Sawi
By GeniusMonkey
Gusto kong matulog
Utak ko'y nabubugbog
Sa kaiisip ko sa iyo
Salitang binitiwan mo
Ikaw ay biglang lumisan
Lubos akong nasasaktan
Pumatak ang mga luha
Ako pa ay nagmakaawa
Pero ika'y napakalupit
Sinuklian mo ng sakit
Puso ko'y nalulumbay
Sa iyo ito'y inialay
Pero pinaglaruan lang
Ano ba ang pagkukulang
Binigay ko naman lahat
Pero 'di pa rin sapat
Saan ba ako nagkamali
Bakit ngayon ako'y sawi.
BINABASA MO ANG
Poems of a Broken Heart
PoetryA Collection of Sad and Lonely Poems... Poems that would make you relive the Past... Poems that would make you recall you Pains... Poems that would make you realize that... Once in our lives we've experience Sadness... Because we've fallen in Love...