C 31

4K 54 10
                                    

A/N:

Please vote and comment.

__________________________________

"ANO BANG PROBLEMA MO??" Nasigawan na ni Zoe si Zeon kasi kanina pa sila sa loob ng kotse pero hindi nagsasalitang nakatungo si Zeon dun pagkatapos hampasin ng 3 beses ang sandalan ng upuan ng driver. Hindi naman nagsalita si Zeon at hindi rin gumalaw sa pwesto. Medyo natauhan si Zoe kasi first time nyang nasigawan si Zeon.

"Zeon, ano bang problema?" Medyo malumanay ng tanong ni Zoe. Umayos na ng upo si Zeon at nanatiling pikit ang mata. Tumingin na lang si Zoe sa bintana.

Hindi alam ni Zoe na sinusulyapan din sya ni Zeon habang siya ay sa labas nakatanaw. Napapailing na lang si Zeon. Unang beses syang sinigawan ni Zoe. Hindi niya malaman kung siya ba o si Zoe ang may pagkukulang kaya nag-aaway sila ngayon?

Nang makahinto na sila sa lobby ng hotel ay bumaba na agad ng sasakyan si Zoe. "ZYRAH!!!" Ang tawag ni Zeon pero hindi sya pinansin kaya nagmamadali siyang nag-abot ng bayad at tumakbo papasok. Pagdating sa loob ay nagtinginan ang mga tao sa kanya. Syempre, hindi ordinaryo na ang isang Zeon Lee ay makikita mong patakbo-takbo sa lobby.

Eksaktong kasasara lang ng elevator ng sumakay si Zoe at ang ibang elevator eh sarado pa kaya tumakbo sya sa hagdanan para makaakyat. Eksakto namang pagdating nya sa 3rd floor ay may available na lift kaya pumasok na sya dun at pinaakyat na.

Pagdating nya sa palapag nila ay nakita nya si Zoe na naiyak na nakasandal sa sarili nitong pintuan at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Nilapitan nya ang dalaga, hinawakan ang dalawang kamay paalis sa pagkakatakip sa mukha at niyakap. Humagulhol na si Zoe at yumapos na din kay Zeon.

"Zoe?!?" Napatingin sila sa nagsalita. Si Lance kalalabas lang ng hotel room nya. Nanglaki ang mata ni Zoe at si Zeon naman ay natulala ng makita si Lance. Nilapitan sila ni Lance at tinanong, "Anong nangyari Zoe?" Umiling lang si Zoe pero nakatingin pa din kay Lance.

Niyakap naman siya ng isang kamay ni Zeon at ipinasok na sa hotel room ng binata. "Zoe!" Medyo malakas na sabi ni Lance at hinabol ang isang kamay ng dalaga para pigilang pumasok sa loob ng suite ni Zeon. Napatingin si Zoe at umiling.

"Let go!" At nabitiwan na ni Lance si Zoe ng sabihan siya ni Zeon. Parang tinulos naman si Lance sa kinatatayuan. Hindi nya malaman kung bakit biglang sumama ito kay Zeon sa loob at yakap pa ni Zeon.

"ZOE!!" Sigaw nya at malakas na kinalabog ng kamay sa sumarang pinto ng room ni Zeon. Nagseselos sya at naguguluhan. Anong gagawin ni Zoe at Zeon sa isang kwarto at mukhang sweet na sweet ang dalawa?

"Lance?" Napalabas naman si Sap ng sarili nyang unit ng marinig na parang sumigaw si Lance.

Napatingin si Lance na kasalukuyang nasa tapat pa rin ng pinto ni Zeon. "SHT!!" Nasabi ng binata at pumunta na sa sariling suite.

"Lance wait..." Pero isang balibag ng pinto ang sumalubong sa harapan ni Sapphire. Nag-aalala at nagugumilihanan si Sap sa kung anong nangyari at nagkaganun ang kapatid nya. Pumasok na lang sya sa room nya at doon ay naisip na sa tamang panahon, tatanungin din nya si Lance kung anong nangayari dito. Marahil ay gusto munang mapag-isa ng binata.

Sa loob naman ng room ni Zeon ay wala na siyang pakialam kanina kahit pa mabuking na sila ni Lance. Ang alam lang nya ay kailangan nilang magkaayos ni Zoe. "Zyrah, I'm sorry!" At niyakap nya ng mahigpit ang dalagang kanina pa niyang yakap.

"Bakit mo hinalikan si Cassy?" Ang mahinang tanong ni Zoe habang humihikbi pa.

"Hindi ko sya hinalikan, sya ang humalik sa akin. Sorry na!" At hinalikan nya si Zoe sa lips.

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon