Hanggang Pangarap Ko Lang Siya
“Minasmasdan kita, nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin. Mapupulang labi at matingkad mong ngiti, tumatagos hanggang sa langit… Haaaayyyyy… Ano ba ‘to? Nakakainis naman. Lagi akong napapakanta sa isip kapag nakikita ko siya. Inlab na talaga ako sa kanya. Kaso… Hanggang dun lang ‘yon. Hanggang pangarap ko lang siya.”
Ako nga pala si Denisse. Isang mag-aaral na na-inlab sa aking guro. Maputi, mabango at laging may ngiti sa mga labi. Yan ang mga katangian na nagustuhan ko sa kanya. Mahusay sa pagtuturo at malakas ang dating.
Umaga na at malapit na mag-alas-sais. “Haaalaaa!!! Mahuhuli na ko! Imba naman kasi yung thesis naming. Halos ako lang ang gumagawa. Nakakainis, ako lang napupuyat. Bilis Ishtar!! Bilis!!”
Ni minsan, hindi ko naisip na magliban o magcutting sa klase kasi pag ginawa ko ‘yon, siguradong kulang ang araw ko. Hindi ko makikita ang pinakamamahal ko.
“Denisse?!”, sabi ng kanyang guro sa economics.
“Deads!! Hahahah…”, sabi ng isa kong kaklase.
“Hala Sir! Present po!”, sabi ko. “Baliw ka talaga Trisha!!”, dagdag ko pa.
Nagsimula na ang klase ngunit ako lutang pa. Hindi dahil sa thesis naming kundi dahil sa susunod na klase. Makikita ko na naman ang Love of my life. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang nakakabagot na subject na ‘to. Sana matapos na para vacant na tapos.. tapos..
“Yesss!! Ala-una imedya na. Hahaha…”, sabi ko.
“Uyyy… Makikita na niya si sir. Hahahah!!”, sabi ng mapang-asar kong kaklase.
“Epal ka Kevin! Wag ka nga maingay.”, sabi ko.
Umpisa na ng klase. Ang tagal niya dumating. Nakakainip ditto sa room. Gusto ko na siya Makita.
“Nandyan na si sir!! Tingin naman si Denisse. Todo ngiti ah! Hahahah!”, sabi ng mapang-asar kong kaklase.
“Mukha mo!! Manahimik ka nga. Nandyan na po kaya talaga si sir. Hahaha.”, sabi ko.
“Ok. Good Afternoon class. Let us begin our lesson.”, sabi ni sir.
Haaayyy.. Hindi ko na naiintindihan minsan yung lesson naming pag nag-umpisa na siya magturo. Pero ayos lang! Gusto ko nga yun,eh. Kasi pag may seatwork kami at nakikita niyang hindi ko naiintindahan, lumalapit siya at tinuturuan niya. Hindi lang naman ako, pati din ang iba kong kaklase. Kapag lumalapit siya sa’kin, naaamoy ko na ang bango-bango niya. Parang walang oras na hindi siya naliligo. Ano ba ‘yan! Kinikilig ako pag ganito.
“Ok class. See you tomorrow. Don’t forget to do your homework. Goodbye class!”, sabi ni sir.
GOODBYE CLASS, ‘yan ang pinaka nakakalungkot na sinasabi niya araw-araw. Sana siya na lang ang prof naming sa lahat ng subject at hinding-hindi ako magsasawang making sa kanya kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako nakikinig at tinitigan ko lang siya. Sana magkasabay na lang kaming pinanganak. Hindi sana ako mangangarap ng ganito kung nangyari ‘yun. At sana hindi ko masasabing… HANGGANG PANGARAP KO LANG SIYA…