Chapter 5

738 10 0
                                    

Excited ba magupdate? Hehehe. :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            “Emma!” tawag ni Eleanor kinabukasan.

            “Good morning Eleanor,”

            Nasa locker kami ngayon at may kinukuha lang akong libro para sa class ko ngayong araw.

            “Nakausap ko na tita ko. Puwede ka na daw magstart ngayon.”

            “Ngayon agad?” Hahaha. “Thank you Eleanor!”

            “Samahan kita mamaya. Yayain na din natin yung iba.”

            “Sige.”

            “Sige na. Kailangan ko ng umalis. Pinapatawag ako ni mam Suiz eh (History teacher namin). Siguro dahil dun sa composition na ginawa ko. Hahaha.”

            Kinuha lang kasi ni Eleanor yung composition niya sa internet. Baka nahalata ni mam. Tsk tsk.

            “Goodluck!”

            Umalis na siya at kinuha ko na ang libro ko sa math at sa biology. Pagtalikod ko may bumangga sakin. Nabitawan ko yung mga libro ko at nahulog. Sa katunayan sa paa ko muna tumama.

            “Ouch!”

            Napaupo ako at hinawakan ang masakit na part ng paa ko.

            “Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang banggain ka.” Yung boses na yun – tumingala ako at nakita kong nakatingin sakin si Nicholas. OMG!

            Umupo siya at kinuha ang mga libro ko. “Wag na.” sabi ko. Triny kong tumayo at sumandal ako sa locker. Argh. Ang sakit ng paa ko.

           Bakit ba kasi sobrang kapal ng libro namin. Ang sakit tuloy.

            “Yung libro ko?” nahihiya kong sinabi.

            Pero hindi niya binibigay yung libro ko. “Hatid na kita sa room mo.”

            Napatingin talaga ako sa kanya? Tama ba yung narinig ko? Ihahatid niya ako sa room ko? Nananaginip nanaman ata ako ah. Pero hindi eh. Andito siya sa harap ko.

            “Hindi na.” bah yang nasabi ko. Pakipot pa ko. Kainis.

            “Sure ka?”

            Ano ba to. Yung puso ko ang bilis ng tibok. Ano ba sasagot ko? Waah!

            “Oo!” napasigaw kong sinabi. Argh. Nakakahiya! “Sorry.” Mahina kong sinabi.

            “Sorry kung nabunggo kita.” Tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sakin. Binalik na niya sakin yung books ko at umalis na siya. Stupid! Pagkakataon ko na para makasama siya kahit ilang minuto lang. Ang stupid ko talaga! Pakipot pa kasi ako. Haist.

            Huminga ako ng malalim at napangiti. At least concerned siya sakin. Wala na akong pakialam kahit na sobrang sakit ng paa ko ngayon at kung weird ako maglakad. At least masaya ako. Kinikilig ako anu ba yan! :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote na lang po kung ngagustuhan. :)

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon