[Darren's POV]
Nagising ako dahil sa ingay ng mga bata dito sa Park. Tumingin ako sa passenger seat at wala ng Megan na nakaupo dun. Napansin ko yung cup ng coffee sa harapan ko at may note dun. Hinayaan niya lang akong mag-isa dito? Nilapag ko sa passenger seat yung kumot na nakapatong sakin. Kinuha ko yung kape at lumabas ng kotse. Ang daming batang naglalaro, ang saya nilang lahat parang gusto ko ulit maging bata. Nagikot-ikot muna ako habang iniisip yung mga oras na kasama ko si Megan. Nagtataka ako sa kasama ng mga bata kung bakit ako tinitignan. May muta ba 'ko? May lumapit sakin na batang babae na may dalang magazine at pen.
"Hello po kuya dyarren!" Sambit niya. Ang cute naman ng batang 'to. Lumuhod ako para magkatapat kami. "Bakit andyito po kayo? May kasyama dyin po ba kayong bata?"
"Uh, wala naman baby girl." Pinisil ko ng bahagya yung kanang pisnge niya. "Ilang taon kana baby girl?"
"tyu years old po." Nag pout siya. "Ang batya batya ko pa nga po eh, tsayang po. Idyol ko pa naman po kayo." Sambit niya. "Kuya Dyarren, pwedye po bang pa-tsulat dyito? Yung mga shinashabi po ng fans niyo pag magpapapiryma."
"May Anghel palang fan si Darren Lim." Tumawa ako ng bahagya. Ang cute niyang magsalita gusto ko na siyang iuwi. "Autograph baby girl." Tumango tango siya. Kinuha ko yung magazine at yung pen. Pinirmahan ko yung Cover nun at hinalikan ko siya sa pisnge.
"thank you po kuya Dyarren!" Niyakap niya ko at umalis na. Napaka-cute ng batang yun. Bumalik na 'ko sa kotse, baka may makakilala pa sakin dito. Chineck ko yung phone ko at ang daming text galing kay Dorries. I forgot, may meeting pala ngayon sa Butterfly Restaurant. Baka magtampo sakin si Dorries. Nagdrive ako ng mabilis pauwi sa bahay, naabutan ko silang nagaayos. Sinalubong ako ni Dorries ng masamang tingin.
"Kuya saan ka ba galing? Kanina pa kita tine-text ha." Nag pout siya. "Akala ko hindi ka pupunta sa birthday meeting ko." Sambit niya. "Hindi na kita bati kuya!" Nilapitan ko siya at niyakap.
"Pwede bang hindi pumunta si kuya sa Birthday meeting ng maganda kong kapatid?" Hinarap ko siya. "Sorry, baby girl. Nakatulog si kuya sa Park eh." Sambit ko. "Wag ka ng mag pout jan baka masira pa yung make-up mo dahil sa pagpa-pout mo."
"Teka kuya, natulog ka sa Park? Haha, seriously?" Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumango ako sakanya. "Imposible kuya. Hindi ka nga mapatulog sa sahig ng kwarto mo sa park pa kaya?"
"Baby girl, sa kotse ko naman. Hindi sa mismong Park." Paliwanag ko. "Sige na, mag-aayos na si kuya. Susunod nalang ako dun sa Butterfly Restaurant." Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Dorries alam kong tungkol nanaman yun sa Park. Pumunta ako sa banyo ng kwarto ko at naligo.
Pagkatapos ko, nakaramdam ako ng gutom. Tummy wag muna ngayon nagmamadali ako. Nagbihis agad ako at nag ayos, hindi ko na kailangan tawagin yung make-up artist ko maraming kaartehan pa ang ilalagay nun sa gwapo kong mukha. Pagkalabas ko sila manang nalang yung nandito, nauna na sila Dorries sa Restaurant. Dun nalang din ako kakain, may hinanda naman sigurong pagkain dun. Nagdrive agad ako papuntang Restaurant. 20 minutes lang yung byahe papunta ditto, nasa parking lot na din yung kotse nila Mom and dad. Labas palang ng Restaurant halatang maganda at maayos ang style sa loob. Pagkapasok ko mas lalo akong namangha. Style mansion, sa gamit, ayos, at pagaasikaso sa mga kumakain dito nakakamangha. Gusto ko 'tong Venue para sa birthday ni Dorries.
"Mr. lim, sa taas po yung meeting room niyo." Tinuro nung babae kung saan ako pupunta. Pumunta ako sa meeting room at nandun na silang lahat. Umupo ako sa tabi ni Dorries. Si mom, dad, Dorries at ako palang ang tao dito buti naman at hindi pa sila nagsisimula. Tahimik lang kaming naghihintay kay Mr. Wang. Maya-maya dumating na sila.
"Sorry for waiting Mr. Lim." Sambit ni Mr. Wang. "So, let's start the meeting." Umupo si Mr. Wang katabi nung isang lalaki at yung mga assistant na mukhang mga gagawa para sa birthday ni Dorries sa bandang likod umupo. "This is my son, Nathan Wang."
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.