Chapter 6

45 7 0
                                    

Romina's POV

Hindi na namin tinapos yung program , nag attendance lang kami tsaka namasyal sa luneta, nakakailang kasi yung mga trip nila kanina. Nadagdagan pa nga yun nung dumating yung dalawa.

Si Angel, hinatid ng daddy niya. Si Mich, nag paalam na dun sa pinsan niya na samin sasabay ng uwi. Medyo masama parin yung panahon, maputik nga eh, lagi akong muntik madulas.

Pero kahit may ambon ambon pa rin. Hindi pa rin nila pinalagpas yung pag kakataon para mag karoon ng memories. Ayun, picture picture pa.

Nung nag sawa sila, kumain at namasyal pa kami sa malapit na mall. Nagkukulitan sila, ako naman awkward pa rin, panu ba naman, kahit joke lang yun, hinawakan niya pa rin ako. huhuhu.

Tahimik at pangiti ngiti lang ako all the time, minsan, nakikijoke din, pero hindi talaga ako tumatabi kay Raizen.

Nakakailang talaga, oo, medyo may pag ka OA ha, may pag ka maria clara ang peg, hindi talaga mawala sa isip ko eh.

Medyo naiilang na rin siguro siya sakin kasi nilalayuan ko siya, buti na lang hindi napansin nung tatlo na ganun yung ginagawa ko.

"Natuyuan na ko ng damit, uwi na kaya tayo, baka mag kasakit tayo niyan." sabi ni Krizzy.

"Sige, napapagod na rin ako eh," si Mich.

Marami kaming kasabayan umuwi, mga estudyante din na galing sa program kanina, kaya heto pahirapan nanaman ang pag sakay, laging puno.

Nung nakasakay naman kami, nasira ni Raizen yung payong ko, panu naman kasi pinaglalaruan, napilitan tuloy silang ihatid ako hanggang bahay namin.

At nung nakauwi ako, ako tuloy yung napagalitan, huhu hayaan na nga. Over all , nag enjoy din naman ako.

~~~

Medyo nag ka ilangan na kami sa personal ni Raizen, medyo lumayo siya, pero lagi pa rin kaming mag katext, lagi pa rin namin siya kasama, at lagi pa rin may biruan.

Ilang linggo na akong late matulog, hindi dahil sa kanunuod ng anime o kalalaro ng tetris, naadik na rin ako sa kakatext! . May mga classmates kasi ako na hindi ko naman nakakausap ng personal, o hindi naman kami close sa personal, pero game na game ang kwentuhan sa text, hindi kasi nakakahiya.

*text message recieved

~~~

from: classmate Jeric Mendiola

snong gising pa? (heto ang halimbawa ng taong hindi ko naman talaga madalas na makausap sa room; mareplayan nga)

reply ko: ako gising pa.

jeric: bakit? di ka ba makatulog?

ako: oo may insomia na yata ako.

jeric: ah, hahaha lagi kang nag pupuyat noh

ako: hindi, lately lang. yung nauso ang cellphone sakin, tsaka mag paload, tsaka textmate, ayun.

jeric: ahh, hahaha ganun? uhh, pwedeng mag tanong ?

ako: oo naman sige, basta wag lang math. tsaka mag tatanong din ako pag tapos mo.

jeric: hahaha oo hindi math. kahit ano pwede mong itanong. (kanina pa may hahaha yan, maligalig si boy)

from jeric ulit: may crush ka ba sa mga classmates natin o kahit sa ibang section? pwede bang malaman kung sino?( hala, nagulat ako sa text niya, ano to FC? haha jokjok . pero mas nagulat ako sa sagot na rumihistro sa utak ko, yung mukha niya)

jeric: uy, di ka na nag reply.

ako: ay sorry, wala naman bakit? ikaw ha, chizmiz pa. ( wala naman talaga eh, pustahan tayo pipilitin ako niyan)

jeric: di nga? yung totoo nga? wala talaga?

ako: oo nga! ay sus! dati meron si Yahiro, pero hello way back in 1st year pa yun, ngayon hindi na , wala na talaga. ( hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung lalaking epal, harujusko wag mong sabihing. . .)

jeric: ganun . panu kapag. . . (ang tagal nung kasunod)

ako: huy! anung kapag?

jeric: kapag, may nanligaw sayo na classmate natin, anong gagawin mo? (hmmm)

ako: depende siguro.

jeric: anong depende? panong depende?

ako: depende, basta depende, ewan ko din eh, ano bang malay ko jan, tsaka may boyfriend na ako.

jeric: ha??? sino?? classmate ba natin??

ako: hahahaha hindi! boyfriend ko si Usui! , wag mong sasabihin kay jemma, boyfriend niya din daw yun. (oo, anime yan; wala na rin talaga kasi akong masagot)

jeric: hahaha kala ko naman kung sino.

ako: hoy ! ako naman mag tatanong ah? Ikaw sinong crush mo.? ( ang tagal ulit mag reply)

ako: ano na? makakatulog ako sa tagal mong mag reply.

jeric: hahaha, gaya gaya ng tanong, marami akong crush eh.

ako: wow ha, osige iibahin ko na lang yung tanong ko. Sino na lang yung mga gusto mong maging girlfriend, sa mga classmates lang natin ha?? Top 5. least to greatest ha. Yung top 1 yung pinaka gusto mo.

jeric: Top 5 Chynthia

Top 4 Rachel

Top 3 Jemma

Top 2 Joyce

ako: hahaha, sumbong kita kay jemma! yii~~ teka, sino yung top 1?

jeric: basta, malalaman mo rin.

ako: dali na, ang daya,

jeric: hahaha, malalaman mo din naman, Siya yung Ultimate Crush ko na gusto kong ligawan.

ako: taray ng ultimate, sige na nga, matutulog na ako antok na. pag yan di ko nalaman ha,

jeric: malalaman mo nga, hahaha, goodnyt na. Thank you!

ako: goodnyt. thankyou din.

~~

after nun, nag ready na akong matulog, tinignan ko yung phone ko for the last time bago matulog,

may message galing kay Jeric: sweetdreams ^^ see you bukas !

tapos yung iba mga gm na ,

Taray ni Raizen, wala atang load. Hindi nag text eh, . .

teka bakit ko ba inaasahang mag text yun. . . makatulog na nga!

.

.

.

omogod! d ako makatulog! gara talaga kanina lang inaantok na ako eh! hindi ako mapakali, kinuha ko yung phone ko at itetext ko sana si Raizen ng marealize ko kung ano yung ginagawa ko. . . gagawin pala.

OHHOHOmayGhad talaga, Confirmed!, crush ko na nga siya.

~~~~~~~~




So This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon