"So... The Ex is back."
Status ko yan kagabi nung nakauwi na kami ng condo. Hindi na ako nakapagcheck ng facebook pagkatapos ko mag status dahil umalis na sila mama kagabi. Tapos nag ayos ako ng kwarto at natulog na ng maaga kagabi dahil may pasok na kami ngayon.
First day na first day ng class. Namomoblema ako. Paano ba naman kasi. Ang daming nag comment sa status ko. Pero wala akong pakialam sa mga pinsan kong barako na kung makapag comment eh akala mo papatay.
May tatlo akong problema ngayong nandito na ako sa loob ng campus.
Una, wala pa si kat. Hindi nag rereply ang gaga. Pero nag usap kami kahapon ng nasa mall ako na dito kami mag kikita sa open pavilion ng school. Nilalagpasan na ako ng mga estudyante dito. Pero kailangan kong hintayin si kat. Dahil dito ang usapan namin.
Pangalawa, naiwan ko yung wallet ko sa breakfast table kanina. Naunang umalis si kuya tom sa akin. Alangan naman itext ko pa siya na idala dito ang wallet ko. Kaya nga talagang hinihintay ko pa din si kat dito para makahiram ng pera kahit na mukhang male-late na ako sa first class ko eh.
At pangatlo, si sir!! Lagi na atang kasama sa problema ko yung lalaking yun. Paano ba naman, nag comment siya sa status ko tapos nag post pa siya ng video ko. Yung scene na nag tatawanan kami nila papa sa labas ng greenwich. Tingin ko yun yung kinuhanan ni hade that time.
Ang nakalagay pa sa caption nung video..
"See how she laugh and smile.. She's damn beautiful right? #futuregirlfriend ❤"
What the hell hindi ba? Nakakainis siya. Bakit kailangan siyang mag post ng ganun. Pero infairness, ang ganda ko sa video na yun. Apple kasi yung phone ni hade eh. Kaya siguro maganda.
And speaking of maganda.. Nakikita ko na si kat na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Nag wave ako ng kamay sakanya at sobrang lumaki yung ngiti niya.
"Princess bully. Namiss kita ng sobra babae." Natawa ako sakanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at humiwalay din agad.
"Ready ka na ba mag aral ng mabuti?" nakakalokong tanong niya sa akin.
"Kagabi pa." Inakbayan ko siya at nag umpisa na kaming mag lakad papunta sa admin ng school habang nagkwekwentuhan.
Nalaman namin na hindi pa regular ng class. 1week pa na hindi regular. Pero depende daw sa teacher yun kaya kailangan pa din namin pumasok.
Hrm ang kinuha kong course while si kat is journalism nalang daw.. Medyo mag kalapit lang naman ang department namin.
Naisip ni kat nag maglakad lakad muna sa buong campus para hindi kami malito bukas pag punta ulit namin dito.
*
Lunch na at nandito kami sa cafeteria ng school. Tanong ng tanong si kat kung magkano pag kain nila dito pero panay ewan sagot ko kasi di ko naman talaga alam. Minsan talaga parang wala sa sarili tong si kat.
"Kat, naiwan ko wallet ko sa condo. Pwede bang ikaw muna? Bayaran ko mamayang uwian. sabay tayo punta sa bahay." pabulong kong sabi sakanya.
"Eh.. sorry gel, kasi ano eh. 50 lang dala kong pera." Pabulong at nahihiya niyang sabi sa akin.
"Hindi nga? Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango tango lang siya at napabuntong hininga nalang ako. Oo nga pala. Hindi na sila tulad ng dati. Pag may pera lang sana ako eh.
Bigla akong hinila ni kat sa table. umupo kami doon. Para siyang may tinataguan. nag kukunwari siyang may binabasa sa notebook niya kahit wala naman talagang nakasulat.
"Kat, sino tinataguan mo?" Tinitignan ko din yung tinitignan niya at puro mga grupo lang naman ng babae. Pero napansin ko yung isa. Parang may ganung damit si kat.
"Sinuot na naman niya damit ko. Nakakainis." bulong na sabi ni kat sa sarili niya.
Tumayo na yung babae at lalong nagtago si kat. Nang mawala na sila, umayos si kat ng upo. Tsaka niya sinabing pinsan niya yung may suot ng damit niya. Tumango tango nalang ako kahit na nag hihinala ako. Kasi naman, bakit si kat ang mahlg tatago sa babae eh yung pinsan na nga niya ang nag suot ng damit niya. Diba dapat, Yung naghiram ang magtago sakanya?
Tatayo na sana kami at aalis na sa mesa dahil may dalawang lalaki na may hawak ng tray. Pinatong nila yung tray sa table kung saan kami nakaupo ni kat. Tatayo na sana kami pero nagtanong ng isang lalaki.
"Iiwan niyo pagkain niyo?"
Nagkatinginan lang kami ni kat at nag shrug lang kami sa isa't isa. Tinignan ko yung nag salita kanina at infairness, gwapo siya. Mukhang kaedaran lang namin ni kat. Sa isa naman ako nakatingin at nakangiti lang siya sa akin, napansin kong may hikaw siya sa tenga. Ang weird nila ha.
"Uh. Kasi.. Diba sainyo naman yan? Hindi amin. At hindi kami nag order eh." sinubukan kong maging casual yung pananalita ko. Mga mukhang anak mayaman mga to eh.
"May nag papabigay kasi sainyo eh." Sabi nung nakangiting lalaki na may hikaw sa tenga.
"Sorry pero hindi kami tumatanggap ng pa-."
"Check mo yung phone mo." Sabi ng lalaki. Napa-huh lang ako sakanya at inulit niya yung sinabi niya kanina. Nilabas ko ang phone ko at nag text si fiona.
"Sa labas kasi kami mag la-lunch ni don. Nakita ka daw ni clark sa cafeteria kaya sabi ko orderan kayo ng food dyan. Enjoy your lunch. See you later?"
Napatitig lang ako sa text ni fiona. Tapos naalala ko si clark. Tumingin ako sa dalawang lalaki at nakangiti pa din sila sa akin.
"Sino sainyo si clark?" Tanong ko.
"Ah.. Wala. Neophytes kami ni clark. Tapos eto ang utos niya sa amin." Napatango na lang ako. And nag thank you na din. Nag shrug lang ako kay kat.
"Bumalik na daw kayo sa office sabi ni master clark. At huwag niyo daw subukan pormahan si princess dahil malalagot kayo sakanya." May biglang nag salita sa likuran ng dalawang lalaki na nag bigay ng foods namin. Napatingin siya sa akin at parang nahiya pero ngumiti pa din naman.
"Hi princess. Pinapasabi po ni master clark na pasensya na daw po at di ka niya mapupuntahan ngayon. May meeting po kasi kami. Pinapasabi din po niya na mahal ka daw po ni sir lord." Derederetsong sabi niya at nagbow na sa akin saka nag lakad ng mabilis. Nag bow din yung dalawang lalaki at sumunod na.
"Sir lord? So dito siya nag aaral?" Kinikilig na sabi ni kat.
"Ewan ko sayo kat. Kumain na lang tayo. Libre to kaya masarap." At natawa siya samantalang ako nakakaramdam ng kaba. Napakaliit nga naman ng mundo. Mag ka-schoolmate kami nila fiona at clark. Sana si sir hindi dito nag aaral.
*
Tapos na ang class ko at pinuntahan ko na si kat sa may graden kung saan ko siya iniwan kanina. Tatambay muna kasi siya sa bahay at ayaw pa daw niya umuwi.
At dahil hindi pa namin masyadong alam ang mga pasikot sikot dito. Sa parking lot kami napunta ni kat. Pero malapit naman na daw dito ang gate sabi ng pinag tanungan naming teacher kanina. Kaya deretso lang lakad namin. Pero napahinto ako bg makita ko na naman si sir. Nakaupo siya sa hood ng kotse at may mga kasama siya. Si hade, jade, gael, clark, don, fiona, faye, monette at may mga iba pa na hindi ko na kilala.
Hinila ko si kat sa gilid kaya lang wrong move. Sa biglang paghila ko kay kat, natama yung bag niya sa kotse na nakapark. Tumunog tuloy, ang lakas lakas pa naman ng alarm niya. Patay!!
"Ano bang problema mo? Pabigla bigla ka gel. Inform mo naman sana ako noh?" naiinis na sabi ni kat. Sinenyasan ko lang siya ng Shhh at tumahimik naman.
Mukhang wala naman sa grupo nila sir yung alarm ng sasakyan. Ang seryoso ng pinag uusapan nila.
"Sino ba mga yan? Bakit mo tinataguan?" Tanong ni kat habang nakasilip din.
"Si sir yung naka-white shirt dun. Tapos yung mga iba, pinsan at kaibigan niya. Tinataguan ko sila dahil ayoko mag pakita. Shit! Ang ganda ni fiona. Si faye, poker face pala talaga."
Eexit na sana kami ni kat ng may biglang sumigaw..
"Princess!!" Shit. Si kuya david. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung sumigaw.
"What are you doing there? Bakit ka nagtatago?" Tanong niya. Sumilip ako kila sir at nakatingin na sila kay kuya david na palapit sa amin ni kat.
"Wala naman kuya. Hehe. Ikaw? Bakit ka andito?" medyo kinakabahan kong tanong. Huminto siya medyo malapit sa amin. Pero kitang kita pa din siya nila sir.
"Wala man lang bang i miss you kuya dae. Wala man lang yakap?" Napakagat labi ako. No choice. Kailangan kong lumapit sakanya.
"I miss you kuya dae." Yakap ko sakanya. Hindi ko na makita sila sir dahil sinadya kong talikuran sila.
"I miss you more and more makulit naming princessa." Sabi niya at humiwalay na ako sa yakap niya. May nakita akong hawak niyang susi sa kamay.
"Kuya dae, pwede favor? Pahatid nga sa condo. Nawawala kasi wallet ko eh. Please?" kahit di ako mag pacute sakanila, alam kong di tatanggi yan.
"Matatangihan ko ba naman ang princessa ng pamilya. Tara na. Yan kotse ko. Sinabi kasi ng janitor na nag alarm daw kotse ko kaya pinuntahan ko agad." Binuksan niya yung pinto ng kotse niya sa amin ni kat at sumakay ako sa shot gun seat.
Nadaanan namin sila sir at ang grupo niya na nakatingin sa sasakyan kung saan kami nakasakay. Nahalata kaya nila ako? Namukhaan?
Hindi pa ako ready ma-meet sila. At isa pa, naiinis pa ako kay sir. Masyado siyang manloloko at playboy. Nakakainis.
***
Keep reading guys.