Bite 6 (=, .. ,=) : Playing Dumb.

176 6 0
                                    

Aaron Hunter POV


-_-


Kanina pa ko kinukulit nitong si Jeremy about dun sa nakita niya at kanina niya pa din ako inaasar sa kanya.Kung hindi lang sana pumasok sa isip kong gumanti sa kanya, hindi naman mangyayari yun eh >-< kainis!


Nakita niya daw na hinalikan ko yung transferee .


Naisip ko lang naman yun para mas matindi ang epekto sa kanya. Kung ako hindi makatulog, siya baka ni hindi makakain, hindi mapakali kakaiisip, at ang malala hindi na makapagconcentrate sa pagaaral dahil sa ginawa ko.


Tamang tama ang ginawa ko dahil gulat na gulat siya, dapat lang dahil ganyang gulat din ang ipinadama niya sakin nung nasa LRT kami. Alam kong hindi paghalik sa labi ang ginawa niya sa kin, pero mainam na tumanim sa isipan niya ang mukha ng taong gumawa niyon sa kanya para maalala niya din kung sino ang binigyan niya ng tanda hindi sa labi kundi sa leeg.


Masaya dahil may pagkakatandaan na siya >:) at hindi puro "sino ka" ang isinasagot niya sa mga tanong ko sa kanya.Maaring hindi niya ako kilala sa pangalan pero matatandaan niya ako ngayon panigurado,dahil siya kahit hindi ko kilala tumatak sakin ang ginawa niya pati na rin ang mukha niya.


TSS kahit naman siguro sino -_- .


"Ron ano na? hindi ka manlang ba magpapaliwanag? Kaya pala ayaw mo sumama samin ni Derek dahil may bago ka na palang prospect HAHA.Well hindi naman kita masisi dahil maganda naman kasi talaga si ICE PRINCESS at kahit bago lang siya, habulin na talaga siya ng mga lalaki HAHA. Kaya din siguro iniwasan mo si Dara dahil sa kanya no? Tsk! Kawawa naman si Dara." madadal na sabi ng kasama kong tsismoso -_-


Hindi nalang ako kumikibo,bahala siya sa gusto niyang isipin dahil wala akong balak ikwento sa kanya simula umpisa kaya ko nagawa yun.


"Ikukwento ko kay Derek kung ano ang nangyari ngayon.Si Aaron na ayaw nilalapitan ng mga babae ay namataan kong hinalikan mismo si Ice Princesss sa loob pa ng campus.Ang gandang headline nun bukas.Ano masasabi mo Ron?"


"Ikwento mo kung ano ang gusto mong ikwento. "


Akala niya naman matatakot ako sa ikukukwento niya -_- tss! Hindi ako apektado kahit pa mangasar sila.


Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, pababa na ako ng biglang may nagsalita.


"Bakit mo siya hinalikan Hunter? Gusto mo ba siya?"


Napatigil ako sa paglalakad at hinarap kung sino yung nagsalita.


"Hehe Hi Dara! " singit na bati ni Jeremy sa kanya.


"Tss!" isa pang tsismosa

Hindi ko nalang din siya pinansin at nagpatuloy nalang uli sa pagbaba sa hagdanan. .


Wala akong paki kung nakita pa niya o kung sino man makakita, ang mahalaga nakaganti na ako.


"Tsk!Tsk! Patay ka Aaron Hunter Lawrence, hindi lang pala ako ang nakakita sayo HAHAHA panigurado lalo kang sisikat pag nalaman ng lahat ang nakita namin ni Dara " habol na sabi sakin ni Jeremy ng maabutan niya ako


"Yan ay kung isa ka sa mga magkakalat. " babalang sabi ko sa kanya habang patuloy na bumababa sa hagdanan.

"Syempre may kapalit ang pananahimik ko." pilyong sabi nito sakin


"Oh edi ipagkalat mo,para tapos na din pagkakaibigan natin ngayon na mismo." pagbabanta ko sa kanya

"Tss..baka magawa mo yan! " bawing sagot naman nito.


"Malamang magagawa ko, sa daldal at kulit mo ba naman sino hindi magsasawa sa ugali mo!" singhal ko sa kanya


"Hehe joke lang sabay nalang tayo umuwi" sabi nito tsaka inakbayan lang ako. Napangiti nalang ako at napailing


"Asan na naman yung kambal mo? " tanung ko sa kanya


"Ayun , naunang umuwi may kailangan daw kasi siyang asikasuhin, kaya hindi muna daw siya magbabar ngayon."


"Ahh.. Oh sige magLLRT na ko, ingat" paalam ko sa kanya


"Geh ingat din"


Naghiwalay na kami ng daan para makauwi.


-.-.-.-.-.-.-.-

Love at first  BITE (=, .. ,=) (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now