Surprise!!!

79 0 0
                                    

Narinig kong nag alarm ang cellphone ko. Masakit na masakit ang puson ko. I hate this time of the month. I get irrational, emotional and sensitive. Pero kahit gusto ko pa sanang matulog, I have to get up. May bulaga ngayon. Mabilis akong naligo at nag bihis. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina. Naabutan ko ang ate Colleen ko at si Dean na kumakain ng breakfast. Agad akong umupo at sumandok ng sinangag at hotdog.

Napansin kong natigil ang kwetuhan ni ate Colleen at Dean kaya tumingin ako sa kanila.

"May problema ba?" Taka kong tanong sa kanila bago sumubo ng hotdog.

Nakita kong nag tinginan silang dalawa tapos parang nag tuturuan pa. Naintriga naman ako.

"Anyare?" Tapos nagpa lipat lipat ako ng tingin sa kanila.

"Ah..eh.." Sabi ni ate Colleen.

"I..O..U.. o tapos?" Biro ko pero hindi sila tumawa. Kinabahan ako.

"Ano ba kasing meron?" At dinabog ko yung tinidor sa plato ko.

"Meng, nakita mo na ba yung news?" Tanong ni ate Colleen.

"Anong news?" Sabi ko at agad na kinuha yung phone ko sa bag at in-open ang twitter ko.

Sabog ang notifications ko. It's been a while since naging ganito ulit kadami ang notifs ko. Hindi na kasi ganoon ka init ang tambalan namin ni RJ. May mga loyal fans pa din naman pero hindi na katulad nuon. It's been 7 years simula nung aksidenteng mabuo ang loveteam namin.

Agad kong binuksan ang mga naka tag sa aking mga pictures at articles. Kumunot ang noo ko sa nabasa.

'Last Monthsary of AlDub?'

Tapos binasa ko yung article. Sabi dun sa article last Monthsary na daw ng AlDub this coming Saturday and then ia-announce na daw ang paghihiwalay ng love team namin kasunod ng pag la-launch ng bagong love team ni Alden at ng isang baguhan at sikat na sikat na aktres na kakalipat lang sa station namin. Nakaramdam ako ng pang lalamig. May halong katotohanan itong article na ito kasi ilang beses na kaming kinausap ng management at ilang beses na ding kinumbinse na mag pahinga muna sa AlDub at kumuha ng ibang projects at makipag partner muna sa iba. Pero mariin akong tumanggi dahil hindi ko ata makita ang sarili ko na may ka partner na iba aside from RJ, at mas lalong hindi ko kayang makitang may ibang tinitignan at hinahalikan si RJ aside from me.

Nope, we are not in a relationship, but yes, I love him. I love him for 7 years now. And yes, he also loves me, but ONLY as HIS BESTFRIEND. Ang saklap no? Hindi ko nga alam kung bakit nauwi sa unrequited love ang lahat. Buong akala ng EB, buong AlDub nation at pati na din ako e magiging kami, pero hindi ko alam kung anong nangyari. Something got lost in translation along the way and yun nga, nauwi ako sa FRIENDZONE. At hindi na ako nagka lakas pa ng loob na umamin kay Alden ng totoo kong nararamdaman. And it's been 7 long years na one-sided ang love affair namin. Him, thinking that he is just kissing a friend, and me, fantasizing na the kiss was something more. Kaya nga nagsimula ng lumamig ang love team namin. Kasi daw parang wala na yung initial spark and magic. Pero I'm not complaining. Kasi we have done numerous Movies, Shows, Endorsements and Seryes together within that 7 years. The Nation had been good to us, they supported us through it all. Maraming nawala sa nasyon, pero madami pa rin namang naiwan, and yung mga naiwan? They never left us and kept on fighting.

"So, is it true?" Sabi ni Dean na nakapag pabalik sa akin sa hinaharap.

"Ofcourse not. Hindi totoo ang mga articles na ito." I said firmly. Pero parang nararamdaman nilang kulang ang conviction ko.

"Are you sure Meng? Kasi kakaunti na yung mga solid fans nyo, at hindi na din ganoon kataas ang ratings. Unlike before na super trending kayo ni Alden, ngayon, pasulpot sulpot na lang." Sabi ni ate Colleen.

Faith In Fate #AlDub #MaiDenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon