Owy's POV
Nakita ko yung teacher namin na papunta na ng room kaya naman nagmadali ako na pumunta sa room.
"Ayun may vacant seat pa sa likod" nagmadali akong pumunta dun sabay upo.
"Grabe nakakahingal" sabi ko sabay tingin yung mga classmates kong babae ng malagkit.
"Owy gusto mo punasan ko pawis mo ?"
"Babe gusto mo imassage kita?"
Yan ang mga sinasabi ng mga babae dito. Wala eh pogi ako eh. Ako kaya si Owy Posadas.
"Hi girls, miss me ?" sabi ko dun sa mga classmate kong babae sabay tilian sila.
Napansin ko naman tong katabi ko na nakatingin sa bintana. Parang familiar eh nakatalikod kase sya sabay naka headset.
"Okay class, kung san kayo nakaupo ngayon yan na ang seatplan nyo hanggang matapos ang school year." Sabi ng teacher naming panot. Hahaha
"Ahmm may transferee nga pala tayo dito. Miss Reyes ?"
Irish' POV
" Miss Reyes ?" tawag ng teacher naming panot. Hahaha eh masama kasing magsinungaling diba ?
Tumayo ako at ipinakilala ang sarili ko.
"Hi. My name is Irish Reyes" greet ko sa classmates ko.
"Ui Irish classmate pala tayo" napalingon ako dun sa nagsalita. Badtrip si Owy pala yun -.-
"Badtrip. Kung MINAMALAS ka nga naman oh." sinadya ko talagang iemphasize yung malas. Pero di naman ako naniniwala sa malas. Hahahaha
"Pakipot ka pa eh. Alam ko namang may gusto ka sakin" sabay kindat nya.
"Ang kapal ng mukha mo. Wag mo ko itulad sa mga babae mo na dinadaan mo sa panlalandi mo. May standard ako sa lalaki. Ayoko sa mababang katulad mo." sabi ko sa kanya in a high tone.
"Ms. Reyes what's happening there ?" sabi ng teacher namin. Badtrip kase tong si Owy eh. Paepal.
"Nothing sir." sagot ko nalang.
Hay nakakabadtrip talaga tong Owy na to. -_-Kringgggg. Bell rings.
"Buti naman uwian na." sabi ko sa sarili ko.
"Owyyyyyy!" sigaw ko. Pano ba naman kinuha yung bag ko.
Owy's POV
Maasar nga si Irish. Kinuha ko yung bag nya.
"Owyyyyy!" sigaw nya sabay takbo ako.
"Habulin mo muna ko kung gusto mo makuha tong bag mo" pang aasar ko.
Tumakbo ako papuntang Gym. Hagdan pababa kaya hingal panigarado si Irish.
----------------------------------------
Author's note: Grabe ang bully ni Owy. Hahahaha. Ano kaya mangyayari kay Irish ?Comment kayo guys ano masasabi nyo sa story ?
BINABASA MO ANG
Playboy Meets NBSB
Teen FictionSi Irish Reyes ay kilala na mataray sa Padilla University. Ayaw na ayaw nya sa mga lalaki lalo na ang playboy. Sa pagpasok nya sa Padilla University, makakasalamuha nya ang iba't-ibang uri ng tao. Isa na dito ang pinaka kina aayawan nya na playboy n...