahala at sya din pala ang nanalong president ng klase


"My turn" sabi ni Dani sa gilid ko at nagtaas ng kamay "I respectfully nominate John Michael Fernandez for Escort" sabi nya. Nagulat ako at napatingin kay John na gulat din sa ginawa ng kaibigan ko, bago pa sya magsalita ay nakita kong nagtaas ng kamay sina Christine at Roxan para isara na ang nominasyon. Okay, theres something weird about my friends! Inanounce ni Arrabelle na si John na ang Escort at kami lang ni Che ang nominated para maging muse nya? Teka, sinadya ba nila to? Would they make him choose between me and Che? OH NO! Please NO. Don't make him choose, ayokong makinig ang sasabihin nya. Pede bang mag backout nalang? Parang gusto ko na lang umalis, gusto ko nalang mawala sa paningin nilang lahat. I can't take this! Minsan na niyang pinili si Che at alam kong ganon pa din ang gagawin niya ngayon. Tanggap ko naman! Sila nalang ni Che. Wag lang siyang mamili, Okay lang sakin tutal sila na naman eh, I can bear with it. I'll back out. Just Please! Don't make him choose, don't let him choose.


Nakita ko ang paninitig ni John saakin. Hindi ko mabasa ang iniisip nya, naaawa ba sya sakin? Nakakaawa ba akong tignan? Am I look pathetic to him right now? UGH! Inirapan ko sya dahil pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Nagtaas ako ng kamay at nakuha ang atensyon nilang lahat


"Don't make him choose. I'll back out, sorry! CR lang po Ma'am. Excuse me" sabi ko at tuloy tuloy na lumabas ng room. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon. Ano ba sa tingin nila ang ginagawa nila? Natutuwa ba silang makitang nasasaktan ako? Mga kaibigan ko sila pero bakit nilalagay nila ako sa ganitong sitwasyon? I don't understand them!


Pagkadating sa CR ay agad na bumuhos ang mga luhang matagal ng hindi nakakawala, para silang ulan na nagpapaunahan sa pagbagsak. Tinitignan ko lang ang repleksyon ko sa salamin, Am I look pathetic to him? Tingin ba nya ay nagpapaawa ako para mapansin niya? Tulad ba ng iniisip ni Che ang nasa isip ni John? Hindi ko kinaya ang mga naiisip ko at humagulgol na. Ilang text ang natanggap ko galing sa mga kaibigan ko


From Leigh Anne Solis;

Are you okay? I'm sorry. Where are you?


From Dani Ramos

Sorry girl. Sorry talaga. Please come back, we're worried!


From Ma. Niña Solis

Nagkita kayo ni John? Sinundan ka nya. Balik na kayo, hinahanap ni Ma'am si John. Sorry Mika!


Nagpunas ako ng mga luha ko ng mabasa ang mga text na yun galing sa kanila. Okay na ako sa simpleng sorry nila pero ng mabasa ang text ni Niña ay biglang nagpakabog sa dibdib ko. Sinundan ako ni John? Bakit? Pano sya nakaalis sa room? Naalala kong Lola nga pala nya ang advicer namin, pero bakit sya umalis? Anong dahilan nya para sundan ako?


Naghilamos ako ng mukha bago lumabas ng CR. Babalik na ako sa classroom dahil hindi na pugto ang mga mata ko "Mika" tawag ni John ng makalabas ako sa pinto ng CR


"Ay pusong nahulog" sa gulat ko ay napahawak pa ako sa dibdib ko bago seryosong napatingin sa kanya "Anong, anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong sabi at nag iwas ng tingin sa kanya


"Can we talk? Please, Mika" seryosong sabi nya, napatingin ako sa kanya at nakita ang pagsusumamo at nanghihina nyang mga mata. I miss those eyes but I can't talk to you right now. I'm still in pain. Natatakot akong baka masumbatan lang kita, natatakot akong baka isang kalabit mo lang ay bumigay na naman ang puso ko, natatakot ako. Sorry John!


"Not now, sorry" matipid kong sagot at nagtatakbo na pabalik sa classroom. Binilisan ko ang pagtakbo para hindi nya ako maabutan at hingal na hingal naman ako ng makadating sa room. Wala na doon si Ma'am Carmen kaya nakakapag ingay ang ibang mga kaklase ko, agad naman akong nilapitan ng mga kaibigan ko ng makita nila ako


"Are you okay? Sorry Mika. That won't happen again, promise" sabi ni Christine na tinataas pa ang kanang kamay nya. Tumango ako at ngumiti bilang sagot


"San pala si Ma'am?" Nagtataka kong tanong pero nagkibit balikat lang sila


"Bravo! Napakagaling mo naman talagang magpapansin ano? Gumawa ka pa talaga ng eksena kanina? Hahaha. Ibang klase! Hindi ka ba nabibigyan ng atensyon sainyo kaya dito ka nagpapabida?" Sabi ni Che sa di kalayuan, katabi nya ang mga alipores nya


Naramdaman ko ang paghawak ng mga kaibigan ko sa kamay ko ng nag ambang lalapitan ko si Che, don't worry I won't hurt this bitch! Nandito kami sa School kaya naman hindi ako gagawa ng eksenang masasaktan sya, not unless sya ang mauna then I won't back off! Natawa ako ng bahagya ng marealize kung ano ba ang pinuputok ng butchi ng impaktang ito ngayon, she's damn jealous!


"Stop being so insecure Che. Natatakot ka ba na baka this time, ako na ang piliin at hindi na ikaw?" Nakita ko ang galit na muka nya kaya mas lalo ko pa syang inasar "Gusto mo bang malaman kung anong sinabi nya sakin?" Nadagdagan ang galit sa muka nya kaya mas lalo akong naeengganyong asarin sya "Bakit kaya nya ako sinundan? Hindi ka naman siguro iiwan dito kung wala syang kailangan sakin diba?" Nginitian ko sya na ngayon ay pulang pula na ang muka sa galit saakin "Are you afraid now? Hahaha. Akala ko ba mahal ka? You're too confident na mahal ka nya diba? Then stop being so insecure" bahagya akong ngumiti "Wag ka mag alala hindi ako katulad mo, hindi ako nanlalandi ng boyfrieng ng iba" ngayon ay mas nilapitan ko sya at mas lumapad ang ngiti kong mapang asar sa kanya "Saka na pag nagbreak na kayo" sabi ko at iniwan syang galit na galit doon. Nagtunog na ang bell kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at umalis na doon kasama ang mga kaibigan ko, Sinong LOSER satin ngayon? Biatch!

All My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon