Mine

8 0 0
                                    

Nanginginig ako ng hawakan ito. Halatang matagal na itong nakabaon sa lupa. Parisukat ang kahon na gawa sa ginto. May mga ibat-ibang uri ng mahahalagang bato ang takip, at ang gilid ay inukitan ng ibat-ibang imahe na di ko din maintindihan. Excited akong buksan, pero pansin kong naka-lock ito. Inalog alog ko ito kung may laman sa loob at narinig akong konting ingay, pero halatang nag-iisa lang ito sa loob. Kung ano ano na ang pumasok sa utak ko, sa kaiisip kong ano ito.

"O..Ojie...bi..bitawan mo y..yan." nanginginig na boses ng kakambal ko.

"Bakit naman Kempoy? Treasure toh! Malay mo kung ano ang laman nito." galak kong sabi.

"Basta bitawan mo yan!" biglang sigaw nito. Halata sa mukha nito ang takot at pangamba, pero di ko mawari kung bakit.

"Bakit ba!? Hah?" inis ko naring sagot.

"Basta! Akin na nga yan!" galit nyang sabi, sabay agaw sa akin.

"Ano ba! Akin toh, bakit ko ibibigay sayo." pilit ko ring inaagaw sa kamay nya.

"Ang kulit mo! Akin na nga yan eh!" biglang hatak nya sa kahon kaya napasama ako at natumba kaming pareho.

"T*ng ina naman oh. Akin na yan Kempoy!" pilit kong inaabot ang kahon habang nakadagan ako sa kanya pero itinaas nya ang kanyang isang kamay para di ko maabot ito habang ang isa nyang kamay at itinatabing sa aking mukha.

"Pag sinabi kong akin ito! Akin na ito!" inis nyang sabi habang pagulong gulong kami sa lupa at nabitawan nya ito. Mabilis akong tumayo at tumakbo para abutin ito, pero hinablot nya ang laylayan ng damit ko kaya napasubsob ako uli.

"Bitawan mo ako Kempoy! Ano ba!" pilit kong inaalis ang kamay nya nang yakapin nya ako at sipain palayo ang kahon.

"Dito ka lang! At di mo makukuha yan!" sabay higpit nyang hawak sa bewang ko. Dahil napikon na ako, humarap ako sa kanya at itinulak ka sya ng ubod ng lakas. Natumba naman ito sa lupa na ikinangiwi nito. Bigla naman itong tumayo at nasuntok ako sa mukha. Pumutok ang labi ko at napasubsob ako sa damuhan.

Gulat na gulat ako sa pangyayari. Hindi ko akalain na susuntukin ako ng kakambal ko. Oo, nag-aaway kami pero walang sakitang nangyayari.

"O..Ojie." nagdadalawang isp nyang lapit sa akin pero sinamaan ko sya ng tingin na ikinaatras nito.

Napakagat naman ito sa labi nang matauhan sa ginawa sakin. Nakakuyom parin ang kamao nito na pinansuntok sa akin, di ko akalain na aabot kami sa ganito. At sa tanang buhay namin, ito ang una unang nagkasakitan kami. Wala naman talaga akong balak solohin yun, pero nagtataka lang ako bakit pilit nyang angkinin iang kahon at agawin sa akin.

Dumating naman sila Mama't Papa sa lugar namin. Nadatnan nila pang nakaupo ako sa lupa at nakatayo ang kakambal ko na parang aamba pa ng suntok. Linapitan siya ni mama at inilayo konti, samantalang si Papa ay tinulungang akong itayo.

"Boys, can you explain to me what's happening here?" maawtoridad na tanong ni Papa. Nahiya naman akong sumagot, di ko rin narining na nagsalita ang kakambal ko.

"Anak? Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Nag-away na naman ba kayo?" mahinahong tanong ni mama sa akin.

"Hindi Ma. May konting di pagkakaunawaan lang." mahinang sabi ng kakambal ko.

"Ano yun?" kalma naring tanong ni Papa.

"Nakahukay po kami kasi ng kahon. Ehh..nagkaagawan po kami." dugtong ko naman.

"Anong kahon?" usisang tanong ni Papa. Sabay naman naming itinuro ang kahon na tumalsik malapit sa fountain. Tinungo naman ito ni Papa at dinampot.

"Dahil lang dito, nagkasakitan na kayo?" dismayadong sabi ni Papa. Napayuko nalang kami sa kahihiyan. Ayaw naman talaga naming nag-aaway ng kakambal ko, sabi ko nga, di ko mawari bakit gusto nyang solohin ang kahon.

Shake HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon