"Ano ba ang atraso namin sayo? bakit ganun nalang ang galit mo.. at sino ka ba talaga?," galit na sumbat at tanong ni Zack sa dalaga.
Nakahawak ito sa braso ng dalagang nanlalaki ang mga mata.
"Nasasaktan ako Zack..Bitiwan mo ako please."pagsusumamo nito sa binata na kita parin ang poot sa mga mata nito.
"Talagang masasaktan ka kapag may nangyaring masama sa kasintahan ko..alam mo bang nag aagaw buhay siya sa hospital dahil sa kagagawan mo!" Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya." Sa oras na may mangyaring masama kay Sophia, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo!.. Kaya magsabi ka ng totoo, ano ba ang motibo mo! Madiing sabi pa nito.
Napaiyak na si Cassey hindi dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Zack kundi sa na realize niya kung ano ang nagawa niya kay Sophia na girlfriend ng lalaking matagal niya nang minahahal.
Bago pa man maging magkasintahan sila Zack at Sophia, matagal niya ng lihim na minamahal ang binata.
Naging masakit para sa kanya ang lahat noong magkakilala ang mga ito.. kaya ang ginawa niya, nakipagkaibigan siya kay Sophia para mapalapit sa binata lalo na ng panahong iyon ay magkasintahan na ang mga ito. Ito ang dahilan kung bakit lihim siyang nasusuklam sa kaibigang si Sophia.
Ginawa niya ang mga bagay na maaaring makasira sa relasyon ng dalawa subalit hindi siya nagtagumpay..hanggang sa isang plano ang ginawa niya kanina para magkahiwalay ito ng lubusan.
Aminin niya na ngayon ang lahat sa binata.
"Gusto mong malaman ang buong katutuhanan?' buong tapang niyang sabi sa binata. Tinatagan niya at tinapangan ang boses niya." pwes, makinig ka!'naghahabulan ang mga daga niya sa dibdib." "Ako si Carley na bestfriend ni Sophia..ah correction, ex Bestfriend!" Ngumisi siya at nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Zack..
"Pa-papanong ikaw si Carley?' naguguluhang tanong ng binata, hirap siyang maniwala na ito ang kaibigan ng girlfriend niya..hindi nito iyon kayang gawin dahil ang pagkakakilala niya dito ay mabait. Saka paanong naging ganito ang hitsura nito, nag undergo ba ito ng plastic surgery?
"Simple lang, marami ang nagagawa ng pera, kaya ito ang naging dahilan kung bakit nakapagpalit ako ng mukha.!" Nasa boses parin ng dalaga ang katigasan ng puso.
"Ano nga ang dahilan mo kung bakit mo binaril sa Sophia?' malakas na sigaw nito sa kanya.
"Gusto kong mawala siya sa landas mo Zack..at kapag nangyari iyon..may pag asa na ako na mapalitan siya, jan sa puso mo!, dahil... mahal na mahal kita Zack, hindi pa man dumarating iyang Epal na si Sophia.." pag amin niya dito. "Marahil hindi ka nagandahan sa akin kaya iyon din ang isa sa dahilan kung bakit nagpabago ako ng mukha at sa ikalawang pagkakataon, muli akong pumasok sa buhay niyo bilang ibang tao." Umiiyak niyang pag amin dito." Pero nanatili ka pa ring bulag dahil heto na nga ako mas maganda kaysa sa sophia na yan, ngunit di mo pa magawang pansinin!" Pagpagtuloy ng dalaga.
Natawa ng pagak ang binata.
"Hindi ako napaibig ni Sophia dahil sa hitsura niya, minahal ko siya dahil iyon ang nararamdaman ng puso ko Carley, " madiing sagot ng binata."Saka hindi pagmamahal yang nararamdaman mo, kasakiman iyan"..dahil kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo siya, magpaparaya ka!"pagpapatuloy nito.
Nasapol siya sa sinabi ng binata.
Wala na ba talagang siyang pag asa pa na mahalin nito?'
" Please..Patawarin mo na ako Zack, hiwalayan mo na si Sophia.. Subukan mo akong mahalin."pagsusumamo niya sa binata..umiiyak siyang lumapit at kumapit sa braso nito."gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako..please..give me a chance..Zack" patuloy niya sa pagsusumamo.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....