"Mads, call me when you got home, alright?"
Tumango ako sayo. Who would've thought that the cold-hearted heartthrob would fall for me?
Nung una, pinapangarap lang kita. Tipong kapag nasa malayo ka, hanggang tingin lang. Kapag malapit ka na, kunwari hindi kita napapansin at kapag wala ka naman, do'n na kita pinagpapantasyahan.
But fate is very playful. Pinagtagpo niya tayo. I still remember when you grabbed my hand and dragged me in the quadrangle.
"Do you see this girl right beside me?"
Nag-yes ang lahat ng tao. Syempre, sikat ka kaya maraming sumusubaybay.
"This is the girl who caught my heart and anyone who'll hurt her will be dead. Understood?"
Nung una natulala ako. Baka kasi pinagtitripan mo lang ako. Sino ba naman ako diba? Isang babaeng walang pakialam sa iba, minsan lang magsalita, at boyish manamit.
"And don't you dare court her 'coz she is mine."
Sabi mo pa. Nagbulungan naman ang mga tao. Pinaalis mo na sila at naiwan tayong dalawa kasama ang mga kaibigan mo.
"Are you on drugs?"
Pagtatanong ko sayo. Sabog ka yata eh. Mukhang wala ka sa sarili. Nagulat ako nung bigla kayong tumawa. Nababaliw na ba kayo?
"Maddie, I thought you're intelligent? Don't you get it? I'm going to court you."
Sabi mo sa pilyong boses. Nasan na ang malamig mong boses? Tipong isang salita mo pa lang, mapapasunod mo na ang lahat.
"Pinagtitripan niyo ba ako?"
"No. I'll never do that."
Ayan na naman ang malamig mong boses. Para kang nagbabanta at kailangan naming matakot.
"Okay."
"Okay?"
"Ano bang gusto mong sabihin ko?"
Ngumisi ka lang sa akin at bigla mo akong nilapitan. Nagtawanan naman ang mga kabarkada mo nang umatras ako. Kahit naman gusto kita, hindi ako magpapa-easy to get sa'yo. Babae pa rin ako kahit hindi masyadong halata. Tss.
"Get out."
Sabi mo sa mga kabarkada mo. Aalis na din sana ako nang hawakan mo na naman ang kamay ko para pigilan ako. Oo, kamay talaga. At ayan na naman ang kuryenteng nararamdaman ko. Hays.
"I'm going to say this to you and I will never repeat myself. I am going to court you and I'm not making fun of you. Do you get me?"
Tinignan lamang kita at tinignan mo din ako. Ayan na naman yang mga titig mong tumutunaw ng kalamnan ko.
"Now, let's go to your room and as far as I can remember, you still have your classes after five minutes."
Pati schedule ko alam mo. Sino ka ba talaga? Bakit mo ba ako liligawan? Hindi ko alam kung pinagtitripan mo ako o ano eh.
Pero nung tinotoo mo ang panliligaw sa akin, sinagot din kita. Naalala ko pa nung nagsisigaw ka sa quadrangle at binuhat mo pa ako pataas. Tawang-tawa ako sayo no'n. Para kang batang binigyan ng maraming candy.
Ngayon, iyan yung sinabi mo. Hindi mo ako mahahatid dahil may basketball practice kayo. Team captain ka kasi kaya kailangan ka do'n.
Mag-isa aking umuwi at nang makarating sa bahay ay tinawagan kita. Nagriring lang. Hindi mo sinasagot. Tinawagan ulit kita, hindi mo ulit sinasagot. Naka-silent siguro. Kaya tinext na lang kita.
"Hey, got home. Take care :)"
Click send. Kinabukasan, pumasok na naman ako sa school. Hindi mo ako sinundo. Busy ka siguro. Malapit na kasi ang intramurals kaya todo practice kayo.
Nagsimula na ang klase at excuse lahat ng players. Nagconcentrate nalang ako at hindi ka muna inisip. Nadi-distract kasi ako sayo.
Nagbreak na't wala ka pa rin kaya sinubukan kong pumunta sa gym kung saan kayo nagpapractice. Nagulat ako sa inabutan ko.
Ikaw at ang ka-team mo. Nagsusuntukan kayo.
"Dash!"
Pagsigaw ko sa pangalan mo. Napalingon ka kaya nasuntok ka ng ka-team mo. Napano ba kayo? Lumapit ako sa inyo at pumagitna. Dinuro ka ng ka-team mo.
"Wag na 'wag mo akong pipigilan, Alvarez!"
At umalis na yung ka-team mo. Hinila kita sa sulok at kinausap kita.
"Anong nangyari?"
"He provoked me."
"I want you to tell it to me, detailed."
Sinabi mo nga sa akin ang dahilan. Para kang batang nagsusbong sa nanay. Sinabi mo pa sa akin na binabastos niya ako kaya ka napaaway. Pinagtanggol mo 'ko. Napangiti na naman ako.
Pinagsabihan lang kita noon at sinunod mo naman ako. Biglang dumating ang coach niyo at sinabing balik kayo sa practice niyo. Hinalikan mo muna ako sa noo bago ako umalis. Napangiti na naman ako. Ang sweet mo. Sino ba namang mag-aakala na ang isang Dashiel Alvarez ay magkakagusto sa akin?
Nagpatuloy ang klase at nang mag-uwian na, nakita kitang naghihintay sa labas ng room. Nakita mo ako at bigla mo akong nginitian. Mga ngiti mong nakamamatay. Hays.
Sabay tayong naglakad. Hinawakan mo ang kamay ko at binitbit ang bag ko. Natawa ako bigla sa iyo. Yung hitsura mo kasi. Ang gwapo mo tapos may dala kang bag na pambabae. Napailing nalang ako habang may ngiti sa labi.
Nang makarating sa bahay, pinaharap mo ako sayo.
"I'm sorry I didn't make it up to you yesterday. I was busy that time."
"Okay lang."
Ngumiti ka. Ayan na naman yang ngiting yan. Nawawala tuloy yung mga mata mo. Niyakap mo ako at hinalikan na naman sa noo.
"Pasok ka na." Sabi mo.
"Ingat." Sabi ko sayo.
Nang makapasok sa bahay, nakita ko si mama na naghihintay sa may sala.
"Si Dash ba iyon?"
"Opo."
"Bakit hindi siya pumasok?"
"Bumalik po siya sa school. May practice pa sila. Hinatid niya lang po ako."
Ngumiti si mama sa akin at pinaakyat na ako sa kwarto. Hindi ko inaakalang magiging ganito tayo. Ang sweet mo sa akin. Hinahatid mo pa ako. Hinahalikan. Niyayakap. Ang sarap sa pakiramdam.
Itetext sana kita nang biglang ---
'Maddie! Gising na! Papasok ka pa! Tama na 'yang pantasya!'
Napabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ni mama. Nagising ako bigla. Tinignan ko ang cellphone ko. Wala pala akong number mo. Wala din tayong conversation sa isa't-isa. Ako'y napabuntong-hininga. Panaginip lang pala.
-fin-