Chapter 17: Confirmed Feelings?

59 6 2
                                    


Queenie POV

Kasalukuyang sinisilayan ko ang liwanag ng buwan at mga bituin sa kalangitan.


Hala masyado namang makata 'yun! Ugh NOSEBLEED.


Back to what I was saying, kanina pa ako nag iisip ng magandang peace offering kay bakulaw.


Hay ewan ko ba! Ano klaseng espirito kaya ang sumapi sa akin at ginagawa ko 'to? -_- Hala baka naman nababaliw na ako?!


Sa totoo lang hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Dati nung palagi siyang nandiyan, tinataboy ko siya. Nung nawala siya, hinahanap ko naman. Bakit ba nature ng mga tao na gawing kumplikado ang mga bagay-bagay?


I admit, I wasn't nice to him ever since. All he did is to make sure I'm safe, he's always there for me, to guide me, to take care of me... But despite of everything he did, I just push him away.


I hate it! But I hate myself even more. I feel bad to let that PAST haunt me until now. Am I that insane? I'm trying to forget, but damn this heart! Why so effin foolish?!


Pero ang mahalaga ngayon, kailangan ko nang gumawa ng paraan para magkaayos na kami. Don't take it as a means of me liking him ah? That's not it. And wait, hindi ako defensive! Kahit papaano naman eh may utang na loob pa rin ako sa bakulaw na yun noh!


Pero hindi talaga ako defensive. Baka kung ano isipin niyong mga readers ah?

***

Zyril POV

Ok! Plantsado na ang plano ko. Sana maging ok na kami ni Queenie. I can't and I will never let her go again this time.


Queenie POV

Hay sa wakas weekends na! Nakakaloka umattend ng klase na half existing at half non-existing noh! -_- Paano ba naman kase, ilang beses ko ng sinubukang mag approach kay bakulaw pero wala. NGANGA lang. Mukha kong ewan dun na nagpapapansin sa kanya. Deadma na talaga niya ako forever. Buti pa ang di niya pagpansin sa akin may forever.


Galit nga talaga siya. :/ Hindi ako sanay na ganto niya ako itrato. Si Sam at Mikee naman kinakausap niya, madalas pa nga nakakasama niya yung dalawa. Samantalang ako pag titignan niya ako, blank expression pa. Nakakatakot pala talagang magalit ang mga bakulaw!


Shunga mo talaga Queenie kahit kailan! Sigawan mo ba naman at itaboy ng paulit-ulit eh. Eh sorry na nga po! Wag na kayo magalit sa akin huhuhu T.T


Kasalukuyan kong kinakausap ang nabbaliw kong sarili ng biglang may message na nag pop up.


From: Sam Baliw

Queenie! Pumunta ka sa pinakamalapit na hospital dyan sa inyo! Naaksidente si Zyril! He's in a critical condition. On the way na kami ni Mikee. Bilisan mo wag ka ng shunga ah?!


Joke yun di ba? They got to be kidding me.


Mabilis akong nakarating sa hospital. Tinext ako ni Sam na dumiretso na raw ako sa Emergency Room. Nadatnan ko si Mikee at Sam na umiiyak sa gilid nung kama kung saan ay nakatalukbong na ng kumot yung pasyente.



No. This cannot be true. H-hindi...


"Hoy bakulaw! Gumising ka nga dyan para kang tanga eh! Ano bang problema mo ha?! Gigising ka ba o bubugbugin kita?! H-hindi ako nagbibiro!" Loko talaga to eh! Galing umarte. Hindi talaga siya gumigising?


"Oy ano bang biro yan ha bakulaw! Hindi na nakakatuwa to. Bumangon ka na dyan!" Nakakainis siya. Hindi pa ako nakakapag sorry sa kanya. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi.


"Tama na yan Queenie. Wala na siya. Iniwan na tayo ni Zyril."


Bakit ba lagi nalang ako iniiwan? Alam kong nagkamali ako dahil itinaboy ko siya, pero bakit naman kailangan umabot sa ganito? Bakit 'di man lang niya ako hinintay na makahingi ng tawad, na malaman niyang...gusto ko siya.


"Ang daya mo naman eh! Paasa ka rin eh noh? Para saan lahat ng ginawa mo sa akin? Bakit kailangan mo pang hayaan akong magustuhan ka kung iiwan mo rin lang pala ako. I hate you!" Wala na akong pakialam kung mukha na akong sira na pinaghahahampas siya habang umiiyak. Naiinis ako sa sarili ko.


To my surprise I feel something moving. OMG. Gumagalaw yung patay! O_O


Biglang bumangon ang katawang bakulaw ni Zyril at tinitigan ako ng nakangiti. Wait, so this is just a prank huh?! -_-


"So gusto mo pala ako?" Loko talaga. Nagawa pang mag smirk ng bakulaw na 'to. Pwes beastmode ako badtrip!


"Gusto ka dyan! Gustohin mo mukha mo! Ewan ko sa'yo!" Nag walk-out na ako. Kainis. Akala ba niya nakakatuwa tong trip niya?! Hay! -_-


Naririnig kong hinahabol niya ako. Pati sina Sam at Mikee. Naku yung dalawang yun kasabwat pa talaga sila. They owe me an explanation about this.


Binilisan ko na ang lakad ko baka mapektusan ko lang yung baliw na yun. Nung tingin ko'y nakalayo na ako sa hospital, tumigil muna ako sa paglalakad. Hiningal din ako eh.


Biglang may tumigil na black van sa harap ko. Eh? Yung totoo? Madidiscover na ba ako sa pag aartista? Ang bongga nung van eh pang mayaman! Ay teka mag reretouch muna ako! ^o^


Pero teka? Bakit walang lumalabas na tao sa van? Yung makikipag usap sa akin para sabihing ako na yung magiging talent niya at siya yung magiging manager ko?


Naglabasan ang mga naggagwapuhang mga nilalang at naglalakad na sila papunta sa akin. Weh? Balak ba nila akong ikidnap? No need to force me dahil kusa akong sasama with open arms pa! \(^o^)/


Ay baliw ka talaga Queenie! Open arms ka pa dyan! Kailangan kong makatakas agad. Takbuhan na!!!


Takbo dun.

Takbo there.

Takbo everywhere!


Nakakapagod na ha! Pansin ko lang kanina pa ako hinahabol. Kanina si Zyril, ngayon naman mga naggagwapuhang kidnappers! Huhu hirap talaga maging maganda. (~~,)





Ang bilis nila tumakbo. T.T Naramdaman kong nahawakan na nila ako sa braso. Tinutukan ako ng patalim nung isa kaya no choice na ako kundi sumama sa kanila ng payapa. Nung malapit na kami sa van, inapakan ko yung paa nung isang nakahawak sa braso ko tas kinagat ko yung kamay nung isa kaya nakawala ako.


Nakaramdam ako bigla ng hilo nung may tumakip na panyo sa ilong ko.


And there everything went black.

----------

Hope you like the update. Salamat po sa pagbabasa ^____^ :* <3

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon