CHAPTER 13- Jealous Cliff
Okay! Nakauwi ako ng maayos at tiwasay! Gumaganon? Nandito nako sa may kwarto.Kyaaaaaahhhh!!! nakakahiya talaga kanina. >//////< Pano ba naman kasi, TALO kami! T^T Kasi naman eh, ba’t pa kasi kami nadulas kanina?? Yan tuloy, natumba kami pareho at worst. . . . Nasa ibabaw pa niya ako TT___TT.
Dalawang araw na ang nakalipas nung may nangyari na di kanais-nais sa birthday ni France, JOKE! Pero parang di talaga ako makakaget over sa nangyari. Haist! Okay change topic! Nga pala, nandito nako sa school at MAAGA rin akong pumasok. Kung may Best in Attendance siguro, Ako na yun sigurado.
Gagawin ko na nga lang yung mga assignments ko. Di ko kasi nagawa kagabi eh. Hehehe ^___^ Alam niyo na, tinamad lang naman. ^.^V
Pumasok na ko sa room. . .
“WOW!! *O* may naiwang rose sa desk ko!” inamoy amoy ko “Hmmmm. . Ang bango naman nito. Love ko kaya ang rose! Wish ko sana may magbigay rin to sakin. Kanino kaya to??”
“Pwede ka bang maisayaw?”
O__________________O
Nalaglag ko yung rose sa sobrang gulat. Paglingon ko sa nagsalita . . .
O/////////////////////O
“Ba’t ang aga mo yata?” Di talaga kapani-paniwala to. Si Cliff nandito na??
“Wala lang. Gusto sana kitang maisayaw eh.” -Cliff
^///////////^
“Sayaw?” Nalilito kasi ako.
Lumapit siya sakin ng kaunti at yumuko. Tatanungin ko sana siya kaso kinuha niya pala yung rose na nalaglag ko kanina. Tumingin siya sakin ng nakangiti at inabot yung rose.
“Para talaga yan sa’yo. Now, can I have this dance?” Sabi niya sabay lahad ng kamay.
Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. Sumayaw lang kami kahit walang music at feeling ko talaga may sariling musika ang mga tenga ko. Kasi parang sinasabayan namin ang tono ng imagination romantic song ko. Ayiieeeee >///////< Grabe talaga!
Labdub*Labdub*Labdub*
O//////////O
Yan na naman. Ang abnormal ng tibok ng puso ko. Sobrang kumakabog na talaga.
Parang iba na kung kumilos to, hindi na normal. Please, cooperate ka muna. Di pa kasi ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko.
“Thank you Blushy” Nararamdaman kong ngumiti siya. Nakasandal ako sa dibdib niya habang nakatukod yung baba niya sa leeg ko. Ang sweet namin noh? Pero gusto ko ganito lang muna kami.
“Bakit?” tanong ko
“This dance means a lot. Special ka kasi para sakin Jerah.”
>//////////////////< Spell Kilig?
A-K-O!!!!!!!!
Wala ni isang nagsalita sa amin. Halos 30 minutes kaming ganun lang ang posisyon. Wala ni isa samin ang sumira ng katahimikan sa loob ng classroom. Komportable talaga ako ngayon kasi wala naman kaming kasama rito. Maya-maya tumigil rin kami dahil nagsidatingan na yung mga kaklase namin. ^///////^ Hindi ko talaga maitago ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. Good na talaga yung morning ko!
“GOOD MORNING FRIENDS!!!!” ayan na ang boses ni Ralph.
“Hoy POGITA! Ang aga-aga eh nambubulabog ka na ng kaluluwa! Please Shut up nga!” Pagtataray ni Lyka.
“Excuse me?! Kung ayaw mo ng maingay na lugar, punta ka dun sa church at magdasal! Humahaba na sungay mo oh.” Palaban talaga tong si Ralph. Hahahah!
“Ikaw yung umalis! Kaingay-ingay eh kadadating lang!” –Lyka
“Oh. So sorry Lyka (in sarcastic tone) Lumabas ba yung kaluluwa mo sa katawan mo? Hahahaha!!” –Ralph
“You??!!. . . . grrrrrrrhhhhh!!!” tapos nag walk out na si Lyka. Hala! O.O di na nakapagsalita? Winner talaga ang isang to.
“Di naman pala kaya. Tsss -----PAPA JM!!!!! I MISS YOU!” Napalingon ako bigla. Nandyan na pala si JM. Saan kaya to nung Sabado? Di man lang pumunta sa birthday ni France. Tsk
Naupo siya sa tabi ko. Malamang! Seatmate ko kaya siya. -___________-
“Hoy asungot!” tawag ko sa kanya.
“hmmm?” yun lang ang isasagot niya? =__= wala man lang [ano yun?]
“Ba’t ang sungit mo?”
“Ba’t ang kulit mo?” Grrr! Nanggigigil talaga ako! Sarap patayin! Kayo kaya kausapin niya ng ganito, okay lang ba?! Syempre hindi! Mga magulang kaya nito ginaganito rin niya?
“Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!” at tinalikuran ko siya. Sungit kasi -_-‘ nakakaasar! Gwapo pa man sana. O___O ano? Di ko sinabi yun ah. Erase! Erase!
Alam niyo ba kung anong nangyari during class hours? Syempre ano pa ba, edi nagdidiscuss yung teacher sa harap! NAKAKAANTOK! NAKAKAINIP! NAKAKASTRESS! AT NAKAKAPIKON! Oo nakakapikon T_____T Pano ba kasi, inaasar ako ng asungot na si JM! TT^TT
*flashback*
Waahhhh! T.T nakakaantok talaga si Ma’am!! Bakit ba kasi Christian Living yung first subject namin? Yan tuloy, maraming inaantok pati ako! Mabuti pa si Cliff (tingin sa kanya) nakikinig T_T.
Tingnan ko kaya tong isa sa kaliwa ko?
Pagharap kay JM. . .
*pok*
“Aray!” Leche Flan! May tumama sa noo ko! ano kaya yun? Matingnan nga, ang Sakeeet!
Hanap sa floor. . . .
Hanap. .
Hanap. . . .
“Aha! Ito yun!” O________________O maliit na crumpled paper??
-_______- sinong walang hiya ang bumato sakin nito?!
>.> <.<
“Bakit? Ngayon ka lang nakakita ng pogi?” Wow dre! Mahangin sa labas! Nakapasok pa nga dito ho, Haneeeep! =_=
“Ilusyunado! Ba’t mo ko binato ng crumpled paper??!” napasigaw yata ako dun ah. Calm down Jerah, Relax.
“Ginigising lang kita” -__- patay malisya niyang sagot
“Aba! Gising naman ako ah. Ang sabihin mo, papansin ka lang!” niloko pa ako.
“alam ko naman na naiinip ka na kasi bo----asdfggjhkl” Hindi ko na siya pinatuloy sa kung ano man sana ang sasabihin niya. Alam ko naman kung ano yun eh, at baka marinig pa yun ni ma’am mahirap na.
“Ms. Baltazar and Mr. Mendez” napatingin kami pareho kay ma’am. Pati mga kaklase namin sa amin rin nakatingin. -______-PATAY!!!
At ang sumunod na nangyari? Ayun! Sa ikalawang pagkakataon, PINALABAS AKO ULIT!! T___T kasama si JM. Ang SAKLAP!! T.T
*end of flashback*
“Waaaaahhhh!! T.T bakit ang malas ko ata ngayon? Kasalanan mo to eh! Kung di mo sana ako binato, sana di tayo mapapalabas!” Bwisit talaga kahit kailan!
“Anong ako? Ikaw nga dyan eh, MABUNGANGA ka kasi” –JM
*pak*
“Aray! Bakit mo ginawa yun?” tinapon ko kasi ang notebook ko sa mukha niya. Nakakainis kasi, kasalanan niya talaga to kung bakit napalabas kami ng di oras. Naku, di ko sadya na sa mukha siya natamaan. Sana di masira mukha niya. Sayang kasi eh. Ay? Ganun?
Teka, san naman to pupunta at tumayo na agad. Pssshh, hayaan na nga yan. Siya naman yung may kasalan eh.
=_______=
O-------------------O
“Te---teka, Anong g---ginagawa mo?” nauutal-utal pa ako. Kasi naman po, papalapit siya rito hanggang sa literally na sobrang lapit na talaga.
O-------O Waaahhhh!!!!! Anong ginagawa ng lalaking ito??
O/////////O ngumiti pa siya ng nakakaloko. Tumataas balahibo ko sa kanya! Dahan-dahan niyang nilalapit yung itsura niya sakin.
“J---JM ano ba?! Di ka na nakakatuwa.” O////O “Ahhhhhhhhhhhh!!” Pano kasi, nacorner niya na ko. *gulp*
“Alam mo bang masama akong mabadtrip?” tapos nag smirk pa siya!wahhhh! nakakatakot talaga! Gwapo, ay este pangit niya!
O_____________________O
Heeeeelp! Ano ba ang ginagawa ng asungot na to?? Yung mukha niya papalapit na talaga sa mukha ko. Wala na akong maiiwasan nito kasi nacorner niya na rin ako. Napapikit na lang ako. Di ko kasi alam kung paano ako makakatakas sa kanya. Shit! Ramdam na ramdam ko na talaga ang hininga niya. Alam kong sobrang lapit na niya kahit di ko siya makita.
Ewan, basta! Hindi to tama. Hindi ko alam kung anong nagawa ko basta tinulak ko siya ng napakalakas at tumakbo na pababa ng school namin. Nasa 2nd floor kami sa may lobby kanina at gusto ko nang makalayo sa kanya. Napahinto ako bigla nang makita ko si Cliff. Salamat, salamat kasi nandyan siya. Nagkatinginan kaming dalawa, tatawagin ko na sana siya nang . . . .
.
.
. . . bigla niya akong tinalikuran.
Te---teka, ano ba ang nangyari dun? Cliff?? Di mo ba ako nakita? Wag mo naman akong talikuran kasi. . . kasi ngayon, kailangan kita. Please, lumingon ka. . .
.
1
.
2
.
3
.
-___________________-
Sige lang Jerah, pausuhin natin ang salitang. . .
NGANGA!! TT______TT