Christian?!

44 3 0
                                    

Joana’s POV

Grabe ang sama naman ng gising ko. Mukang hindi ata ako makakapasok ng School. Edi hindi ko siya makikita. Edi hindi ko siya mababantayan. Edi hindi ko siya kasabay kumain ng recess, lunch, at pag uwi. Bakit ba kasi ngayon pa?

After 33000003330 years ng pag mumuni muni ko tumayo nako sa kama at naligo. Syempre papasok ayako naman na may lumandi sa kanya lalu na yung kanyang PRINCESS. Hay ang Bitter ko talaga.

ToootTooot

1 message From: Jonathan <3

Bes , pabigay nalang ng bulaklak sa princess ko ha. Eto yung number ng locker niya sa 2nd Floor 0231. Thanks :* Padala ko nalang dyan sa dorm mo

“Huh ano daw? Locker 231, eh locker yun ni Ellain ahh ! Tsk Tsk siya pala ang Princess mo huh!” GRRRR

After non nag bihis nako pumunta ako mag isa sa School. Nakatingin lahat sakin. Nga pala may dala akong bulaklak tsk tsk sana nga akin nlang eto eh.

Pumunta agad ako sa locker ni Ellain para ilagay yung bulaklak. Tapos pumunta na ako sa room namin wala pa masyado estudyante 6:30am lang kasi at 8 pa ang simula ng klase. Pag-lapit ko sa upuan may teddy bear isang Malaking teddy bear.

“Sino naman kaya mabibigay nito?” bulong ko

“ako!”

Huh?! Si Christian?! Ang dati kong crush na varsity ng Volleyball sa school namin.

“Bakit mo naman ako binigyan nito?” tanong ko sa kanya

“Kasi gusto kita!” sabi niya sakin

Ano? Gusto ako ni Christian Rivera? Ang ultimate heartthrob ng school?! MYGOD!

My Princess First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon