Matapos maglibot, nag-ayang kumain si Terrence sa malapit na restaurant.Tahimik lang sila habang kumakain na tila nagpapakiramdaman.
"Okay ka lang?" tanong ni Hanna nang mapansin niyang balisa si Terrence.
"Yeah," tipid na sagot nito.
Mayamaya pa ay tumayo ito at nagpaalam na pupunta lang sa comfort room.
Isang matangkad na medyo payat na babae ang lumapit kay Hanna.Pamilyar sa kanya ang matigas na mukha nito na tila nangawit na sa pagkakaliyad.
"So, Ikaw pala ang bagong apple of the eye ni Terrence? Or should I say ang ginawang panakip-butas ni Terrence.You must be Hanna, right?" nakataas pa ang isang kilay na tanong nito.
"Do I know you?" mataray ding sagot niya na bahagya pang nagtaas ng noo.
Napangisi naman ang babae."Don't tell me, hindi mo na ko natatandaan?" sabi nito na sinipat pa siya mula ulo hanggang paa.
"Ah, yeah.I do remember you," nakangising sabi niya."Sino ba naman ang hindi makakaalala sa isang makating fiancee na nabuntis ng kaibigan ng fiance niya," aniya na tiningnan din ito mula ulo hanggang paa.
Nangalit ang panga ni Heidy.Sasagot sana ito kung hindi nga lang agad dumating si Terrence.
"Oh, There you are, Darling. Aren't you going to introduce me to your friend?" maarteng sabi nito na idiniin pa ang huling salita bago lumapit at humalik sa pisngi ni Terrence.
"Kaya naman pala balisa ang mokong, alam niya sigurong nandito ang bruha."
Nabigla si Terrence sa ginawa ni Heidy.Pero sinakyan niya na lang din ito para hindi na ito gumawa pa ng eksena.
"H-Hanna, this is Heidy," nauutal pang sabi niya.
Blanko ang mukhang tumango lang si Hanna.
"Bakit ba kailangan niya pang ipakilala sa akin ang bruhang 'to.At talaga palang ayos na sila.Grabe ka, Terrence, ang dali mo namang utuin.Pagkatapos ng tatlong taon, ganoon na lang ba 'yon?"
"Oh, by the way Terrence, Darling, sinadya talaga kitang sundan dito dahil magpapasama sana ako sa'yo kay Doctor Talavera, pinapupunta niya kasi ako sa clinic niya," maarteng sabi ni Heidy.
Tatanggi sana ang binata pero naunahan siya ni Hanna.
"It's okay, Doc.Go ahead.I'll be fine." nakangiting sabi niya. Pilit kino-compose ni Hanna ang sarili.Kailangan niyang maging matalino para hindi naman siyang magmukhang tanga sa harapan ng mga ito.Kaya naman inuhan na niya si Terrence bago pa siya tuluyang ilaglag nito.
Paglabas sa restaurant, galit na hinawakan sa braso ni Terrence si Heidy."What do you think you are doing? Hindi pa ba malinaw sa'yo ang lahat?Tigilan mo na ang pagsunod-sunod mo sa'kin.Wala na tayo matagal na, at imposible na ang gusto mong mangyari," anito na galit na binitiwan ang braso ni Heidy.
"Terrence," sambit nito na noo'y humawak pa sa braso niya.
"Ano pa bang kailangan mo ha?May asawa't anak ka na hindi ba?" kunot ang noong tanong niya.
"Hiwalay na kami ni Archie,isang taon lang din halos kaming nagsama."
Napangisi naman si Terrence sabay iling."Kaya bumabalik ka sa kin ngayon?Sa tingin mo ba pagkatapos nang ginawa mo, may babalikan ka pa? Ganyan ba ako ka-stupid sa tingin mo?" mariing sabi niya.
"Bakit, dahil ba may Hanna ka na? Sa tingin mo ba kaya ka niyang mahalin nang higit pa sa pagmamahal ko sa'yo?" taas noo pang sabi nito.
Napaawang mga labi ni Terrence sabay napailing."Pagmamahal ba ang tawag mo dun sa ginawa mo? Si Hanna, kahit anong nangyari hindi ako iniwan.Nagawa niya ngang talikuran ang marangya niyang buhay sa Canada nang dahil sa akin eh.Ikaw ano bang nagawa mo para sa akin?Hindi ba lagi lang ako ang nagbibigay at nagsasakripisyo para sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Catching Feelings
RomanceMeet Terrence Han ang nag-iisang lalakeng nag mamay-ari ng puso ni Hannah.Ngunit tila walang epekto rito ang mga diskarte ni Hannah.Kahit lantaran na ang ipinakikita niyang pagkagusto sa binata ay tila wala paring epekto rito.But not so long...dahi...