Jane Story

77 4 3
                                    

Tita Ditas POV

"Alam mo napaka masayahin bata yan si Jane, menopause baby siya ng kapatid ko, only child siya. Ang bahay na ito ay napakatahimik noon pero ng dumating si Jane nabuhay ang bahay na ito dahil sa kanya. Napaka kalog, napaka bait, napaka malambing na bata kaya naman yung iba inaabuso si Jane, madalas nabubully siya sa school dahil sa itsura niya at pananamit pero pinababayaan niya na lang ito. Napaka conservative kasi ng parents ni Jane kaya ganyan ang suot niya, balot na balot madalas pagtawanan sa school. Pero sa kabila nun wala kang makikita sa kaniyang galit, still proud kung ano itsura niya."

"Ganun naman pala Tita bakit nag major make over pa siya at nagpasurgery? Cute naman siya!" tanong ni Harry.

Hindi sinagot ni Tita Ditas ang tanong na yun malungkot lang na tumingin sa kanya.

"May masama po bang nangyari?" nagaalangan tanong ni Harry.

"Alam mo iho minsan nagtatanong din ako kung bakit sa kabila ng bait ng batang si Jane, maranasan niya ang sunod-sunod na delubyo sa buhay niya."

"Ganun po?" gulat na sabi ni Harry.

"Inatake sa puso ang Daddy ni Jane nang minsan pumunta sa school para suportahan ang declamation niya. Pero sadyang mapanghusga ang mga tao, hindi matanggap ng Daddy niya ang nararanasan na pambubully sa anak na dun niya lang nalaman. Dinibdib ng Daddy niya ang kalagayan ni Jane ng husto, hanggang sa inatake sa puso at namatay."

"Ano ba namang pesteng pumasok sa bahay na ito pati kapatid ko masyado niyang dinamdam ang biglaang pagkamatay ng asawa niya after two days lang di pa nalilibing ang Daddy ni Jane siya naman ang sumunod, atake sa puso rin."

"Sa edad na 14 anyos simula nung maulila si Jane ako na nagalaga sa kanya at ako'y biyuda naman wala akong naging anak kaya si Jane na yun tinuring kong anak."

"After mawala ng mga magulang niya dun ko nakita na unti-unting nagbago ang ugali niya. Lagi na lang tahimik at hindi mo pwedeng kausapin. Feeling ko nga noon gaganti siya sa mga taong umabuso sa kaniya pero hindi niya ginawa yun nakita kong mabuting tao pa rin siya."

"Pero sinunog niya lahat ang mga alaala niya nung bata siya ultimong mga damit na binigay sa kanya ng mga magulang niya sinunog. Kitang-kita ko na hinahanap niya ang sarili niya kung sino siya kung pano siya tatanggapin ng mga tao sa paligid niya."

"Lahat ng payo namin at mga kaibigan niya ay hindi nagkulang para paalalahanan siya."

"Hanggang sa kami ay nag grocery sa North Edsa SM Mall. Takang- taka siya sa dami ng tao at ang iingay na hindi magkaugaga. Yun ang unang pagkakataong makita ka niya, nagsimula muli siyang ngumiti nung makita ka niyang nagshow sa stage. Gustong-gusto niya ang nangyayari sa iyo na mahal na mahal ka ng maraming tao. Ilan sandali pa nakita ko tumitili na rin siya at mangiyak-iyak ng makita ka ng malapitan."

"Doon na nagumpisa ang lahat ng pagkahumaling niya sa iyo. Napupuyat siya gabi-gabi at sinusubaybayan lahat ng galaw mo kahit san ka magpunta. Hindi ko na siya mapigilan sa pagkaobsess sa iyo nung mga panahon na iyon. Dahil nakita kong bumalik ang dating si Jane na masiyahin at ikaw ang tanging nag-iisang inspirasyon niya."

"Bumalik nga ang dating si Jane pero nagiba na ang paraan ng pananamit niya. Gusto niya mapunta sa mundong ginagalawan mo na para sa kanya ay perfecto at walang pangit."

"Hanggang sa hindi ko na rin kilala kung sino na ang malalapit niyang kaibigang nakikilala niya lang sa pag-attend ng mga show mo. Hindi na rin ganun ka open sa akin si Jane sa kung ano na ang mga nangyayari sa kanya. Ako na lang ang nakabisto na may kasintahan na pala siya si Joseph. Idol na idol ka ni Joseph kaya siguro naging sila, halos lahat ng pinag-uusapan nila ay laging tungkol sa iyo. Mabait na bata yun si Joseph never nagselos sa iyo kahit binubuo ni Jane ang koleksyon niya, todo suporta lang siya kay Jane dahil pareho silang ikaw ang idolo nila.

My Campus Crush PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon