CHAPTER 22

17.8K 481 1
                                    


Kapwa kami nahulog sa malalim na pagiisip habang bumabyahe kami pabalik ng bahay para kunin si angela.

" Nakuha mo na ba ang sagot doon sa assignment ni justin." tanong ko.

" hindi pa rin." nakangiting sabi nya.

" bibigyan kita ng clue...." tumingin sya sa akin.

" alam nya na ang tungkol sa atin..." sabi ko.

" yun ba ang pinagusapan ninyo kanina.?"

" gusto nyang layuan uli kita."

" susundin mo ba sya...?"

" no.....kaya nga ikaw ang gusto nyang magdesisyon... ang gusto nya gamitin mo ang isip mo, hindi ang puso mo."

" kaya ibinigay nya sa akin ang assignment na yun.... nakalimutan nya yata na isa akong doctor at para sa amin ang puso ang pinaka mahalagang bahagi ng katawan ng tao kayang mabuhay ng isang tao kahit bain dead na sya pero hindi kayang magsurvive ng tao kapag puso ang nawala sa kanya... kapag walang puso walang silbi ang utak mamatay din ito."

" sa palagay mo tatangapin nya ang paliwanag mong yan.?"

" kailangan nyang tanggapin dahil wala naman syang magagawa... puso ko ang susundin ko dahil ito ang magpapaligaya sa akin."

Hinawakan ko ang kamay nya na nakapatong sa hita nya, at hinalikan ko iyun.

Ngumiti sya.

" eyes on the road sir and hand on the steering wheel... baka madisgrasya tayo."

" i love you..." sabi ko.

" i love you too..." sabi nya.

And that makes my heart leap... biglang bumalik ang nawala kong sigla kanina... isasantabi ko na muna ang mga alalahanin ko sa buhay gagawin ko ang lahat para maging maligaya kami ni princess kahit pansamantala lang... kung hindi man pweding habang buhay...


PRINCESS THALIA'S POV

Almost two hours din ang byahe papuntang villa thalia si travis ang nagdadrive ng van, magkatabi kami sa unahan sa likuran ay si angela kasama ang kanyang dalawang yaya sa likuran nila ay ang isang katulong at ang isang tauhan ni travis... pagdating namin sa entrance ng villa ay bumaba kami para magpalit ng sasakyan, lumipat kami sa isang 4wd na sasakyan, yung sasakyan na malalaki ang gulong yung sasakyang kayang umakyat ng bundok, dalawang sasakyan ang ginamit namin paakyat ng resort. hindi kasi kami kasya sa isang sasakyan.

Almost 15 minutes pa ang ride paakyat sa resort... halos hindi ako makahinga sa ganda ng tanawin na nadadaanan namin, nagtataasan at naglalakihang mga punong kahoy, at sariwang hangin.

" This amazing... papano mo ba natagpuan ang lugar na to...?"

" Inialok lang ito sa akin ng isang kakilala ko, mag ma migrate na raw kasi sa US ang mayari kaya ibebenibenta na..."

" mula ba doon sa baba sa entrance at hanggang dito ay sakop ng villa.

" yes... hanggang sa mismong resort and beyond."

" wow.... napakalaki nito ah... "

" parang ganun na nga..."

" ang ganda dito super."

" thanks at nagustohan mo."

" tita cess... can we go there?..." sabi mi angela na itinuro ang malawak na karagatan na nasa ibaba ng bundok na inaakyat namin.

" sure if it is okey with your dad"

" some other time angela... "

" okey... promise yan ha .."

" promise."

Lalo akong namangha sa entrance ng resort para ka kasing papasok sa isang jungle tapos pagbukas ng gate ay tatambad sayo ang mga nagagandahang mga sculpture ng mga cartoon character sa jungle nangunguna na dyan si Tarzan and jane and friends, simba, and a lot more then may mga cottages na gawa sa mga native materials like bamboo and woods...at napa nganga ako sa napakalawak na swiming pool para na iyung isang lawa....may artificial falls at artificial wave, may napakahabang slide din na paikot sa pool na ang pinakadulo ay sa tubig mismo ng pool ang bagsak, mula sa kinatatayuan ko ay nakaharap ako sa isang napakagandang bahay na parang kastilyo ang desinyo may mga tore ito at terasa na nakaharap sa napakalawak na pool.

Naramdaman ko ang pagyakap ni travis sa akin mula sa likuran ko.

" you like it...?" tanong nya.

" sobra..." sabi ko.

" para sayo to."

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko... niyakap ko ang mga bisig ni travis na nakayakap sa dibdib ko.

May iniabot sya sa aking plastik envelope.

" ano to..?"

" tingnan mo."

Binuksan ko ang envelope at kinuha ang laman niyun at halos nanginig ang buong katawan ko ng makita kong sa akin nga nakapangalan ang buong resort. Humarap ako sa kanya.

" no walter... hindi ko matatanggap to... sapat na sa akin na sa akin na isinunod mo sa pangalan ko ang resort... pero ang ibigay mo sa akin ang resort hindi ko matatanggap."

" ipinagawa ko ang resort na to para sayo kaya sayo to..."

" but this is to much."

" hey ito lang namang resort ang sayo ang mga properties na nasa paligid nito ay akin pa rin siguro mga 2 or 3 hectares lang naman ang sakop ng buong resort ... ano bang sobra dun."

" travis..."

" shut up and just kiss me .. para matapos na ang usapang to." at pinaglapat nya ang mga labi namin he kiss me and i kiss him back, ng matapos ang halik ay mahigpit kaming nagyakap, pagtingin ko sa paligid ay nakita ko ang mga tao na nakatingin sa amin. Bigla akong bumitaw kay travis.

" walt... may mga tao.." bulong ko sa kanya.

Lumingon si travis.

" ah yes...sila ang mga tauhan dito sa resort... bye the way since naibigay ko na sayo ang resort na akala ko ay sa pangarap lamang manyayari... ikaw na ngayon ang magpapasya kung ioopen pa ba natin ito sa public hindi na."

" what akala ko ba naka schedule na sa saturday ang opening nito."

" oo nga ..kasi akala ko hindi na talaga ako magkakaroon ng pagkakataon na ibigay to sayo kaya naisip ko sa halip na lumotin at anayin ay pagkakitaan ko na lang... kung ayaw mong iopen to sa public eh...ngayon pa lang ay gagawa na tayo ng ad na magasasabing hindi na matutuloy ang opening then irerefund natin yung ibinayad ng mga nagpareserve na."

" no... look at this place napaka ganda nga pero wala namang kabuhaybuhay... ang kagandahang tulad nito ay hindi dapat ipinagdadamot dapat ibinabahagi aa mundo... kaya lets open it to public." sabi ko.

Sabaysabay na nagsabi ng yes at magpalakpakan ang mga tao.

" You heard it people... tuloy ang opening sa saturday... bye thw way i want you to meet princess thalia the owner and the boss..."

Muling nagpalakpakan ang mga tao.

" so... ano pang hinihintay natin lets get going...marami pa tayong kailangang gawin."

At Naghiwahiwalay na ang mga tao at nagsimula ng magtrabaho.

" At tayo naman ay pumunta na sa ating kastilyo mahal kong prinsesa." nakangiting sabi ni travis.




HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon