Regrets

238 14 14
                                    

Dedicated to shemaine22


Nakaupo ako ngayon sa rocking chair na nasa labas nang aking bahay. Nakatingin lang sa malayo. Malalim ang iniisip. Nilalamon nang kawalan.

Marami sa aking alaala ang nalimot na nang panahon ngunit tandang-tanda ko pa at napaka linaw sa aking isipan ang unang araw na nakilala ko ang taong nagpabago sa aking buhay. Isa akong ordinaryong tao. Isang simpleng magsasaka lamang habang siya ay anak naman nang may-ari nang lupang aking pinagsasakahan. Kada sasapit ang ika-tatlo nang hapon ay sabik na sabik akong tumungo sa isang kubo na aming pinagtitipunan nang aking mga kasamahan upang mag meryenda at ang dahilan lamang kung bakit ako nasasabik na mag tungo sa lugar na yun ay dahil nakikisalo kayo nang iyong pamilya sa amin.

Nasasabik ako na masilayan ang iyong napaka among mukha. Naaalala mo ba noon, nang ako'y mapapa tulala na lamang sa iyong mukha at ako'y biglang sasabihan nang aking kasamahan na " Danilo, tila ika'y may malalim na iniisip." At mapapa tingin ka nalang sa akin at ngingiti nang napaka tamis. Ako nama'y mahihiya sapagkat alam kong alam mo na sa iyo ako naka tingin. Habang dumaraan ng panahon ay mas lalo nating nakikilala ang isa't isa. Mas lalo akong napapa mahal sa iyo. At nararamdaman kong ganoon din ang iyong nararamdaman sa akin. Hanggang sa isang araw ay hindi na natin napigilan ang tinitibok nang ating mga puso. Umamin tayo sa isa't isa.

Labis na galak ang aking nadama noong araw na nalaman kong pareho ang ating nararamdaman. Nais kong sumigaw. Nais kong magtatalon at magpa gulong gulong sa damuhan dahil sa sobrang galak. Alam ko sa sarili ko na ang araw na iyon ang simula nang malaking pagbabago sa aking buhay. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Kinailangan nating itago sa lahat ang tungkol sa ating pag iibigan. Sa dahilang alam natin pareho na marami ang tututol. Dahil alam natin na may posibilidad na paglayuin nila tayong dalawa. Pero hindi ito naging hadlang sa ating dalawa. Nagkikita tayo nang palihim sa gabi. Pagpatak nang ika- labing isa nang gabi, sa may puno nang mangga sa tabi nang ilog.

Napanatili natin ang ating lihim na pag-iibigan sa loob nang napaka habang panahon. Binuo ang ating relasyon nang pagmamahal, respeto, at nang panginoon. Oo, alam nating hindi tama sa mata nang iba. Ngunit hindi sa mata at puso nating dalawa. Ipinagpatuloy natin ang ating lihim sa loob nang ilang taon. Hindi tayo nagpapigil sa kahit na ano mang pumipilit na bumalakid sa atin.

Ganoon pa man, alam natin na walang lihim ang hindi nabubunyag. Nalaman nang iyong pamilya ang tungkol sa ating dalawa at kagaya nang inaasahan ay tinutulan nila nang husto ang ating pag iibigan. Sinubukan nating lumaban ngunit hindi ito sumapat. Pinaglayo nila tayong dalawa. Ilang gabi akong walang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa aking silid at tanging pag hikbi lamang ang tanging maririnig. Hanggang sa isang araw ay bumalik ka. At inaya mo akong sumama sa iyo. Pumayag ako nang walang pag aalinlangan. Alam ko na sa piling mo ako magiging masaya at wala na akong ibang hihilingin pa. Nagkasundo tayo na aalis sa ika pitong araw mula nang ating pag uusap, sa ika- walo nang gabi at sa tabing ilog ang ating magiging tagpuan. Apat na araw bago ang ating usapan ay naka handa na ang lahat nang aking gamit. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Isang umaga habang nagtatrabaho sa inyong lupa ay biglang nawalan nang malay ang aking ina. Agad namin siyang itinakbo sa ospital.

Habang nasa loob nang isang silid ang aking ina ay walang humpay ang pagtulo nang aking luha kasabay nang aking mga dalangin sa panginoon. Hiniling ko na sanay huwag niya munang bawiin sa akin ang aking ina. Dininig naman niya ang aking dalangin ngunit dahil sa kailangan kong tumulong sa gastusin sa ospital ay hindi ko namalayang dumaan ang araw nang ating kasunduan... At hindi ako tumupad. Mula noong araw na yun ay hindi na kita muling nakita. Ang inakala ko noon ay doon na talaga matatapos ang istorya nating dalawa. Pero muli kang nagbalik. Ngunit sa pagkaka taong iyon ay umasta ka na wari'y hindi mo ako nakilala. Ni hindi mo ako kayang tignan sa aking mga mata. Nais man kitang kausapin ay ramdam kong ikaw mismo ang umiiwas at lumalayo. At ang mas masakit ay hindi man lang ako gumawa nang paraan upang makalapit sa iyo.

Naging duwag ako. Oo, inaamin ko ito sa aking sarili. Dumaan ang ilan pang buwan nang ganoon ang aking sitwasyon. Sa gabi ay palagi lamang akong umiiyak. Hindi ko nga malaman kung bakit hindi magawang mapagod nang aking mga mata. Siguro nga ay dito na magtatapos ang istorya nating dalawa. Napag desisyunan kong umalis sa aming baryo. Nais kong lumayo, nais kong mapag isa. Dahil nais kong makalimutan ka. Lumuwas ako sa bayan at doon ako nakipag sapalaran. Nagkaroon ako nang trabaho sa pamilihang bayan. Nagsikap ako. Itinuon ko ang aking pag iisip sa aking trabaho upang kahit papaano ay hindi kita masyadong maisip. Sa pagdaan nang araw ay unti-unti akong nakaka bangon mula sa pagiging dukha. Nagkaroon na ako nang sarili kong tindahan sa mercado.

Araw at gabi ay wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang mag trabaho. Dahil ayaw kitang maisip. Dahil alam kong sa oras na magpahinga ako ay maiisip nanaman kita. At muli nanamang tutulo ang luha mula sa aking mga mata. Dahil Mahal parin kita. Ilang taon pa ang lumipas at nakaaangat na ang aking buhay. Kinuha ko na ang aking pamilya mula sa barriong aking kinalakihan. Kung saan tayo nagka kilala. Pero sa pagkakataong ito ay buo na ang aking loob. Oras na upang patunayan ko naman sa iyo na labis kitang minamahal. Hinanap kita sa tulong nang aking mga kapatid. Nang malaman ko ang iyong kinaroroonan ay agad agad kitang pinuntahan. Walang halong pag aalinlangan. Walang takot. Walang pagdadalawang isip. Mahal na mahal kita at handa akong patunayan ito sa iyo. Nang ako'y makarating sa iyong tahanan ay agad naman kitang nakita sa labas nang iyong bahay.

Sabik na sabik ako sa iyong yakap. Dahan-dahan akong humahakbang palapit sa iyo. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay agad akong tumigil nang nakita ko ang mga taong naunang lumapit sa iyo at agad kang niyakap. Ang iyong pamilya. Nahuli na ba ako nang dating? Hindi ko na ba maaari pang ayusin ang lahat? Pinagmamasdan lamang kita at ang iyong pamilya habang naglalakad kayo palayo. Hindi ko namalayan na umaagos nanaman pala ang aking mga luha. Siguro, kung naging matapang lamang ako nang mga panahon na iyon masaya ako. Siguro, kung hindi ako naging duwag... Magkasama tayo.

Labis kong pinagsisisihan ang lahat. Dumaan lang ang panahon sa akin. Sinubukan ko ngunit talagang hindi kita malimot. Ni hindi ko nagawang subukan na magmahal nang iba. Ikaw lamang ang nasa puso at isipan ko. Oo, naabot ko nga ang kaginhawahan, ang kayamanan. Ngunit hindi ang tangi kong kagustuhan. Ang tangi kong kailangan. Kailanman ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Pinagsisisihan ko ang lahat. At ngayon heto ako, Nakaupo sa rocking chair na nasa labas nang aking bahay. Nakatingin lang sa malayo. Malalim ang iniisip. Nilalamon nang kawalan. Unti unti kong nararamdaman ang pagkaubos nang aking hininga. Balita ko ay naging masaya ka. Siguro ay hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Ganoon pa man, nais ko lang malaman mo. Nais kong humingi nang tawad sa iyo. Patawad dahil naging duwag ako. Patawad dahil hindi kita nagawang ipaglaban. Patawad sa lahat. Dahan-dahan ay mararamdaman ko na ang pagkalagot nang aking hininga. Dito na matatapos ang lahat. Ganon man, nais ko lang malaman mo. " Mahal na mahal kita. At ikaw lang ang nag iisa sa puso ko... Andres."

-Danilo

End.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon