Chapter Seven- Pronoia (August 07, 2011)

708K 11.2K 978
                                    

SILVER's POV

Ang totoo, hindi naman talaga dapat ako dadaaan ng Mcdonald's. Our family members, (especially mom) are zealots for real food. We seldom order at fastfoods. Magluluto na lang si mommy o pagtsa-tsagaan ang luto ni dad o ni Ate Poty kesa mag-fastfood.

Napakakulit lang kasi ni Orange gusto pa magpabili ng happy meal. Batang bata pa talaga. Hindi ko alam kung bakit madaming naadik sa happy meal na yan. Madali namang masira.

"Sige na sige na kuya! Iki-kiss kita please!!!!" napaka loud ng batang ito. Grade six na pero isip bata pa rin. Kanina pa niya ako kinukulit.

I'm more than happy that my wheels are back. Windshield is back into its normal 50% film. Medyo iba lang dahil mas mababa ang reflective film-Huper Optik. Blessing in disguise na rin na nasira dahil may rason para mabago ang film at dahil mas makakakita ako sa gabi.

"Sige na kuya! Please! Pano na yung smurfs?!" parang iiyak na si Orange na tinanggal ako sa pagiisip tungkol sa tinted widshield. Kung pwede lang sana gawing 35% yung film , eh di sana mas may privacy ako. Hindi ako masyado pagtitinginan sa parking habang kumakain ako ng malaking burger. 

"Smurfs, still?" Malapit na at medyo mabilis ang pagpapatakbo ko kaya nilagpasan ko na lang. "Ay, sorry."

"AH!" nag-reach out pa si Orange sa bintana ng malagpasan na talaga namin ang fastfood. "No way! Wala na! Kainis naman! Lumagpas na tayo. Wala na ang smurfs ko."

"Tss. Childish.." sabi ni Lemon.

"Bata pa naman talaga ako ah. Ikaw kasi nagpapanggap kang matanda. Pa-mature!"

Lemon just shrugged.

Magkaibang-magkaiba talaga yung dalawa kong kapatid. Kahit identical twins, malalaman at malalaman mo pa rin sa kilos at galaw. Sa pagsasalita kung sino ang sino.

"Daya mo naman kuya eh. Ayoko na sa'yo."

"Orange."

"Hwag na hwag mo na akong lalambingin kuya. There'll be no free kisses anymore. No more free hugs! Hwag na hwag mo na rin--"

"Oo na oo na. Haha." talaga 'tong si Orange. Alam naman niyang hindi pwede yun. Hindi nila ilam pero sila pa ring dalawa ang baby namin sa bahay. Our baby girls. Them. Sila na lang ang nagpapaliwanag ng monotonous life.

Sakto naman ang pagbawi ko ng desisyon dahil may pinakamalapit na U-Turn at bumalik kami sa McDo.

"Drive thru na lang Orange ah, baka ma-late tay--" niyakap niya na agad ako. "Get back there and buckle up!" ang sarap pagalitan eh. Mabuti gustong-gusto ko naman ang mga yakap ng mga kapatid ko.

"YAY YAY!!!! Gusto ko yung Smurfette Haircare ah! Yun na lang talaga yung kulang ko eh. Baka kasi magtapos na ang smurfs season, ma-miss ko ang chance na ma-complete ang collection. I need to take a picture of this!" nilabas niya ang digicam na namana niya pa sa'kin.

Kahit may smart phone na siya, lagi niya pa ring dinadala yun. 

"You kept it."

"Kuya... 'di mo ba natatandaan? You made me promise to keep it."

I did?


Did I just repressed the memory of it kaya parang hindi ko matandaan?

"Kuya?! Hello? Ikaw? May bibilhin ka ba?" sabi ni Orange at halatang tapos na silang mag-order.

"Anything else, sir?" sabi ng boses sa drive thru. "Breakfast?"

Napagisip tuloy ako. Breakfast? Nagbreakfast na ako eh.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Where stories live. Discover now