The Beginning

45K 1K 53
                                    

All right Reserved

Date Started: June 30, 2013

Date Ended: March 22, 2014

This story is a work of fiction. Any resemblance to real people, living or dead, events, places and other stories are coincdental. No part of this story may be copied or reproduces in any form.


VERSION2022

___________________________________________

"GISING NA COLEEN! IKAW NA LANG SA ATIN ANG HINDI PA NAKALIGO" sabi niya habang yinuyugyog ako

"agggh. Mamaya na. Wala pa naman tayong klase eh" sabi ko sabay baon ng mukha ko sa unan.

"Duh! Monday ngayon no. At isa pa marami ng boys ang nakapila dun sa labas. Para lang maisundo tayo"

"Wala akong pakealam sakanila" sabi ko habang naka baon pa rin ang mukha ko sa unan

"sige ka. Kapag hindi ka pa bumangon jan ipapakita ko sa internet itong picture mo." pag banta pa niya kaya napabangon ako ng wala sa oras.

"oh sa wakas na gising na rin kita. Sige baba na ako. Pagkatapos mong maligo baba ka narin." Xyla sabay labas ng kwarto ko

nakalimutan ko palang magpakilala sainyo. Ako nga pala si Coleen Robles 18 years old. Senior highschool nag aaral sa East High

Nasa iisang bahay kami nina Xyla,Patricia at Nikki nakatira mga kaibigan ko. Dahil ang mga parents namin ay busy sa kanikanilang mga trabaho. Wala na silang oras para sa amin tsaka boring kaya mag isa sa bahay . Ang laki laki ng bahay tapos ako lang ang mag isang nakatira dun. Kaya naisipan namin na manirahan na lang sa iisang bahay mabuti na lang at pumayag ang mga magulang namin.

Mabait ako sa mga babae pero sa mga lalaki? Ewan ko lang. Sino ba ang mag aakala na isa akong playgirl pero isa rin akong man hater. Pano naman kasi gusto kong mahanap ang lalaking para sa akin pero ang lahat na naging boyfriend ko ay puro mga MANYAK!!!! Ang gusto lang nila sakin ay ang maikama ako. They want me as their trophy girl sa mga kaibigan nila.

kaya ayun puro sapak ang nakukuha nila sa akin.

May deal kaming apat na mag kakaibigan na kung sino ang may pinakamaraming boyfriend bago makagraduate kami ng senior high ay bibigyan namin ng trip to any country for 1 month. Pero may kundisyon na hindi namin sila pwedeng halikan sa lips okay lang kung sa cheeks.

At malaki ang tiwala ko na ako ang mananalo sa deal na ito. Hello isang man hater kaya ako.

Bumangon ako tsaka inayos muna ang aking higaan bago tuluyang pumuasok sa banyo para makaligo na at baka mapagalitan na nila ako dahil sa tagal kong bumaba.

~ ~ ~*Nikki's Pov*~ ~ ~

"what to wear? What to wear?" natataranta kong sabi sabay tapon ng mga damit ko sa kama

"Oh akala ko naka ayos kana. Eh bakit naka bathrobe ka parin at anong nangyayari dito ba't ang kalat" sermon sa akin ni Patricia sabay dampot ng damit ko na naitapon ko malapit sa pinto

"eeehhh. Wala na akong damit" reklamo ko

"Walang damit? Tingnan mo nga ang kwarto mo hindi na madaan kasi puro damit mo na lang" Patricia

"na gamit ko na yan lahat eh"

"so ano hindi mo na kayang gamitin yan dahil na gamit mo na?" habang naka cross arms pa

"Oo" sabi ko habang nag hahanap pa rin ng damit

Gosh!! Ano na ang susuotin ko?

"Nikki" tawag sakin ni Patricia kaya naman napatingin ako sakanya

"eto gamitin mo." sabay hagis sakin ng isang black dress. Mabuti at nasalo ko yun "Wag ka nang mag reklamo. Mag bihis kana baka malelate pa tayo" sabi niya at lumabas na sa kwarto ko

hmmmm.Nice choice. yan na lang ang nasabi ko ng nakita ko ang damit na binigay sa akin ni Patricia

Hi everyone my name is Nikki Ferrer. I love shopping. Collecting boys is my hobby because without boys I cant buy everything I want

bestfriend ko sina Xyla,Coleen at Patricia. Nakatira kami sa iisang bubong. At nag aaral kami sa East High

May deal kaming apat na kung sino ang may pinakamaraming boyfriend ay bibigyan namin ng trip to any country for 1 month. Pero dapat hindi namin sila halikan sa lips okay lang naman sa cheeks.

At pakiramdam ko ako ang mananalo dito. Sa ganda ng mukha at katawan kong to.
Nang matapos na akong makapag bihis at lagay ng light make up sa mukha ay bumaba na rin ako.

Nakita ko na sila naka upo sa dinning table namin kumakain ng breakfast. Umupo ako sa tabi ni Xyla na masayang kumakain ng pancake

Pero nung napatingin ako kay Coleen ay napansin kong hindi maganda yung gising niya.

"Coleen anong mukha yan?" tanong ko sakanya pero imbis sumagot siya ay tiningnan niya lang ng masama si Xyla
Sinulyapan ko rin si Xyla pero parang wala lang siyang alam sa mundo. Ang lapad ng ngiti niya oh! Abot hanggang langit

"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin? Wala akong ginagawa sakanya" pag dipensa niya sakanyang sarili nung napansin niyang nag tagal ang titig ko sakanya

"Wala? eh ang sabi mo kanina pa sila nag hihintay sakin. Pero anong napala ko ng bumaba ako dito? Walang ni isa pa sakanila ang nandito. Tapos tinakot mo pa ako" galit na sabi ni Coleen

Ihahagis pa niya sana kay Xyla ang hawak niyang tinidor mabuti na lang at napigilan ko yun.

"Hep hep hep!! wag mag away. Nasa harap tayo ng pagkain"

"tsssk" ang nasabi niya lang at sinimulan ulit ang pagkain.

"Patricia hindi ka ba kakain?" tanong ni Xyla sakanya

"kumakain na ako no" sagot niya sabay pakita ng pagkain niya nakatago pala sa libro na binabasa niya

After 30 mins

"Okay alis na tayo?" masiglang tanong sa amin ni Xyla

"Okay I'm so excited. Marami bang boys sa labas?" tanong ko sakanila sabay palakpak

"Syempre naman no." Xyla

"Ang mag bibigay sa akin ngayon ng damit ay sakanya ako sasabay" sabi ko

"Ang mag bibigay sa akin ng magandang novel" Patricia

"Ang mag bibigay sa akin ng isang galong rocky road ice cream"Xyla

"Ang papayag na masapak ko" Coleen. As expected from her. Napakasadista niya no. Sayang ang ganda niya pa sana

Ganito kami parati sa tuwing lalabas na kami ng bahay. Kung sino man sakanila ang magtugma sa binanggit namin ay sakanila kami sasabay. Pero kung wala naman ay sa van namin kami sasakay papuntang school


Ayos diba? Itry niyo kaya ^___^

"Nikki ito oh tanggapin mo" sabi ng isabg guy pagkalabas namin ng bahay sa akin sabay abot ng shoes

"Naah! I don't need it" pag tanggi ko sabay sulyap sa mga hawak ng iba pang lalaki

"Eto Nikki oh"sabay abot ng Iphone5s pero umiling lang ako

"Eto perfume from Italy" sabi naman ng isa pero umiling ulit ako.

"Eto dress for you my Princess" sabi ng isa tsaka kumindat pa.

Huminto ako para harapin siya at tingnan yung dress na hawak niya. It was black polka dot wrap dress.

"Thank you." nakangiti kong sabi sabay abot ng dress "lets go?" anyaya ko. The guy smiled then I felt his hand on my waist slightly guiding me to his car.



Habang nag lalakad nakikita ko na rin na may napili na ang mga kaibigan ko sa mga lalaking nag hintay dito sa labas ng bahay.

Si Xyla inumpisahan niya ng kainin ang rocky road ice cream na bigay sakanya

Si Coleen ayun may black eye na yung lalaki. Sayang pogi pa naman sana.

Si Patricia imbes sa lalaki ay nasa librong natanggap ang buong atensyon niya.


|East High|

*3rd Person Pov*

Nag sidatingan na ang magkaibigan kasabay ng mga lalaking napili nila ngayong araw sa school.

Pagpark ng kotse ay agad na bumaba ang lalaking kasama ni Xyla para pagbuksan siya ng pinto.

Si Coleen pagkapark ng kasama niya ng koste ay agad bumaba at nilakasan pa niya ang pag sara ng pinto.

Si Nikki naman ayun nakakapit sa braso ng guy at alam mong excited ito sakanilang date mamaya.

Si Patricia naman ayun nakayuko parin at patuloy ang pagbabasa niya ng libro na hindi pinapansin ang kadate niya ngayong araw.



~ ~ ~*Patricia's Pov*~ ~ ~

Habang masaya kaming nag uusap malapit sa main building may biglang sumulpot na apat na sportscar. Agad namang nag sitakbuhan ang mga babaeng estudyante papunta sa bagong dating.

Anong nangyari? tanong ko sa sarili ko sabay tingin sa mga babaeng nag wawala.

"Tara na" pag aya ng kasama ni Xyla sa amin "Hatid na namin kayo sa klase niyo"

Kaya naman imbes na bigyan pansin ang mga bagong dating. Kami ay mas piniling pumasok na lang.

Habang nag lalakad ramdam ko ang mga titig ng ibang estudyante sa amin. I even caught some of them whispering. Pano ba naman kasi ang mga kasama namin ngayon ay ang mga sikat ng varsity players ng school.


"Gosh totoo ba? Dito na mag aaral sina Dwight?"
"oo. Kyaaah!"

Kahit nasa libro ang atensyon ko, naririnig ko parin ang usapan ng ibang estudyante. At pansin ko, kanina pa nila binabanggit ang pangalang Dwight na yan.


tssssk!

Bigla kong nabitawan ang hawak kong libro dahil may biglang bumangga sa akin at muntik pa akong natumba.

Mabuti na lang nandyan si Mike ang kadate ko para maalalayan ako.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya

"Yeah. I'm fine" sagot ko sabay ayos ng suot kong glasses.

"Miss sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo" sabi ng lalaki na nakabangga sakin

Agad kong inangat ang tingin ko sa lalaki. So ako pa ngayon ang may kasalanan?

mag sasalita na sana ako ng inunahan na ako ni Coleen
"Wow ha? Dapat nga ikaw ang mag ingat eh." mataray niyang sabi "Nakita mo naman na nag babasa ng libro ang kaibigan ko. Sana ikaw na lang ang umiwas"


"eh hindi ko na yun kasalan kong tatatanga tanga yang kaibigan mo" sagot niya sabay tingin sa akin ng masama

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa narinig.



Ako ba yung sinabihan niyang tanga?


Gosh! Hindi niya ata ako kilala.
Akmang susuntukin ko na sana siya dahil sa mga sinabi niya sakin. Ngunit, pinigilan ako ni Coleen sabay sabing

"no need. I'll handle it" tsaka hinarap yung lalaking nakabangga sakin at sinuntok sa mukha.

"para yan sa sinabi mo sa kaibigan ko. Kaya quits na tayo" sabi ni Coleen "Tara na girls" aya ni Coleen samin

Hindi kami kaagad nakagalaw dahil sa gulat sa ginawang pag suntok niya sa lalaking yun. 

Vote.Comment.Share.BeAFan
Belle💋

Playboys Meets Playgirls (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang