Kanina pa pinag mamasdan ni Batchi si Gem. Ng hindi na ito nakatiis ay nilapitan na nito ang dalaga. "Hoy!" Sigaw nito sabay hampas ng kamay sa table ni Gem. "Kanina ka pa, pangiti ngiti diyan sa cellphone mo ah, sino ba iyang katext mo?" Wika nito.
Napapitlag si Gem, dahil sa ginawa ni Batchi. Pero nag ta-type parin siya sa cellphone niya. 'I miss you too Lablab, see you later', message sent. Pagkapadala ng mensahe ay agad niya itong nilingon. "Ano ba, bakit bigla ka lang nangugulat dyan?"
"Ikaw ha, napapansin ko mula nung bumalik ka galing Tagaytay, naging blooming ka at lagi kang masaya... mag tapat ka nga sa akin, anong nangyari doon ha?" Na iintriga nitong tanong sa kanya.
"Ano, bang pinag sasabi mo Batch. Bumalik ka na nga sa office mo." Sagot niya, sabay kuha sa camera niya.
"Hindi ako babalik sa office ko, hanggat hindi ka nag kekwento sa akin." Tugon nito.
"Wala naman kasi akong ekwekwento eh.." tugon niya.
"Sigurado ka?" Taas kilay nitong tanong.
Hindi siya sumagot. Actually gusto niya naman talaga sabihin dito ang tungkol sa kanila ni Valerie, kaya lang natatakot siya sa magiging reactions nito.
"Alam mo Gem, mag sinungaling kana sa iba, pero sa akin? Di mo magagawa. Mas kilala pa nga yata kita kaysa sa sarili mong pamilya eh." Sabi parin nito ng hindi siya umimik.
Napabuntong hininga siya. Tama ito, makakapag sinungaling nga siya sa iba, pero dito?.. kahit ano pang gawin niyang alibi, hindi ito maniniwala.
"So tell me? Ano ang rason at bakit parang in love ka? Or should I say, sino ang dahilan ng pagiging ganyan mo." Tanong na naman nito.
"Promise me first, na hindi ka mag o-over react?" Tinitigan niya ito.
"Hindi ako mag pra-promise." Sagot nito.
She rolled her eyes well ano pa bang ini expect niya? Hindi niya alam kung bakit naging best friend niya ito gayong hindi sila nag kakasundo pag may pinag uusapan sila. Kaya nga nag dadalawang isip siyang sabihin dito ang relasyon nila ni Valerie, dahil alam niya na ang magiging reactions nito.
"Ano?" Tanong ulit nito.
"Kami na ni..... Valerie." Sagot niya.
++++++++++++++
"Surprise!"
Nabitawan ni Valerie ang susi ng sasakyan niya ng bigla nalang sumulpot si David mula sa likod niya. Akma na sana siyang sasakay sa kotse niya. "D-David?"
Pinulot nito ang susi at iniabot sa kanya. "Hindi halatang na surprise ka Hon." Nakangiting sabi nito. "I miss you so much." Sabi nito sabay halik sa kanya.Napaungol siya at bigla niya itong naitulak ng halikan siya nito sa labi. "Ahmm... akala ko nasa site ka?"
"Yeah... kanina, but I decided na umuwi muna. Ilang araw na din kasi tayong di nag kikita. Don't you miss me?" Malambing nitong pagkakasabi.
"O-of course I miss you too Hon.. nagulat lang ako." Tugon niya.
"So are you free today?" Tanong nito.
"B-bakit?" Tanong niya rin.
"I want to spend this day with you." Sabi nito.
Hindi siya agad nakasagot. Paano na to, plano pa naman nila ni Gem manood ng sine mamaya.
"Hon?"
"Ahmm... yeah.. free ako today." Pilit ang ngiting tugon niya dito. Ite-text niya nalang si Gem mamaya.
++++++++++++++
Napangiwi si Gem sa nakitang reaction sa mukha ni Batchi.
"K-kayo..ni...Valerie?" Gulat na tanong nito.
BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE