CHAPTER 12- Missing Him
"LAST mo na 'yan, Francis. Pinagbigyan lang kita dahil alam kong huli niyo nang pagkikita iyon ni Raphael!" Medyo may galit ang boses ni Papa nang makalabas na kami ng subdivision.
Hindi ko na lang siya pinansin. Ibinaling ko na lang ulit ang paningin ko sa labas.
Ngayon pa lang ay grabe na ang kalungkutan na nararamdaman ko. Paano pa kaya ang mga susunod na araw na hindi ko na makakasama si Raphael? Parang hindi ko kaya. Nasanay na kasi ako na palagi ko siyang kasama. Araw-araw kaming nagkikita at nagkakausap...
-----***-----
CABUYAO, LAGUNA...
Makalipas ang halos limang oras na biyahe ay narating na namin ang destinasyon namin. Ipinasok ni Papa ang kotse sa isang subdivision at huminto sa tapat ng isang two-storey na bahay. Konkreto at halatang may kaya ang nakatira. Natatandaan ko ang bahay na ito kahit twelve years old pa yata ako noong huli akong pumunta dito. Bahay ito ng Tito Enrico ko na kapatid ni Mama. Bunso si Tito Enrico at nag-iisang lalaki. Hiwalay ito sa asawa. Hindi ko alam kung bakit dahil kahit si Mama ay hindi alam kung bakit ito nakipaghiwalay sa asawa. Ang alam ko lang ay dalawa itong anak pero nasa asawa nito na nasa ibang bansa na.
Naunang bumaba si Papa at sumunod naman ako. Tinulungan ko siyang kuhain ang gamit ko sa compartment ng kotse.
"Dito ka muna sa bahay ng Tito Enrico mo. Nakausap na namin siya kahapon ng Mama mo. Sinabi din namin ang totoo at pumayag naman siya."
"Sinabi niyo po kay Tito na..."
"Oo, alam niya. Kaya alam na niya ang gagawin sa'yo. Wala kang magagawa kundi ang sundin ang gusto at batas niya dahil nasa bahay ka niya."
"Papa, talaga bang hindi niyo kayang tanggapin kung ano ako?" Malungkot kong tanong.
Natigilan si Papa. "Ang gusto lang namin ay ang makakabuti sa'yo. Nag-iisa ka lang naming anak. Ikaw ang tumayo sa paa namin, Francis. Sige na, buhatin mo na iyang mga gamit mo."
"Gaano po ako katagal dito?" tanong ko habang naglalakad kami papasok.
"Hanggang sa maging lalaki ka na at mawala ang pagkagusto mo kay Raphael!"
So, mukhang habangbuhay ako dito dahil unang-una, hindi ako magiging tunay na lalaki at pangalawa hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Raphael. Habangbuhay na iyon.
-----***-----
NAKITA ko na naman si Tito Enrico sa terrace at may hawak na picture. Hindi ko pa nakikita ang picture pero alam kong picture iyon ng mga anak at asawa niya. Marahil ay malungkot pa rin si Tito na hiwalay na siya sa mga ito.
Pagkahatid sa akin ni Papa dito ay umalis din siya kaagad. Ikalawang araw ko na sa bahay niya. At sa totoo lang, naiilang pa ako kay Tito. Masyado siyang tahimik, istrikto at seryoso. Palaging malungkot. Isa pa, torture ang nangyayari sa akin dito. Walang Wi-Fi. Walang cellphone at computer. Bawal. Baka daw magkaroon pa ako ng communication kay Raphael. Bawal din ang lumabas ako ng basta-basta. Dapat ay magpapaalam muna ako. Wala din akong pera. Hindi nila ako binibigyan dahil natatakot yata sila na magkaroon ako ng pamasahe pauwi ng Quezon.
Walang araw at oras na hindi ko naiisip si Raphael. Lalo na kapag sa gabi bago ako matulog. Napapaiyak na lang talaga ako sa sobrang pagka-miss sa kanya. Wala naman akong magagawa. Hindi ko masabi kung nasaan ako dahil wala akong contact sa kanya. Manood ng TV lang talaga ang tanging libangan ko dito. Minsan ay nagbabasa rin ako ng books sa mini library ni Tito Enrico. Collection niya pala ang mga libro. Kahit hindi ako mahilig magbasa ay napipilitan akong magbasa para pamatay ng oras. Enjoy din naman lalo na at okay 'yong book na nababasa ko.
BINABASA MO ANG
BRO
RomanceThis is your ultimate BROMANCE experience! SEASON 1: Francis & Raphael (30 chapters/ Completed) #FraPh SEASON 2: Baste & Efren (12 chapters/ Completed) #BasFren SEASON 3: Jak & Marco (18 chapters/ Completed) #JaKCo