Tagos sa puso ko ang nararamdaman niya, hindi dahil sa naramdaman kong sampal mula sakanya kundi kitang-kita ko sa mga mata niya ang hapdi at sakit na nararamdaman niya.
Parang sirang plaka ang paulit-ulit sa isipan ko kung paano niya ako sampalin at kung gaano kasakit mula sa boses niyang marinig ang hinanakit niya dahil all along, nag-assume siya na I like her.
Umiling-iling ako. I feel guilty. Pakiramdam ko ako yung nanakit sakanya. Oo, playboy ako pero taena! Hindi naman ako yung taong nananakit ng damdamin ng ibang tao. Yung mga naging flings ko, alam naman nilang fling-fling lang ang namamagitan samin. Pero si Ayah? Bakit kailangang masaktan dahil sakin?
BEEEP! BEEEP!
I'm on my way to Ryan's house. Kailangan naming mag-usap. Bakit kailangan niyang aminin yun kay Ayah sa katauhan ko? Pwede naman niyang sabihin yun nang harap-harapan! Gamitin ba naman ang gwapong Austin! Tss!
*
BOOGSH!
Wow! Yun agad ang salubong sakin ng bestfriend ko! Akala ko pa naman bumalik siya dito para iabot sa akin ang nakalimutan niyang pasalubong galing CamSur. Ano bang problema niya? Teka.. hindi kaya da---
"Taena naman! Bakit kasi napaka-discrete mo? Ilang beses na kitang sinabihang napaka-torpe mo but you insist you're not! I just like Ayah, I just like Ayah! Tapos ngayon, ang alam niya ako ang may gusto sakanya! Ang malupit pa don tol! Ayah likes me too!"bulyaw sakin ni Austin habang hindi pa din ako bumabangon. Nakatungkod pa rin ako sa sahig habang pinupunasan ang gilid ng labi kong may bahid ng kaunting dugo. Teka anong sabi niya? Gusto siya ni Ayah?
"Tumayo ka nga jan! Parang hindi ka lalaki e!" at inilalayan na niya akong makatayo. Pinaharap niya ako sakanya at nagpatuloy, "Paano na'to? Paano mo sasabihing ikaw ang katext niya? Sa tingin mo magugustuhan ka pa ba niya kung AKO naman ang gusto niya?" mahinahong sabi niya sa akin. Ang huling tanong niya ang pilit kong inaabsorb sa utak ko. Magugustuhan pa ba niya ako kung katauhan ni Austin pala ang gusto niya? O hanggang crush lang talaga?
Napayuko lang ako sa tinanong niya sa akin. "Kakausapin ko siya. Kung ikaw talaga ang gusto niya, wala na akong magagawa."
Inakbayan ako ni Austin at nagsalita, "Bro, sana nga this time makausap mo na siya. Teka, ano ba kasing mga napag-usapan niyo?" bigla niyang tanong nang may pagtataka.
At iyon nga, kinuwento ko na lahat ng pinag-usapan namin sa text simula nung maiwan niya ang phone niya hanggang sa kinuha nya iyon sakin. Kinuwento niya rin naman ang mga napag-usapan nila sa text. Pinakita rin niya sakin yung huling text ni Ayah na babasahin ko sana nung parating na si Austin. Kung binasa ko pala yun at ako ang nagreply, baka sinabi ko na ang totoo.
Umupo kami sa couch at nag-usap pa nang masinsinan. Wala akong masabi sa kinuwento niya sa akin nung magkatext sila. Siguro nga, siya ang gusto ni Ayah at wala na akong pag-asa pa roon.
Katahimikan.
Siya ang unang bumasag sa katahimikan, malamang siya ang madaldal sa aming dalawa, "Bro, sa tingin mo ano ang nagustuhan sa akin ni Ayah?" tanong niya. Napatingin ako sakanya at ngumiti. Iba ka kasi sakin, Austin. Madali lang para sayo ang makipag-usap sa mga babae. Tama ka, torpe nga siguro ako. Saisip ko. Nais ko man yun sabihin ngunit..
"Playboy ka daw kasi!" biro ko sakanya at bahagya pa akong tumawa na siyang kinagulat pa niya. "Hoy, Ardie! Tatawa-tawa ka jan! Seryoso ako! Sa tingin mo ano nga kaya?" muli niyang tanong sakin. Iyon nga, iba ka sakin!
BINABASA MO ANG
Chasing Chats (Short Story - Complete)
Teen FictionThis is the short story of Ayah & Ryan of "His Bridgette"