KABANATA 17

7.8K 373 14
                                    

Hindi pa nag-uumpisa nang pumasok kami sa unang movie. Naglakad kami sa bandang likuran para iwasan ang dalawang magkaparehang naglalampungan at naghahalikan sa mas bungad na helera.

Naupo kami sa bandang kanan--paharap sa big screen. Naupo ako sa pinakaunang pwesto sa tabi ng aisle, matapos piliin ni Jasmine na maupo sa aking kanan. Wala pang nakaupo sa aming hilera at sa dalawang helera sa aming harapan at likuran. Actually, mukhang aalog-alog kami dahil mukhang kakaunti lang kami sa loob.

Tatlong minuto bago ang eksaktong pagsisimula ng pelikula, biglang nagdilim ang paligid. Natural lang naman 'yun sa sinehan kaya't tahimik lang akong naghintay at nakiramdam.

"Anong nangyayari?" Bulong ng babae--na isa sa dalawang naglalampungan kanina.

"Mag-uumpisa na 'yata." Sabi naman ng kasama nitong lalaki.

"Pero bakit sobrang dilim naman yata? Bakit pati ang spot lights at red sign ng fire exit sa tabi ng big screen, nakapatay?"

Napatingin ako sa lukasyon ng tinutukoy nitong fire exit sign. Oo nga. Naaalala ko na naka-on nga 'yun sa pagpasok namin kanina, pero ngayon, hindi na ito maaninag sa dilim.

"Pero buhay naman ang step lights." Sabi ng lalaki. Napatingin din tuloy ako sa kahabaan ng aisle, at sa mga baitang kung saan makikita ang malalamlam na ilaw ng mga step lights. Naka-on nga 'yun, pero mas mahina na ang mga ito kumpara nung pumasok kami kanina.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Luminga-linga ako. Sobrang dilim, pero dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga step lights, naaaninag ko pa naman ang mga taong nakaupo sa abot ng aking natatanaw. May ibang nagtatangkang tumayo, pero hinihila naman ito ng kanilang kasama--o mga kasamahan para muling maupo. Meron din namang nagpupumilit na maglakad sa dilim, kaya hindi na ako nagtaka, nang may narinig akong napasigaw sa pagkatapilok.

"Jeff..." Nanginginig na bulong sa akin ni Jasmine. Naramdaman ko ang pangangatal ng kamay nito.

"Bakit?" Bulong ko.

Sa halip na sumagot, naramdaman kong inihilig n'ya ang kanyang noo sa aking kanang balikat. Nanginginig talaga ito kaya't hindi na ako nag-alinlangang akbayan ito at hapitin sa aking kanang tagiliran.

"A-are you ok?" Bulong ko.

"N-no..." Garalgal boses n'ya.

Kinabahan ako; kinutuban din na malamang nagkakaroon na naman ito ng mga pangitain.

"M-may nakikita ka ba?" Nag-aalinlangang tanong ko.

"J-Jeff lumabas na tayo. A-ayoko nang manood." Lalo nitong isiniksik ang kanyang mukha sa aking kanang dibdib.

"Pero bakit?"

"N-nandito sila lahat, Jeff." Halata sa boses n'ya ang nagbabadyang pag-iyak; nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin.

"Where?" Though the truth is...I don't really want to know.

"S-sa..."

"Saan?"

"Sa lahat ng vacant seats." Damang-dama ko ang takot sa kanyang tinig. "Nakaharap ang mga katawan nila sa harapan pero..."

"Pero?"

"Nakapilipit ang kanilang mga leeg at nakapaharap sa 'ting gawi ang kanilang mga mukha. L-Lahat sila, nakatingin sa 'tin, Jeff."

Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"At i-itong nasa k-kanan ko." Pagpapatuloy n'ya. "Nakatutok ang mukha n'ya sa 'kin. S-sinusubukan din n'ya akong hawakan." Napapaiyak na ito sa takot. "Umalis na tayo Jeff. A-ayoko na sa madilim. Ayoko na ri--"

Biglang nagliwanag. Napatingala ako sa mga ilaw na nagmumula sa itaas, para lang gulatin sa pagtingin ko sa aking harapan, nang makita ko ang mukha ng isang maputlang babaeng nakangiti sa akin sa kakilakilabot na paraan. Napaiktad ako. Nakaluhod ito sa aking harapan na pilit inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. Naglaho rin naman ito agad, pero hindi ako maaaring magkamaling isa itong babaeng nakasuot ng damit pangkasal.

"Tayo na..."Bulong ko kay Jasmine; nanguna akong tumayo. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay, at hinatak ito para tumayo at sumama sa akin papalabas.

Pareho kaming humihingal nang makarating kami sa labas. Unti-unti naman kaming kumalma matapos naming magkatinginan nang mata sa mata.

"A-ayos lang ba na makiusap sa 'yo na basahin mo na ang mga ibinigay ko sa 'yo?" Maluha-luha ito. "Ilang araw na kasi akong hindi nakakatulog. Nakikita ko sila kahit nakapikit. Gustuhin ko mang masanay na lang pero mahirap silang balewalain. Susulpot sila sa mga lugar na hindi ko inaasahan. Ilang beses na akong gamuntik nang maaksidente dahil kahit sa pagtawid ko sa kalye, maging sa pag-akyat at pagbaba ng hagdanan, bigla na lang silang sumusulpot kahit sa liwanag."

"I will. Promise. Kung gusto mo--" Tiningnan ko ang wrist watch ko, "Samahan mo ako sa bahay ng parents ko. Do'n kasi ako tumuloy this weekend. Babasahin ko mismo sa harapan mo para makasiguro ka."

"P-pero...sa'n naman 'yun?"

Nag-aalinlangan man,sinabi ko na rin ang totoo. "D'yan lang sa Monteclaro Village."

"Monteclaro Village?!" Inasahan ko na ang kanyang reaksyon.

"Oo. Do you know that place?" Pagpapatay malisya ko.

"H-ha? O-oo. S-saan ka ro'n."

"Sa Clark St."

Tumingin ito sa kanyang relo. "O sige, pero sandali lang ha?"

"Oo. Ihahatid naman kita sa inyo, don't worry."

"N-naku. H'wag na. Basta h'wag lang ako lalampas sa curfew, at hindi aabutin ng dilim sa daan. Okey lang kahit hindi mo na ako ihatid...M-malayo kasi a-ang sa 'min eh."

I know it was a lie, but I just let it go; until, maybe later.

[Itutuloy]

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon