CHAPTER 49: Christmas Ball

24 1 0
                                    

CHAPTER 49: Christmas Ball

Ngayon na ang araw ng Christmas Ball, obvious naman sa title ng chapter diba? Hehe...

"Ma'am andyan na po si sir Ethan." Sabi ng katulong saka ko nakita si Ethan na papalapit na sa sofa na kinauupuan ko.

Oh akala nyo siguro gaya ng dati na mauuna sya at pagkalabas ko ng kwarto ay mapapawow sya sa ganda ko habang bumababa ng hagdan at sabay magdodrool haha...

"Oh bayaw! Picture muna!" Loko talaga to si kuya Rick bayaw daw ayan tuloy nag-init ang pisngi ko.

Nginitian ako ni Eesha na inaakbayan ni kuya Rick ngayon sila kasi ang magkadate.

"Sige bayaw." Ethan chuckled, siguro ay kamatis na ang itsura ko. Saka pa sila naghigh five.

Pinicturan muna nila kami ng ilang beses saka hinayaang umalis.

"You're so beautiful. Palagi naman...."
Sabi nya ng paupuin nya ko sa kanyang kotse saka umikot sa kabila.

Wala na ba akong karapatang huminga ng maayos? Bakit nakakasuffocate ang kilig?

Ngayon ko balak na humingi ng tawad kay Arch.

Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao ng dumating kami.

Mga ilang minuto ay nagsimula na ang program.

"Ako ang first dance mo ah pati last." Paninigurado ni Ethan.

"Oo naman"
Inannounce ng Dj na papatugtugin na ang slow dance para sa first batch ng sayawan bago simulan ang announcent ng Mr. And Ms. Christmas ball na syang magkikiss sa ilalim ng mistletoe.

Nakawahak si ethan sa bewang ko, ahmm more on nakayakap at ako naman sa leeg nya.

Sinasabayan nya pa ang kantang Queen of my heart ng westlife.

Lumapit sya sa tenga ko at binulong ang mga huling linya...

"You're the queen of my heart....."
Nagtindigan ang mga balahibo ko hindi lang sa way ng pagkakasabi nya noon pati na rin ang mensaheng pinaparating nito.

Kaya't parang aatakihin na ko sa puso kung di pa sya nag-ayang umupo.

Pagkaupo namin ay agad na lumapit si Arch at Katherina sa amin na syang magkadate.

"Can I have a dance?" Sabay lahad nya ng kamay sakin.

Agad ko namang kinuha iyon alam naman ni Ethan na ngayon ko balak kausapin si Arch.

Ng nasa dance floor na kami ay awkward na katahimikan ang bunalot sa amin.

Nagbaling ako ng tingin kay Ethan na isasayaw na ngayon si Katherina at sure akong si Katherina ang naginsist nun.

"Arch/Inna" sabay naming sabi kaya't lalo pang naging awkward.

"Sorry...nalaman ko na ang lahat. Sinabi ni Monica. Sorry kung nasaktan ka dahil sa akin."

Mula sa pagkakabigla ay umiling sya.

"No, wag kang magsorry, at wag kang maawa sakin please Inna, don't be. Kahit na maulit yun ay ganoon padin ang gagawin ko, poprotektahan kita, maging masaya ka lang kahit sa piling pa ng iba...." kasaby noon ay ang pagtulo ng luha.

Pinunasan ko yun ng marahan.
Hinawakan nya ang kamay ko na nagpunas ng luha nya. Iginaya nya yun sa kanyang labi saka hinalikan ng marahan kasabay ng mariin nyang pagpikit.

Tumitig ang mga mapupungay nyang mata sa akin.

"I will always love you Inna. Always and forever..."

Bago pa ko makaalma ay agad nya na kong iniwan doon at nagtungo sa king saan ang comfort room.. mukhang alam nya na ang sasabihin ko....

Don't be Arch. That always and forever between us doesn't exist now.....

"Ano iboto natin sarili natin para tayo ang magkiss sa mistletoe."

"Haha loko! Bakit hundreds ba ang katumbas ng boto natin." Ayan nabatukan ko nga.

"Sabagay, pwede naman tayo magkiss kahit hindi sa mistletoe eh."

Hayup! Alam nya talaga kong paano ako pakiligin eh ayan napinch ko nanaman ang aking leggy leggy eeeee.....

"Our Mr. Christmas Is none other than............ Ethan Dave Healto."

Nagpalakpakan ang lahat! Shems naman ! Manghahalik sya ng iba?

For the first time pinagdasal ko na sana ay ako ang manalo, pero minsan ka na nga lang humiling olats pa !

Ang nanalo ay ang Beauty Queen ng school na si Stephanie Alcantara. Argghhh...

I can't take it. I don't wanna see this Kahit pa smack lang daw ang allowed. Kaya nagmadali akong umalis at pumunta sa garden sa likod ng school.

Dala dala ko ang punch na kinuha ko aa waiter.
Umupo ako sa isang bench doon.

Maya maya ay may tumabi sakin.

Saglit akong napabaling kay Katherina.

Sa dami ng bench dito pa sya, at bakit sya nandito? Di nya din kayang makitang may kinikiss si Ethan?

"Ahem. Georgina."
Pagtawag nya sa pangalan ko kaya't napabaling ako sa kanya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Palit tayo ng date, para si Arch na ang maghahatid sayo pauwi."

What nahihibang na ba to? Hindi ko na nga lang pinansin dahil ayokong punatol sa baliw.

Tumayo na ko ng sumabay din sya sa pagtayo ko.

"Di ba yun naman ang gusto mo? Wag ka na ngang matakot na masaktan si Ethan dahil sasaluhin ko naman sya eh. Sinabi ko na din naman kay Arch na naaawa ka lang dahil napaasa mo si Ethan kaya hindi mo maiwan."

"What!? Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Bakit mo ba ko pinangungunahan? At nahihibnag ka na ba magpapalit ng date? Ang lakas din ng tama mo sa ulo nuh? How pathetic, stop throwing yourself to Ethan have some respect to yourself!" Akma kong sanang ibubuhos ang punch na hawak ko sa kanya may saglit na bumaling sa likod ko ang mata nya sabay hinatak nya ang kamay ko at ibinuhos ang punch sa dibdib nya saka naghagulgol.

Napatingin at natawa nalang ako sa gunawa nya.

"What is happening here?"
Di ko na kailangan lumingon alam ko ng si Ethan yun.

"Si Gerogina kasi palit daw kami ng date para si Arch na anag magahatid sa kanya sa bahay hindi ako pumayag kaya binuhusan nya ako ng punch sa damit ko." Pwe she's such an actress nga, she deserve some applause, let's clap.

"Totoo ba yun Adeline?" Kuyom bagang na tanong ni Ethan.

Well kung nagdoubt sya sakin ibigsabihin ay mas may tiwala sya kay Katherina.

Tama nga naman ibubuhos ko naman talaga yung juice sa kanya eh.

"Oo, bakit?" Sabay taas ko ng kilay sa kanya.

"You're... you're pathetic." Malamig nyang sabi sabay lagay ng coat sa balikat ni katherina, pero bago pa nila ako maunahan sa pagwawalk out eh inunahan ko na sila.
Saka pa nag-unahan ang mga luha ko.

Of all people sya pa ang di naniwala sakin, oh well naniwala nga sya dahil umoo ako sa kanya.

Pero nakakainis dapat alam nya ng ako dapat ang panigan nya dahil alam nyang mabuti akong tao kesa sa babaeng yun.

Di ba sya nainform na artista yun?

Putsa naman nakakainis ang sarap magmura!

Agad ko naman nakita si Eesha at kuya Rick, gulat sila ng makitang umiiyak ako.

"Let's go."
Wala ng tanong tanong ay agad nila akong inalalayan palabas.

Tahimik lang kami buong byahe tanging hikbi ko lang sa likod ng sasakyan ang naririnig.

Weak to WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon