Xiara's POV
Nakapikit man ay kinapa ko ang tabi ko pero ganoon na lamang ang pagkadismaya ko ng wala akong matagpuan na Simon. Napasimangot na lamang ako at napabuntong hininga.
"Anong balak mo sa buhay mo ha, Ella?" nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaliwa at doon natagpuan si Kuya Warren na malamig ang tingin na ipinupukol sa akin.
"Kuya.." ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya pa itong itsura ko dahil wala akong suot sa loob ng kumot na ito.
"Magbihis ka. Hihintayin kita sa labas." walang emosyong wika pa rin nito kaya't naiwan na lamang akong tulala. Nagkaabutan kaya sila ni Simon?
Napailing ako at nagmadali na lamang nagbihis para makasunod na sa kanya. Inilock ko muna ang bahay tsaka ako sumakay sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung paano ko iimikin si Kuya. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Tinahak namin abg madilim na daan hanggang makarating kami sa Baywalk. Doon kami nag usap tutal ay kakaunti lamang ang tao.
"Anong ginagawa mk sa sarili mo, Xiara Wriella? Ganyan ka na ba talaga kadesperada at kahibang para makipagsex kay Simon? Wala na nga bang natitirang ni katiting na kahihiyan sa sarili mo?" nanginginig na ito sa galit kaya napaiwas na lamang ako ng tingin.
Hindi ko maiwasang mapaluha. Pinunasan ko iyon at niyakap ang aking sarili. Nasasaktan man ako sa mga salita ni Kuya ay alam ko namang totoo iyon. Ni hindi ko nga alam kung may kasiguraduhan nga bang mamahalin ako ni Simon kahit hindi niya alam na ako si Ella.
Napatungo na lang ako at umupo sa may gilid.
"Ano ba ang hindi niyo maintindihan sa salitang mahal ko siya at kaya kong gawin ang lahat para lang maging masaya lang kaming dalawa." simpleng wika ko.
"HINDI MO BA ALAM TALAGA HA? NAGMUMUKHA KA NA LANG TANGA! NI HINDI MO NGA SIGURADO KUNG KAYA NIYA RING GAWIN ANG LAHAT PARA SA IYO!" sinigawan na ako nito kaya lalo akong napahagulgol.
"Simula ngayong gabi, ilalayo kita sa kanya. Hindi ka babalik sa Maynila ng hindi ka nagtitino. Ni hindi mo na nga siguro alam kung paano mahalin at magtira sa sarili mo. Na kahit sandali man lang hindi mo kayang maging matatag para sa kinabukasan mo eh." sabi nito kaya paulit ulit akong umiling rito. Paatras na ako ng haklitin nito ang braso ko at pinilit akong isakay sa kotse niya.
Nagpupumiglas pa din ako. Ayokong lumayo kay Simon. Ayokong iwanan siya. Mahal na mahal ko siya.
Pero napatigil ako sa pagwawala ng sampalin ako ni Kuya ng napakalakas na para bang mabibingi na ako.
"PUTANG INA, XIARA WRIELLA! PIKON NA PIKON NA AKO! NASASAKTAN AKO TUWING NAKIKITA KITANG NAGKAKAGANYAN DAHIL SA KAPATID KO! ALAM MONG PINAHALAGAHAN KITA NG SOBRA DAHIL HALOS KAPATID NA DIN ANG NAGING TURING KO SAYO PERO TANG INA LANG! WALA KA NG ITINIRANG PAGMAMAHAL SA SARILI MO! HINDI MO BA TALAGA KAYANG MAGBAGO HA? HINDI MO BA TALAGA KAYANG MATUTUNANG MAHALIN MULI ANG SARILI MO? GANYAN KA NA BA TALAGA KATANGA KAY SIMON?!" sigaw pa nito. Pakiramdam ko ay unti-unting nagsisink-in sa utak ko lahat ng nangyayari.
Wala na nga ba akong pakielam sa sarili ko na handa ko pang ibigay lahat sa kanya? Siguro tama nga si Kuya. Kailangan ko ng oras.
Naguguluhan na ako. Napapagod na ako. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano na lang bang mangyayari sa buhay ko kung patuloy na lang magiging ganito? Napaakap na lang ako sa kanya at humagulgol na parang bata.
"S-sorry, kuyaaaa.. Sorry.." paulit ulit ko itong sinasabi. Hanggang makatulog ako dahil sa pagod.
*-*-*-*
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa aking mukha. Doon ko nasilayan ang malungkot ngunit wala ng bahid ng galit na mukha ni Kuya Warren.
Pagtingin ko sa labas ay doon ko nasilayan ang katamtaman lamang ang laki na bahay. Dalawang palapag ito at halatang pinagkagastusan ang bawat detalye.
"Saan ito, Kuya?" tanong ko habang inaalalayan niya akong bumaba.
"Nasa Pangasinan tayo. Iyan ang bagong bahay na binili ko para sana kay nila Itang at Inang kaso hindi nila tinanggap. Dito ka muna pansamantalang maninirahan." simpleng sagot nito at pumasok na kami sa loob. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Iyong totoong ngiti na hindi ko na muling naipakita sa karamihan.
"Gusto kong mamuhay ka bilang isang simpleng babae. Iyong walang Simon. Iyong walang Maynila. Hindi rin muna ako magpapakita sa iyo o kahit ano pang koneksyon tungkol kay Simon. Makakabuti ito para sa iyo. At sa oras na maging kumpleto ka ng muli, tsaka ka bumalik muli sa buhay namin. Ng walang bahid ng kahit ano galing sa nakaraan. Mamuhay ka sa kasalukuyan, Xiara Wriella. Karapatan mo iyon." mahabang wika nito.
Napaakap ako kay Kuya Warren dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga niya sa akin.
"Salamat, Kuya. Hindi ko na alam kung anong maaaring kahinatnan ko kung hindi mo ako gigisingin sa pagiging isang martyr at tangang babae." sabi ko pa rito.
"Basta ipangako mo sa akin. Magbabago ka. Kung sakali mang hindi ang nilalaman niyang tanga mong puso pero sana ang tatag, prinsipyo at personalidad mo ang mag-improve. Huwag mong gawing sentro ng buhay mo si Simon. Magtira ka sa sarili mo para sa oras na may dumating na problema muli sa inyo ay hindi ka tuluyang mawawasak ng ganon na lamang." sabi niya pa sa akin.
"Opo, Kuya. Salamat talaga. Sana kahit minsan man lang dalawin mo ako para naman hindi ako malungkot." sabi ko pa dito. Ginulo niya lamang ang buhok ko at nginitian ako.
"Bahala na. O siya aalis na ako. Nandyan na sa taas iyong mga damit na maaari mong magamit. May pagkain din sa ref at sa ibabaw iyong perang pwede mong gamitin sa paninimula mo." sabi pa nito at tuluyan na akong naiwan sa bahay na iyon.
Umupo ako sa sofa at pinakatitigan ang paligid. Bukas maghahanap ako ng maaaring maging trabaho ko rito. Pero kailangan kong magbago ng pangalan ng hindi ako matunton kung sakali ni nino man.
Simula bukas, Wriella Paldome na ang gagamitin kong pangalan. Tutal ay apilyido iyon ni Inang bago niya pakasalan noo si Itang.
Gusto ko ng mawala lahat ng pagiging tanga ko. Gusto ko sa oras na magkita muli kami ni Simon ay kilala ko na muli ang sarili ko. Iyong masiyahin, matapang at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.
Ayoko ng magpabulag muli ng sobra sa damdamin ko. Gagawin ko ito hindi lang dahil kay Simon pero para sa akin. Oras na para maghanap at magsimula ng panibagong kinabukasan.
Ang tanga mo, Xiara Wriella Clemente. Isa kang babaeng nagpabulag sa nakaraan at pag-ibig na walang naging magandang maidudulot sa buhay. Isang babaeng mahina at walang sariling desisyon. Isang babaeng hindi kayang tumayo ng walang umaalalay sa kanyang paligid. Isang babaeng walang lakas ng loob para humarap sa kahit anong pagsubok ng buhay. Paalam.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)
RomanceXiara Wriella Clemente and Simon Chromewell's Story "S-sir, uuwi na nga po pala ako. Kung may ipapagawa pa po kayo eh tatapusin ko na lang po bukas. Ingat po." tumalikod na ako pakasabi ko non pero napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga bisig niya...