Jovann's POV
Pagkatapos naming mag lunch nag kanya kanya na kaming landas ng barkada. Si Pearly at si Jay nagsabay papuntang klase nila. Si Bell, Krisleene at Bryan nagdiretso na rin sa mga classrooms nila. Ako??? ako nang loner... tsk ... hahaha ako lang kasi ang walang klase pag gantong oras ng hapon kaya eto... EMO mode muna ko... hehehe
Naka-upo ako sa may bench sa gym nanonood ako ng basketball. Bigla akong tinawag ni Karl, Captain Ball ng basketball ng school namin, siya rin ang nag-mamanage ng iba pang sports sa school kaya busy siyang tao, na maglaro ng basketball kasi uuwi na daw yung isang team mate nila. Ako naman in na agad walang salisalita hahaha... mahal na mahal ko ang sports kaya pag may oppurtunity hindi na ako nagpapatumpik tumpik pa. Priveledge na rin kasi idol ko ang tumawag sa akin para maglaro.
...................................................................................................................................................................................
Nagring na yung buzzer ng school, meaning tapos na ang mga narkada ko sa mga klase nila. Masyado ata ako nag-enjoy sa pag-lalaro at hindi ko na napansin ang oras. Nagsilabasan na ang mga estudyante at unang nahagip ng mata ko sina Bell, Krisleene at Bryan. Napatingin sa court si Bell na animo ay may hinahanap. Hope ako yun. Pero nung dumapo yung tingin niya sakin wala pang 5 segundo umalis na din ang mga to. Nakita ko siyang nakangiti at sinundan ko ang tingin niya. Si Karl, siya ang dahilan ng pagngiti ni Bell. Tsk asa pa kasi ako na ako, eh alam ko naman kung gano ka crush ni Bell si Karl na laging nagliliwanag yung mukha niya pag nakikita niya ito. Haaay naku... fyn!!! siya nang guwapo... tsk... kahit idol ko to naiinis ako sa kanya kasi siya nalang lagi ang nakikita ni Bell.
Bell's POV
Pagkalabas na pagkalabas ko sa room tinignan ko agad yung basketball court may naglalaro kasi eh.
Bell: Gotcha!!!
Bryan: huh???
Krisleene: anu yun Bell???
Bell: hahaha wala naman... nakita ko lang si baby ma lhubs... hehehe
hindi ko sila tinitignan... tutul ako sa naglalaro sa court... hahaha
Krisleene: sino???
tingin sa court
Krisleene: si Jovann???
nakatingin pa rin siya sa court pero ako tumingin ako sa kanya tas sabay
*PAK*
nasapak ko siya ng wala sa oras...
Krisleene: ARAY... para san yun???
Bell: wala trip ko lang ikaw sapakin...
Krisleene: kawawa naman yung ulo ko... pang trip na lang pala siya ngayon...
Bell: tsk!!!...
sabay walk out... hinila ko na lang si Bryan para may kasama ako mag drama...
Krisleene's POV
haaay... kawawa naman si Jovann... lagi na lang naiignore... una si Karen ngayon naman si Bell... tsk ewan ko sa dalawang yun... good catch naman siya eh bakit nila ini ignore???... haaay... mga tao nga naman...
Krisleene: Jovann!!!
Jovann: Oh Kris... dyan ka pa la...
Krisleene: kanina pa actually...
Jovann: ah sorry naman po... hahaha
Krisleene: hahaha tatawa tawa ka diyan hindi bagay sayo... lam mo yun... halatang japeks???
Jovann: huh???
Krisleene: japeks... peke... kasi naman eh alam ko naman na nakita mo si Bell kanina pero siya si Karl ang hanap...
Karl: ha??? anu yun???
Krisleene: ah Karl andyan ka pala... hehehe kasi si Jovann eh sese.....
di ko na naituloy ang sinabi ko kasi naman bigla ako hinila ni Jovann
Jovann: Karl, una na kame ha... sige...
Karl: ah eh... si sige...
halatang interesado pa rin si Karl pero di na niya lang tinuloy
Jovann: anu ka ba???!!!
Krisleene: sorry naman... tsk...
Jovann: panu na lang si Bell pag nalaman ni Karl yun???
Krisleene: tsk.. puro ka na lng Bell
bulong ko... hindi ko lang alam kung narinig niya...
Jovann: alangan namang sabihin natin kay Karl yuneh di lalo akong iniwasan ni Bell. ano ka ba Kris sige pati ikaw madamay sa pag-iwas niya gusto mo???
Krisleene: tsk oo na oo na ... worried na worried ka diyan... tara na nga lang kain na lang tayo ganyan nanaman mukha mo... nakakagutom...
Jovann: hahaha kakain na naman... tataba ka na uy... wag na lang... tara basketball na lang tayo... para matanggalan ka naman ng fats...
Krisleene: tssss... ano akala mo sa kin balyena na kailangan na ng lyposuction??? tsss...
Jovann: joke lang... toh naman di na mabiro...
Krisleene: ano ba kaseng klaseng biro yun ha??? ewan ko sayo ...
ewan basta naiinis na lang ako bigla sa kanya... gusto ko nga sanang mag walk out eh kaso naman di ko ugali yun... haaay bat ba kasi ang bait bait ko pa... tsk...
Jovann: uy teka Kris... bakit ba ang init init ng ulo mo sa kin ??? wala naman akong ginagawa sayo ah...
Krisleene: oo nga wala ka ngang ginagawa bakit ka ba na gui guilty diyan??? hehehe nag dradrama lang ako... hehehe ... may play kasi kami sa isa kong klase bukas eh... nag prapractice lang ako... hehehe
Jovann: ahhh ok... sige na nga lang hintayin mo ko dito ha??? papalit lang ako tapos kakain na...
Krisleene: ahhh ehh... sige sige... hintayin na lang kita dito...
umalis na siya... ako andito pa rin ako kung saan niya ako pinag hintay... ewan ko ba kung bakit ako biglang bumabait sa kanya... siguro kasi naaawa ako sa kanya ilang beses ba naman kasi ma reject... hirap kaya nun... hehehe naiintindi han ko lang siguro siya kasi naman na reject na rin naman ako eh... siguro nga...
Pearly: uy Kris... why you there???
Krisleene: ah... hinihintay ko si Jovann...
Jay: anung meron nun???
Pearly: toh naman... hinihintay lang... anung meron agad... pero... anu nga bang meron sa inyo???
Krisleene: huh???
Jay: kasi po lately napapansin namin na kayo yung laging magkasama...
Pearly: oo nga... may dapat ba kaming malaman Kris???
Krisleene: huh???
Jay: huh, ka naman ng huh eh... ano na???
Krisleene: ano ba kasi sinasabi niyo???
Pearly: yun kung may something ba kayo ni Jovann???
Jay: oo tapos, to think na, nanliligaw or should i say, nagpaparamdam si Jovann kay Bell...
Jovann: wala kaming something or anu man yang iniisip nyo... oo nagpaparamdam lang ako kay Bell... pero, parang wala naman siyang balak pansinin ako eh...
Jay: nakakagulat ka naman Jovann eh... pwede magparamdam ka muna bago ka lumapit???...haaay...
Pearly: oh siya kung anu mang iniisip namin wala na yun... di na namin iisipin... siya sige punta na kami sa klase namin...
seryosong sabi ni Pearly tas niyaya na si Jay na maglakad na't pumunta na sa klase nila... nangyari dun???
Jovann: tara na... libre kita...
sumaya naman ako nun
Krisleene: sige tara
with wide smile curved on my lips hehehe libre eh... sayang... hehehe
Jovann: wag sa canteen.. ayoko dun...
Krisleene: ahhh eh san naman kung hindi dun??? dun lang naman ang kainan...
Jovann: basta wag dito... sama ka na lang...
at ayun nagpahila naman ako...