Thirty-Six

1K 65 11
                                    

Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.

BEATREESE

THE STREETS WERE STILL dark and Kato weren't still giving the electric connection back

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE STREETS WERE STILL dark and Kato weren't still giving the electric connection back. The lamp posts were dead. The wind howled and chose to ruffle my dark locks and caress my cheeks with its cold breeze. There weren't any source of light but the little lightning beams dancing in Kato's palms and forearms.

The officers slept in the middle of the road, looking like they were sleeping in their own beds and not above the hard warm concrete.

Hindi magtatagal ay may makakapansin na kung bakit walang ilaw sa lugar na ito. Siguradong kukuha ng atensyon ang kugar na 'to kung hindi pa maibabalik ang kuryente at ang mga ilaw.

"Kato," humarap ako sa kanya. "Ibalik mo na ang kuryente sa mga poste pati na rin 'yong sa mga holograms."

"Okay," sinabi niya at mas lumaki pa lalo ang kuryenteng nasa kaniyang kamay. Halos kasing tangkad na niya ito at ibinala niya ang nasa kamay niya sa mga poste na nagpailaw na sa mga ito at nagpabukas sa mga hologram. Bumalik na ang lahat sa dati na parang walang nangyari.

"Kailangan na nating umalis agad dito." Nagsimula na ulit akong maglakad patungong spaceport. "Baka mahuli na naman tayo at wala sa plano ang mag-pahuli." Nagpatuloy lang ako sa pagalalakad hanggang sa narinig ko na rin na sumunod si Kato sa likuran ko.

Nag-ingat ako sa paglalakad para hindi maapakan ang mga kamay, binti at ulo ng mga pulis na nakahandusay sa gitna ng kalsada ngayon.

"Oops!" sabi ni Kato mula sa likuran kaya naman ako'y napaharap kaagad.

Nakita ko siya na nakatayo at muntik pang madapa.

"Mag-ingat ka naman!"

"Okay lang naman na magising sila. Kaya mo naman silang patulugin ulit, diba?" tanong niya sabay dahan-dahang nilagay ang kaniyang paa sa espasyong nasa gitna ng binti ng isang nakahigang sundalo.

"Oo, kaya ko 'yon," pasigaw na pabulong kong sagot. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ka na mag-iingat!"

He puckered his lips and put another feet forward cautiously. "Ah, sabi ko nga."

Matapos naming malampasan ang mga nakahambalang na katawan sa daan ay nagmasid-masid ulit kami sa paligid at dahil makatiyempo na naman kami ng isang scoutbot na gumagala-gala sa daan.

          

"Sandali lang." Huminto ako sa paglalakad.

"Bakit na naman ba?"

"Bakit nga pala hindi mo na-sense na may scoutbot sa likod? Hindi mo ba naramdaman 'yong mga kuryente sa kaniya?" I crossed my arms at my breast and turned around to look at him.

"Ah." He said as he cupped his neck. "Masyadong mahina ang kuryenteng dumadaloy sa mga scoutbot. Scoutbots are energy-friendly, remember?" He raised his eyebrows at me as he tilted his head as if I was stupid to not know that. He continued to walk as I stood there, dumbfounded.

"Okay," I said and chased after him. I never noticed that he walked real fast.

Nang may nakita kaming scoutbot na papunta sa aming direksyon ay hindi na namin ito pinalapit pa. Hinigop agad ni Kato ang enerhiya nito bago pa kami nito bigyan ng problema at ilagay sa alanganin. Napansin kong dahil nga kuryente ang kakayahan niya kaya niya ring gumawa ng mga magnetic field sa paligid. Hinatak niya ang scout papunta sa kaniya na parang magnet para ilapag ito ng tahimik sa sahig.

Nasa kanya ngayon ang scoutbot. Hawak niya ito sa dalawang niyang kamay at kung titigan nang maigi ay kasing laki ito ng bola ng basketball. Imbes na sa goma, gawa ito sa magaan at makinis na bakal. Sa gitna nito ay mayroon isang camera kaya naman nagmumukha itong isang malaking mata na pagala-gala sa daan.

Inilapag niya ito ng dahan-dahan at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang medyo malayo-layo na kami sa scoutbot ay tinira niya ulit ito ng isang manipis na kuryente na muling nagbigay buhay dito. Lumutang ulit ito sa ere at ipinagpatuloy ang pagmamasid.

Ilang hakbang na lang ay nasa loob na kami ng spaceport at may mga bagong pulis na nakabantay sa entrance. Pindala siguro sila dito upang palitan ang mga nakabantay kanina na sumugod sa amin. Hindi man lang nila alam ang nangyari sa kasamahan nila.

May sampung nakabantay sa entrance ng spaceport. Lima sa kanan at lima sa kaliwa. Nakatayo sila ng tuwid na nagmimistula na silang tuod na tumubo bigla sa tabi. At syempre hindi mawawala ang kanilang mga vaporizer sa dalawang kamay nila habang nakasabit naman sa balikat nila ang strap nito. May stun gun naman sa baywang nila at mayroon ding maliit na kutsilyo at pistol na nakasabit sa sinturon nila. Halatang-halatang obsess talaga ang Pilipinas pagdating sa seguridad at pagpapalakas ng military forces.

I muttered to myself and wished that they wouldn't notice us. I sighed, hoping they wouldn't look at us a second too long only to realize we weren't really police officers.

Fortunately, they didn't as we both entered to the large open glass doors. They looked straight ahead and didn't even glance at us.

Pumasok na kami sa spaceport at sumalubong sa amin ang isang napakalawak at napakaliwanag na lobby. Nakamamangha rin dahil ang daming tao sa loob na naglilisawan ngunit hindi sila lumalampas ng exit. Siguro nga'y dahil lahat sila ay hinihintay na lang ang kani-kaniyang biyahe. Pero kahit maraming nagkalat na tao ay maaliwalas pa ring tignan ang paligid dahil sa kulay puting mga ilaw, puting mga sahig, at mga salamin na pader. Napakataas rin ng kisame at may mga naglalakihang chandelier na lumulutang sa ere. May isa ring malaking hologram na kung saan nakalagay ang mga oras ng biyahe. Tinitigan kong 'yong maigi hanggang sa makita ang hinahanap ko.

Cynosure Region: 12:30 AM

Agad akong tumingin sa orasan na katabi lang mismo no'ng hologram na 'yon. Mahihig sampung minuto na lang pala ang natitira.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon