"Teka.. Diba sabi mo, Cupid's Maid din sina Mommy and Kuya.. Alam ba yan ni Kuya?"
I asked.. Eh kasi naman diba, may dugong Cupid's Maid nga ang pamilya namin tapos ako lang pala ang na inform..Agad naman syang napatingin sa akin and answered..
"Yun nga din ang pinagtataka ko.. Bago ako nagpakita sa'yo ,inuna ko munang puntahan ang Kuya mo.. Pero nung sinabi ko na isa akong Cupid's Maid , nagalit siya..muntik pa nga akong sugudin nun eh.. Waahh creepy! Para bang gusto nya kong lamunin ng buhay.. Waaahh huhu may mental issues ba yung Kuya mo? Seriously? Buti na nga lang at nakaalis na ako agad eh.."
Pagsusumbong naman nya sa akin..
Hahaha nakakatawa ang reaksyon nya habang sinasabi yan, haha mukang natakot talaga sya kay Kuya..
Uhmm, nakakatakot nga naman kasi yun.. Kahit nga ako na kapatid nun ay di makalapit sa kanya eh, para bang pasan nya lahat ng problema sa mundo.. Tsk tsk
Well, di ko din naman kasi masisisi si Kuya, namatay kasi dahil sa car accident si Ate Monick (girlfriend nya).. Muntik pa ngang magpakamatay si Kuya nung nabalitaan niya yun eh, buti na lang at to the rescue kami ni Tita kaya napigilan namin..Naaawa nga ako kay Kuya ngayon, mahal na mahal naman nya kasi si Ate..
Pero ang weird nga.. Bakit naman kaya ganun ang reaksyon ni Kuya nung nalaman nyang Cupid's Maid ang babaeng to?
Alam na nya kaya?Ang weird talaga ni Kuya..tsk
"Eh? Namatayan pala yung Kuya mo? Kaya naman pala ang sungit..tsk"
Napapoker face naman ako agad -.-
"You're reading my mind again!!" Pagmamaktol ko.. Kainis naman kasi sya eh! Basa ng basa ng isip ko, tsk paano na lang pala kung may naisip akong sikreto, eh mababasa nya??!!
"Hehe.. Sorry naman, eh di ba nga sabi ko kanina na di ko macontrol ang pagbabasa ng isip ng mga kauri ko! " sabi pa nya at nag peace sign.. Heh! -.-
Unfair la--Teka?
Diba Cupid's Maid din ako? Sabi nya yun kanina,right?
So? I can read minds din?!"Waaaaa! So kaya ko rin magbasa ng mga isip nyo? Kasi nga diba Cupid's Maid rin ako?!" Excited na tanong ko sa kanya..
Hihi, so may powers din kaya ako? Kagaya nung ginawa nya kanina na pagtalon galing sa puno, pwede ko rin kayang gawin yun?!Waaaahhh! Nakakaexcite naman pala ito eh..
Mwahaha ,so may special powers pala ako? Kaya ko na kayang mahigitan si Darna? Si Wonderwoman?
Mwaha--"No.. Wala ka pang special powers, wag kang feelingera -.-"
-_-
Tingnan mo to.. Niloloko lang ata ako nitong baliw na tu eh.. Kakasabi lang kanina na isa akong Cupid's Maid tapos sasabihin niyang wala akong powers?
Alam niyo.. Kunting kunti na lang talaga at iisipin ko nang baliw talaga tung isang to.."Eh kakasabi mo nga lang diba na isa akong Cupid's Maid,like you.. Tapos ngayon,sasabihin mong wala akong powers?!!" Sigaw ko sa kanya..
Ang gulo nya lang diba?
"Baliw! Ang assumera mo talaga! Di ka pa ganap na Cupid's Maid, noh!!"
Sabi pa niya at nag roll eyes.."What?! Anong di pa ganap?!"
Grrr.. Kunting kunti na lang talaga, super kunti na lang at masasapak ko na talaga itong babaeng tu..promise! -__+
Pinapaasa ako na isa raw akong Cupid's Maid na may special powers tapos sasabihin lang niya na di pa ako ganap na Cupid's Maid?!
Grrr ..sarap mangain ng tao!"Grabe naman to? Makasigaw? Tsk relax lang,ok? I explain ko muna, haayy..mahihirapan nanaman ako sa pag iexplain nito..tsk baka matagal mo na namang maintindihan -,-"
Sabi niya at nag indian seat sa harap ko..
Bale ako nakaupo sa upuan, at siya naman nasa harap ko habang naka indian seat sa damuhan..gets?
Ok.. Relax muna,Zein.. Inhale ..exhale..
Iexplain naman pala nya eh, para maintindi---
Teka?
"Anong akala mo sa akin? Bobo? Para di ko agad maintindihan ang mga sasabihin mo?! -_+ "
"Yep! Ganun na nga! Hehe galing mo!!"
Naku! Naku! Masasapak ko na talaga to eh.. Sinasagad ang pasensya ko..tsk
Buti na lang talaga napigilan ko ang kamay ko para sabunutan tung abnormal na babaeng to -.-Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaayos na sya ng upo at nagsimula nang mag explain
"Ok.. I will explain na, so yun nga--teka? Ano nga ulit yung iiexplain ko?"
-.-
Mas mainit pa yata sa araw ang init ng ulo ko ngayon.. Grrr, nakakapanggigil, super!!
"Ba't di pa ako ganap na Cupid's Maid.." Asar na sabi ko sa kanya..
Ang hirap pala talagang magpigil ng inis,swear!
-.-"Aahh, yun nga.. Eh kasi, half blood ka.. Half normal and half Cupid's Maid.. At kung magtatanong ka kung bakit, it's because sa family ng mommy mo lang ang may dugong Cupid's Maid habang normal ang dad mo.. So gets na? At dahil nga half blood ka, kaya may dugo ka paring normal na tao .."
Paliwanag niya .. So mga Cupid's Maid talaga ang family ni Mommy? Ba't di ko alam yun?
Bakit naman di man lang nabanggit yun nina Grandma?"So? Ano naman kung may dugo akong normal? Eh ikaw din naman ah.. Diba nga sabi mo na isa ka talagang normal but Cupid gave you a power kaya ka naging Cupid's Maid?"
Mukang mahabang paliwanagan talaga tu.. Ang hirap naman kasing intindihin eh!
Kayo kaya ang narito,tingnan ko lang kung maintindihan niyo agad agad! Tsk"Kaya nga.. Pero bago pa man kami naging ganap na Cupid's Maid ay may pinagawa muna si Kupido.. Then kailangan mo rin gawin yun!"
Paliwanag nya..Eh? May gagawin pa ako?
Anu bayan! Excited na kong magkaroon ng special powers eh!! Kainis ah, pabitin effect lang?"Eh? Ano ba kasing pinagawa sa inyo?"
Nakakacurious lang diba? Tsk..at ang choosy lang ni Kupido noh, kailangan pa talagang may gawin?
Tsk..di ba pupwedeng Cupid's Maid na agad agad?!
Hehe. Di halatang excited ako,noh?Magsasalita na sana sya, ng biglang may nagsalita sa likuran ko
"Hi mga miss."
Napatayo ako agad at napalingon.. Napatayo din si-- teka nga? Di ko pa pala alam ang pangapan ng babaeng to..tsk, inuna pa kasi ang pag iexplain bago ang pagpapakilala ..tsk -.- So yun nga, napatayo din sya and napatingin din sa nagsalita ..
Eh nakakabigla naman kasi -.- Nag uusap lang kami dito tapos bigla bigla na lang may sisipot sa likuran ko at magsasalita? -,-Tiningnan ko ito agad and---err? Lasing?
Pagewang gewang kasi ang tayo nya at may hawak na isang bote ng alak..tsk, sayang sya ah.. Medyo gwapo pa naman..tsk, kaso lasinggero..Tinaasan ko sya ng kilay ng kindatan ba naman daw ako -.- Gago!
"Jackpot! *hik* sexy nyong dalawa ah.. *hik* tiba tiba ako nito.." Sabi pa ng gago.. Sapakin ko to eh!
"Gusto mo ng suntok?!" Pananakot ko at umambang suntukin sya.. Anong akala nito sa akin? Isang weak at walang laban na babae? Never! Malakas kaya to.. Pakitaan ko sya ng suntok eh!
"Sungit mo naman,miss *hik* di ka naman kagandahan..*hik* diyan na nga kayo!"
Aba! Ano daw sabi nya? Ako? AKO?! Di kagandahan?! Grrr! Bulag ba sya? Bigyan ko sya ng upper cut eh!