Chapter 9.2

270 6 0
                                    

  Pag-uwi ni Dimitri sa kanyang room,
nadatnan niyang wala nang cushion,
bedsheet, kumot, at mga unan ang isang
kama, ang kama ni Angelo. Baka nagpalit
lang. Madumi na rin kasi iyon eh.
Pagpapakalma niya sa sarili niya.
Nang binuksan niya ang dresser nila,
kalahati na lang sa mga gamit ang
naroroon kumpara sa kanyang
nakasanayan. Shit! Don't tell me...?
Siniyasat niya ang mga gamit at nagulat
siya kung kaninong mga gamit ang
naroroon, ang kanya na lang. Wala na ang
mga gamit ni Angelo. Sinilip niya ang bag ni
Angelo sa ilalim ng kama, wala na rin ang
maleta ni Angelo. Pati mga toothbrush,
shampoo, toiletries ni Angelo, wala. Is he
trying to stay away from me? Ugh! Sabi ko
na nga ba.
Tinignan niya sa drawer kung nandoon pa
rin ba ang wax ni Angelo. Mahilig kasing
maglagay ng wax si Angelo sa buhok bago
aalis para papasok. Ngunit nang binuksan
niya ang drawer, walang wax. Nasaan na ba
iyong batang iyon? Kaasar.
Dali-dali siyang bumaba papuntang
information desk upang magtanong kung
nasaan si Angelo. Kinakabahan siya na baka
lumayas na nga si Angelo.
"Miss, miss. Nandiyan po ba ang isang susi
ng dormer sa room 619?" Mabilis na
tanong ni Dimitri habang maluha luha na
ang kanyang mga mata.
"Opo, andito na. Isinauli na niya po kasi
lumipat siya ng tirahan."
"Ah, okay. Saan po ba ang kanyang bagong
room miss?" Tanong ni Dimitri. Hindi niya
maipaliwanag ang kaba at takot na
nararamdaman sa mga oras na iyon.
"I'm sorry sir, confidential po at hindi po
pwedeng ipagsabi for privacy purposes."
"Miss, sabihin niyo na naman miss oh?
Please?" Nagmakaawa si Dimitri at tumulo
na ang kanyang luha. Huwag niyo namang
ilayo si Angelo sa akin Lord...
"Sino po ba ang hinahanap niyo? Yung
roommate niyo po?"
"Ano ka ba miss? Kasasabi ko nga lang di
ba? Oo, yung roommate ko. Nasaan?
Anong room? Andito pa ba siya?" Mabilis
na tanong ni Dimitri at hindi na siya
mapakali. Gusto niyang makita si Angelo."
"I'm afraid sir na hindi po kami sigurado
kung andito pa ba siya. Hindi rin po kami
sigurado kung lumipat siya ng room."
"Akala ko ba sabi mo kanina lumipat siya
ng room! Bakit pabago-bago iyang sinasabi
mo! Mahalaga po siya sa akin, please
sabihin niyo po. Ayaw ko pong mawala sa
kanya." Tuloy-tuloy na ang mga luha ni
Dimitri.
"Kasi po, ang pinagpaalam lang ni sir...
ahm Montemayor? Ang pinagpaalam niya
lang po is lilipat lang siya ng room. So hindi
po talaga kami sigurado kung lumipat nga
ba siya talaga ng room o hindi.
"But whether he stays or he doesn't want
to stay, he has to have a clearance di ba?
He has to arrange that with the
administration. Bakit niyo naman
pinayagan!?" Sumisigaw na si Dimitri.
Gusto niyang sisihin ang babae sa
pagkakamiss kay Angelo.
"Kasi po, tumawag ang dean dito at pina-
clear na po siya"
"Sinong dean?"
"Dean po ng institute of liberal arts. Tsaka
kailangan po may witness dean din po.
Tumawag na rin ang dean ng mathematics.
Kaya ayon po. Pinayagan siya ng dorm
manager."
"BULLSHIT!" Hinahanap ni Dimitri si Angelo
sa umbok ng mga tao sa lobby, ngunit wala
siyang Angelo na makita. Nilibot ng
kanyang mga mata ang paligid ngunit
walang Angelo ang nahawi ng kanyang
paningin. Naisip niya na nakadorm din pala
ang bestfriend nitong si Gio, baka andun
kina Gio. Hindi ako makakapayag na
mawala siya.
Dali dali na naman siyang umakyat sa
room 513 upang siguraduhin kung
naroroon ba si Angelo. Kung andoon man
si Angelo, kukunin ko siya! Sa isip niya"
Tok tok tok!" (Sosyal na pinto to may
dialogue pa talaga.) Ang narinig ni Gabby
na katok mula sa labas,
"GIO BUKSAN MO TO!"
Agad na binuksan ni Gabby ang pintuan at
nagulat siya na si Dimitri ang tumambad.
Pagbukas ng pintuan ay agad na
nagpupumilit na pumasok si Dimitri sa
kwarto. Galit na galit ang mukha ni Dimitri
at padabog itong pumasok sa kuwarto nila.
Sinubukang pigilin ni Gabby si Dimitri
ngunit sadyang malakas si Dimitri.
"Uy uy uy, kalma lang tol! Sino bang
hinahanap mo? Andiyan si Gio oh, tulog
na! Gabi na tol, patulugin mo naman
kami."
"Wag niyo akong gaguhin ha! Nasaan si
Angelo?"
"Wala akong alam, wala kaming alam!"
"Sinungaling! Alam kong tinatago niyo siya
mula sa akin. Ilabas mo, ilabas niyo!"
"Ano bang problema mo! Kaninang hapon
pa kami dito ni Gio, at hindi namin kasama
si Angelo." Pagdahilan ni Gab. Nagtataka
siya sa inasta ni Dimitri.
Binuksan ni Dimitri ang banyo, ang dresser,
dumapa sa ilalim ng kama at kung anu-ano
pang pinaggagawa niya na nagpapahiwatig
ng paghahanap.
"Sinungaling kayo. Alam kong tinatago niyo
si Angelo sa akin!" Tinulak ni Dimitri si Gab.
Dahil dito, napuno na si Gab at sumigaw na
rin.
"Tangina! Bakit naman namin itatago si
Angelo mula sa'yo? Tsaka ano naman sa'yo
kung mawala si Angelo?" Sumigaw si Gab.
Natigilan sandali si Dimitri at hindi niya
kayang tingnan si Gab.
"Ah..eh... N-nasa kanya ang budget ko!! T-
tama! Nasa kanya ang pera ko!"
"Tol, di ba kasasabi mo lang sa tropa mong
tiga-fine arts na kaklase ko na noong first
sem pa ibinigay ni Angelo ang ATM niya?
Kinuwento mo pa nga sa akin ulit iyan eh
nang magkita tayo." Nagtataka si Gab sa
inasta ni Dimitri.
"Huwag ka na ngang mag-maang-maang
an! Basta wala ka na roon. Nasaan si
Angelo?!" Kwinelyuhan ni Dimitri si Gab.
Nnggagalaiti na sa galit si Dimitri
samantalang si Gab naman ay chill lang.
"WALA NGA!" Tinanggal ni Gab ang
pagakakahawak ni Dimitri sa kanya.
Naalimpungatan si Gio dahil sa ingay at
nakagising. Kinukusot kusot niya ang
kanyang mata at nagulat siyang nandoon
Dimitri, galit na galit.
"Uy, Dimitri pare! Andito ka pala." Bati ni
Gio na papalapit kay Dimitri, ngunit tinulak
ni Dimitri si Gio. Napaatras si Gio sa
pagkakatulak.
"Nasaan si Angelo? Tinatago mo siya eh!"
Naiiyak-iyak na si Dimitri.
"Di ko alam? Nag-usap nga kami kanina sa
coffee shop at may probleman dinadala.
Kaya kinausap ko. Baka nagtatago siya,
kasi hindi na siya papayag pang gamitin mo
siya..." Ginagalit ni Gii si Dimitri, Natigilan
naman si Dimitri at pinupunasan ang mga
luhang tumutulo sa kanyang mga mata.
"Tapos, ano naman ang kinalaman mo?"
"Iyun lang. Simple lang. Bestfriend niya
ako, at hindi na ako papayag na sasaktan
mo pa siyang muli. Nagpaalam na ako
matapos niyang umiyak nang umiyak.
Sinaktan mo siya eh. Baka nga hindi na
iyon magpapakita sa'yo. Malas niya lang
classmates pala kayo sa isang subject."
Pailing-iling si Gio habang pinagmamasdan
si Dimitri na nagsasabong ang mga kilay
dahil sa namumuong lungkot, hinagpis,
galit, at pagkabigo.
"Ginagago mo ako eh. Akin na siya..
please." Umiiyak na si Dimitri at nagulat si
Gab at Gio sa pag-iyak ni Dimitri.
"Gago ka pala! Ginagago mo siya, sabihin
mo! Tapos ngayon iiyak-iyak ka? Di mo
man lang inisip ang mararamdaman niya?
Magpakalalaki ka, bakla!" Sinigawan ni Gio
si Dimitri sabay tulak nito papalayo."
"Ano?" Tumigil sa pag-iyak si Dimitri at
nilapitan si Gio.
"Wala. Layas ka nga. Di ba hindi pwedeng
tumuloy ang ibang dormer sa room na
hindi assigned sa kanila. Baka gusto mo
icomplain kita?"
"Icomplain mo! Wala ka namang laban kasi
pwede ko namang manipulahin. Mahirap
ka lang kasi, iyan ang sabihin mo." Galit na
galit na tugon no Dimitri sabay dura kay
Gio.
Natigilan si Gio sa ginawa ni Dimitri.
Sabihin na kung anong gustong sabihin ng
mga tao sa kanya, ngunit hindi siya
papayag na lalaitin siya gamit ang kanyang
estado sa buhay.
"Huy gago ka ba? Kung sinasabi mong
mahirap ako, para mo na ring nilalait si
Angelo niyan? Hindi mo ba alam na mas
nakakaangat lang kami ng isang ligo kina
Angelo? Bastos mo rin ano. Alis! Baka
masuntok pa kita-" Sabay punas sa mukha
ni dinuraan ni Dimitri.
"Sapakin mo-"
At mabilis na tumilapon si Dimitri sa
pagkakasuntok ni Gio sa kanya. Napadapa
sa sahig si Dimitri at galit na galit.
Susunggaban na niya sana si Gio nang
pinigilan siya ni Gabby
"ANO HA? TANGINA MO! BAKLA! HINDI
MO PALA KAYA MAKIPAGBUNUAN!" Sigaw
ni Gio sabay tadyak kay Dimitri.
"Tama na mga tol, please." Pag-awat ni
Gab sa dalawa.
"BITIWAN MO AKO GABBY! PUTANG INA
NIYO! PINAGTUTULUNGAN NIYO AKO!"
Iyak na ng iyak si Dimitri.
"Ang gusto ko lang naman ay mabawi si
Angelo eh." Lumuhod na sa sahig si Dimitri
at tumatangis.
"Hoy, anak ng tikbalang. Eto tandaan mo
ha, hindi na ako papayag na mahawakan
mo man si Angelo. At kung nasa akon man
si Angelo, hindi ko siya ibibigay sa'yo.
Tama na ang sakot na binigay mo sa
kanya." Tumingala si Dimitri kay Gio at kita
niyang umiiyak na rin si Gio.
"Dimitri, tama na please. Nanggugulo ka
lang dito sa amin pare eh. Gabi na oh,
kailangan na naming matulog." Pag-aalo ni
Gabby.
"TALAGA? LAPIT KA DITO GIO!
PATUTULUGIN KITA HABANG BUHAY!"
Tumayo si Dimitri at susugurin na niya sana
si Gio nang mapigilan siya ni Gab.
"SIGE, BITAWAN MO SIYA GABBY! NANG
MABAWASAN NAMAN ANG PERA NIYAN
PAMBILI NG SARILING KABAONG NIYA!"
"ANGAS MO HA!" Kumalas si Dimitri sa
pagkakahawak ni Gabby nang siniko siya ni
Gabby sa batok. Napaluhod si Dimitri sa
sakit ng pagkakasiko ni Gabby.
"Aray! Ugh, sakit! Gabby bat mo ginawa
iyon? Kala ko ba kakampi kita?" Sabi ni
Dimitri habang gumagapang sa sakit
patungo kay Gabby.
"Ikaw ang hindi nakakaintindi Dimitri. Oo,
classmate kita. Oo, blockmate kita. Oo,
pareho tayo ng kurso. Pero sobra-sobra na
nga iyang pagbibintang mo sa amin na
manloloko at sinungaling, nilait mo pa si
Gio, tapos ngayon manggugulo ka pa.
Tama na pare please. Pagod tayong lahat,
okay? Huwag nating pagurin ang sarili
natin."
"Malaman ko lang na tinatago niyo si
Angelo mula sa akin, malalagot kayo sa
akin!" At umalis si Dimitri sa kwarto nila
nang nagdadabog.
Naiwan sina Gio at Gab sa silid.
Nagkatinginan sila... nagtataka.

  

Gapangin Mo AkoSaktan Mo AkoWhere stories live. Discover now