Pagdating namin sa room sobrang ingay. Akala mo palengke eh. Well, ano bang bago? So ibig sabihin lang nito wala pa yung teacher namin! Yes!
"Hayy.. Buti na lang wala pa teacher natin."
"Oo nga eh. Lika tabi tayo dun."
Then, umupo na kami ni Annie sa may bandang likod. I see some unfamiliar faces pero karamihan classmate ko last year.
Saktong pag-upo ko pumasok ang isang payat na lalaki na sa tantsa ko ay nasa early thirties palang nito. Automatic namang tumahimik ang paligid. Siya na siguro ang adviser namin.
Napansin ko lang na medyo puyat ata siya kasi nangingitim yung ilalim ng mata niya. Maliban dun gulo-gulo yung buhok niya at... tama ba yung nakita ko o dugo talaga yung nasa mga kamay niya?
He looked mess..
"Ba't ganyan itsura ni Sir Carbungco para siyang kinuyog ng isandaang bakla. Pfftt.." Bulong ng nasa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali Luis Balading name nito eh.
So siya pala si Sir Carbungco..
Walang sali-salitang kumuha ito ng pentel pen at dumiretso sa white board para magsulat. Di man lang siya pormal na magpapakilala samin? Weird.
PAANO
MO
GUSTONG
MAMATAY?
Iyan ang eksaktong sinulat niya sa white board. Lumaki ng bonggang-bongga yung mata ko dahil dun yung iba nga napasinghap pa ng malakas.
"G-Get 1/4 sheet of paper a-and write your a-answer to this question.." Sobrang hina ng boses nito na parang nagdadalawang isip na kinakabahan na ewan.
Pero as expected marami ang nag-violent reaction at isa na ko dun..
"Sir, mawalang galang na po pero diba we should start with formalities like introduce yourself thingy?" I asked.
"Oo nga po, sir!" -Janet
"Seriously? I mean.. that's absurd, sir!" -Magda
"Ang creepy ng tanong sir! Next question na lang!" -Joshua
"Ayoko po sagutan 'yan, sir.." -Paul
*blah* *blah* *blah*
Tapos kanya-kanya na silang ingay. Juicecolored. Tsk.
*boooggsshh*
Lahat tumahimik dahil sa pagsuntok ni sir sa lamesa at nagdugo ito. Seryoso, kinakabahan ako sa teacher na 'to. I'm sure he's not an ordinary teacher na nakagawian ko.
"WALANG LALABAS SA KWARTONG ITO NG HINDI SINASAGUTAN ANG TANONG NA 'YAN! Tang*na! Madali lang naman sagutan diba? And besides I just... want to know your answers to that." sigaw nito samin ng nakangising nakakakilabot.
A moment of silence...
"Yun naman pala eh! Ang OA niyo!" -Jumiel
"Hahahahaha..! Exaggerated masyado eh." -Jonabelle
"Hahaha..! Sir, baka naman ipapatay mo kami ah." -Kristoff
"BWAHAHAHAHAHAHAHA..!" Anlakas ng tawa ni sir. Katunayan, siya lang natawa sa birong 'yon as in hagalpak. Anong nakakatawa dun? Halos lahat NR (no reaction) tapos siya ang OA na masyado. Alam mo yung tawa ng mga kontrabida? Evil laugh ata yun. Ayon yung tawa niya ngayon. Goosebumps..
Nagulat na lang ako ng tumikhim siya at nagsalita."Hijo.... Paano mo nalaman?.."
Uhmm.. is that a threat? Should I call a police now? I'm getting sweaty bacause of nervousness. Lord, sana bumilis ang oras para matapos na 'to. Please po..
"....Joke."
Ha?
"BWAHAHAHA..! I'm just kidding. Ano ba naman kayo Napaka seryoso niyo naman."
"Ah.. Hehehe.." Awkward na tawa ng lahat. Walang gustong magsalita.
"Okay, NOW MOVE! ANSWER IT!"
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Primus Interpares
Mystery / ThrillerIn English, 'First Among Equal'. But would they be equal in the name of life and death situation? Or would they be given a one-way ticket to Satan's lair, first?