Chapter 1: silent call

146 9 0
                                    


''Kent, mangga!'' Exited kong sigaw. Natakam ako ng makita ko ang bunga. Tumingin ako kay Kent at napakamot lang siya sa ulo niya.

''Ang tangkad. 'Di ko kayang akyatin.'' Wika niya. Kita ko naman sa kanya na gusto niyang kunin yung bunga para sa akin pero parang 'di talaga niya kaya ang tangkad nito. ''Ibibili nalang kita.''

''Akyatin ko nalang kaya.'' Nagulat si Kent sa sinabi ko.

''Paano kung mahulog ka?'' Wika niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tiningnan na parang sinasabi ko na 'kilala mo ang isang Erza. At kakaiba siya'. Nag hands up nalang siya bilang pagtanggap ng pagkatalo. ''Okay fine. Nakalimotan ko, ikaw nga pala si Erza. Kakaiba ka.'' Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya.

''Give me a boost.'' Wika ko at agad siyang lumapit sa akin. Tumapak ako sa mga kamay niya at tumayo doon.

''Ahh, ang bigat mo naman.'' Natatawa niyang wika. ''Ang taba mo ahh.''

''Whaaat? Sa kalagayan kong 'to? Mataba pa ako?'' Nag pout ako at bigla naman natawa si Kent sa reaksyon ko. ''Sige ka. Babawasan ko ang kakainin mong mangga.'' Wika ko na maslalo niya ikinatawa.

Tumapak na ako sa sanga ng puno. Pagtayo ko ay agad kong tinaas ang kamay ko at inunat ko 'to upang maabot ang mangga. Pero bago ko 'to mahawakan ang bunga may pumukaw ng pansin ko. Sa mystic woods.

Napatingin ako, este, napatitig ako sa isang makahoy na lugar. Parang may nakita akong 'di ko maipaliwanag. Parang isang aso ata. Ewan ko. Nasa isang puno siya. Naka masid at naka upo lang sa taas ng puno.

Huh, paano naman makakaakyat ang isang aso sa puno. Tska ang punong kinaroroonan ng aso ay napaka taas. Ito ang pinaka mataas na puno doon sa nakikita kong makahoy. Kulay puti na medyo may itim ang aso at nagulat ako ng bigla itong lumingon sa dereksyon ko. Kahit sobrang layo ng kinaroroonan ko nararamdaman ko na sa akin ito napatingin.

''Erza!'' Tawag sa akin ni Kent. Tumingin agad ako sa ibaba. ''Handa na akong sumalo ng bunga.''

''Sige. Sandali lang.'' Wika ko. Ibinalik ko ang paningin ko doon sa aso pero wala na yung asong iyon.

Baka namamalik mata lang ako. 'Di ko na pinansin ang ano pa mang nakita ko kanina. Pumitas nalang ako ng mga mangga at sinasalo naman 'to ni Kent paghinahagis ko pababa.

''Okay na ata 'to.'' Sambit ni Kent mula sa baba. ''Madami na 'to ehh.''

''Okay.'' Sambit ko. Ngumiti ako sa kanya. ''Kent!'' Tawag ko mula dito sa itaas.

''Oh, bakit.'' Tumingin agad siya sa akin.

''MAy isa kapang sasalohin.'' Sambit ko. Kumunot ang noo niya at natawa nanaman ako. Unti unting nagbago ang mukha niya at doon ko nalaman na nagets niya na ang ibig kong sabihin. ''One Erza is coming down.''

Agad siyang naghanda upang salohin ako. Tumalon agad ako. Nasalo niya nga ako pero natumba kami pareho sa lupa. Tumawa kami pareho.

''Hindi ka pa rin nagbabago, Erza.'' Wika niya habang tumatawa. Nakahiga pa rin kami ngayon sa grass at nakatitig sa langit. ''Kakiba ka talaga.''

Natigil ako sa sinabi niya.

Kakaiba? Halos lahat ng mga tao sa lugar namin palaging sinasabihan akong kakaiba. Alam mo yung mga bagay na nagagawa ko ay 'di nila nagagawa. Sometimes i feel different about it. Hindi ko naman kasi ginusto ang ganitong sitwasyon.

''May problema ba?'' Tanong niya sa akin at natigil ako sa pag-iisip.

''Oo, okay lang ako.'' Ngumiti ako sa kanya. ''Pero mas magiging okay kapag tumayo na tayo.''

The Land Of Emorta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon