Innocent Hearts 10

10 0 0
                                    

Innocent Hearts 10

Agatha's POV

Nagluto ako ng ulam ngayon. Menudo, pinag-aralan ko pa talaga yan at pinagpaguran ko yan. Nalaman ko kasing birthday ngayon ni Caleb. Tama, di na nerd ang tawag ko sakanya. Sinusuot lang naman nya yung nerd eyeglasses nya kapag nasa school para magbait baitan hahaha.

Medyo close na kami ngayon. Nagtatawagan, and at the same time text na din. Hahaha. Madalas na nga kami magkasama kesa kay Ryan eh. busy kasi yun masyado kay Ann este kay Laura.

"Pssst..." sinutsutan ko si Caleb nung papalabas na sya ng restroom.

Tumingin pa nga sya sa likod nya, ampotek slow talaga ng isang yun hahaha. Tas itinuro nya yung sarili nya.

"Miss, Ako ba?" sabi nya.

"Meron pa ba?" sabi ko naman. Natawa na lang kami pareho. 

Lunch time na kasi kaya naisip ko ding kumain kami ng sabay.

Nauna na kong maglakad sakanya. Binilisan ko pa nga eh pero hinabol nya ko at hinawakan nya yung kamay ko.

>////////////////////////////////////////////<

Tapos ngumiti lang sya sakin. 

Hanubey!!

"Ah, C-caleb... Y-yung k-kamay ko. A-ang init kasi!"

Ngumiti sya sakin tapos mas hinigpitan pa nya ang hawak sa kamay ko. 

Ano ba to?

"Pwede bang ikaw na lang ang matanggap kong regalo sa araw na to? Kahit ngayon lang maging akin ka."

Tinignan ko ang gwapo nyang mukha. Bakit ganun? Parang ang lungkot nung mga labi nya kahit nakangiti sya. Walang bahid ng kasiyahan ang kanyang nararamdaman.

"Sige."

Huminto sya sa paglalakad.

"P-pumapayag ka?" tanong nya. Mukhang di kasi sya makapaniwala eh.

"AHAHAHA. Birthday mu naman d---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nya kong niyakap.

Ang higpit... pero ang sarap sa pakiramdam.

"C-caleb."

Bumitaw na sya sakin nung pagkabanggit ko sa pangalan nya.

"S-sorry." Sabi nya.

Wala na akong ibang maisip na sabihin kaya tumawa na lang ako.

May kakaibang kuryente ang dumadaloy sa katawan ko habang hawak hawak nya ang kamay ko. ano nga bang meron ang lalaking ito na wala sa lahat ng nakakadate ko?

Honestly, this past few weeks I'm cancelling all my appointments, my dates and I'm ignoring them all.

Kuntento na ko sa lalaking kasama ko ngayon.

Kuntento na ko na merong tulad nya ang dumating sa buhay ko.

"Agatha..." natigil na ko sa pagtingin sakanya ng banggititn nya ang pangalan ko.

"Oh?"

"Pasok ka na."

Napatingin ako sa lugar na tinutukoy nya.

Ito yung chapel ng school.

Tinignan ko sya pero wala akong nakuhang sagot. Namumula lang sya at parang malungkot yung aura nya.

"Birthday ko kaya gusto ko munang dumaan tayo sa templo ng Diyos at magpasalamat sa araw na ito." sabi pa nya.

Bakit Caleb? Bakit bigla ka na lang nagiging ganan sakin?

Ngumiti sya sakin... 

Yung ngiting dumurog ng buong pagkatao ko.

Bakit ganun yung pakiramdam?

Pumasok na kami sa chapel ng school.

Nakatingin lang sya sa may altar.

"10 years old ako nung maaksidente ang mga magulang ko. Isang plane crash accident ang tumapos sa buhay nila nung papauwi na sana sila dito galing Japan. Pareho silang doctor kaya naman iniidolo ko sila sa pagtulong nila. SA edad kong yun hindi ko pa naiintindihan ang ibig sabihin ng life at death. Akala ko kapag namatay na ang isang tao wala ng pakialam sakanila ang mga naiwan nila. Hindi pala yun ganun dahil ang buhay ko parang patay na din mula nung mawala sila sakin. Lola ko na lang ang meron ako, sya ang nag-alaga sakin simula nun pero hindi ko alam na kukunin din pala sya sakin. Nabago na ang takbo ng buhay ko simula ng mamatay ang mga magulang ko. Naging mahirap ang buhay namin at ang malala pa, nung dinala yung lola ko sa ospital wala kaming pera. Ilang taon na lang, doctor na sana ako. Iniisip ko nga, bakit di na lang nangyari ang lahat nung doctor na ako. Parang ang unfair ng mga nangyari. Agatha, ngayon din yung araw ng pagkamatay ng mama mo di ba? Alam mo ba kung bakit hindi ko madalas icelebrate ang bday ko? Kasi nung araw na mawala ang magulang ko at at nung araw na naospital ang lola ko ay yung araw kung kailan ako pinanganak."

Pagkasabi nya nun tumulo na lang bigla ang luha ko.

Ngayon nga yung araw na namatay ang Mama ko. B-bakit? Paano nya nalaman? 

Nakalimutan ko yung araw na yun sa pinaka unang pagkakataon. Nawala na lang ito sa isip ko.

"Agatha..." kinilabutan ako nung binanggit nya yung pangalan ko. Pero nawala na lang yun ng biglang...

*ring... ring...

Nagpaalam muna ko sakanya. Si Andreli yung tumatawag sakin.

Caleb's POV

Nakahinga ako ng maluwag nung may tumawag sakanya. Handa na akong sabihin sakanya ang lahat. Tumingin na lang ako sa may altar. Siguro nga may tamang araw at tamang panahon ang inilaan ng Diyos para sa bagay na ito.

Hindi pa siguro ito ng tamang araw para sabihin ko sakanya ang totoo.  

Nagdasal na lang ako na sana maihanda ako ng Diyos sa oras na dumating yung araw na yun.

"Caleb, sorry hindi kita masasamahan ngayon. Hindi ko magagawang espesyal ang birthday mo. Sabay kasi kaming pupunta ni Andreli sa puntod ng Mama eh. Happy birthday na lang."

Ngumiti na lang ako sakanya. 

Expected ko na ito. Kailan ba naging masaya ang birthday ko di ba?

oOo

Maaga akong umuwi. Mga 3 siguro, nagpapakain kasi ako ng mga batang pagala-gala lang sa kalsada twing birthday ko. SIla lang kasi lagi ang available kapag birthday ko.

"Surprise."

Nagulat pa ko nung salubungin ako ng mga bata at bigyan nila ko ng regalo. Regalong di ko inaasahan na pagkakaabalahan nilang gawin para sakin.

"Happy birthday Kuya Caleb. Napag-isipan kasi naming igwa ka ng 'scrapbook' daw ang tawag dyan ni Ate Aleli kaya sana magustuhan mo." sabi ni Buknoy.

Niyakap ko na lang sila. Ang saya ko sobra. Ito na ang pinakamasayang birthday ko sa lahat.

"Dahil birthday ng pinaka gwapo kong kuya, hihipan na nya tong candle. Pero bago yun magwish ka muna." Sabi ni ALeli.

Si Aleli nga pala ang nakababata kong kapatid.  

Tinuring ko na syang totoong kapatid simula nung mamatay yung mga magulang nya.

ANG WISH KO??

Sana mapatawad ako ni Agatha kapag sinabi ko na saknya ang totoo.

Tapos I blow the candle.

Gabi na rin nung umuwi yung mga bata. Nakakapagod din palang mangulit ng mga bata.

Nakatingin lang ako sa may labas ng bintana. Ito na yata ang pinaka masayang birthday na nangyari sa buhay ko.

Salamat sa Diyos dahil ginawa nyang espesyal ang araw na ito.

Tapos bigla bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

Innocent HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon